CHAPTER TWELVE: Price Tag

75 0 2
                                    

Second year na kami! Yeah, SOPHIES na kulay tartar. ^_^ May bago kaming classmate, si Fame Aizel Lapuz galing afternoon session/ lower section, ang halimaw naman kasi nito! New student pero gold agad ang tinira! ^_^

This time, di na ko nanominate sa class officers, wawang Rika. Ayos lang yan! Atleast naexperience ko yun kahit papaano. Pati, terror yung adviser namin ngayon eh, ok nang di napaupo sa posisyon baka madeads ako ng maaga pag siya ang nag-utos.

Kung ikikwento ko ang mga nangyari, nangyayari at mangyayari sa Second Year life ko... para narin akong nag-copy-paste from Chapter Eleven! Paano ba naman, halos walang pinagkaiba? Bukod sa nagdisect kami ng palaka, inabot na ng 2:00 am sa pagtapos lang sa mga projects, paghohost sa cooking contest at pag-intermission number noong Christmas party, ano pa ba?

Ay meron! Ipapakilala ko nga pala ang dalawang taong nagbigay kulay sa ikalawang taon ko rito sa sekondarya. ^_^

First: Meet EMILIE ARAMIS

Siya ang tumayong bestfriend ko ngayong taon. [Yes! sa wakas, nagkaron din ako ng kafriendster!] Pano nagkaproblema kasi siya sa circle of friends niya. Ewan ko ba, sa dami ng problema niya pati yun di ko na maalala. Mabait siya? SOBRA! May pagkamartir ang drama niya, lagi siyang nandiyan para sakin, kahit busy ako, sige lang! Patuloy lang siya sa pagsama sakin. Yun nga lang may konting sabit. Palagi siyang speaker sa aming dalawa at ako naman ang kanyang avid listener.

Marami siyang problema sa buhay... mula sa bahay, kaibigan, lovelife, studies, foods, labada, makukulit na mga kapatid at kung anu-ano pa... Lahat na ata ng bagay pinasan niya. Ako naman lagi lang akong nakikinig sa kanya, di naman ako makapag-advice dahil unang-una: di ako makarelate, kasi di ko pa naeencounter yung ibang problema niya... pangalawa: Wala akong pagkakataon makasagot sa lahat ng monologue niya. Non-stop kasi ang bibig niya eh. halimbawa na lamang...

"Rika... bakit ganun? Ang labo-labo ni Kelson... Alam mo yun?! Dun sa notebook, yung diary namin? Kung alam mo lang... ang dami niyang pangako, ang sweet-sweet niya tapos naaalala mo nung nagtampo ako sa kanya? Nakita mo naman kung pano siya magsorry diba? Halos paluhod niyang ginawa... Nakita mo naman pagtayo lang diba?! Tapos ngayon bakit bigla nalang nawala??? Wala manlang pasabi...ni hi ni ho WALA!! biglaan talaga... " kwento ni Emilie.

"Emi, kasi tingin ko lang ha..."

"Eh Rika, look, tanda mo nung unang beses na nagsulatan kami? Dumating pa nga sa point na lahat ng problema ko sa bahay nakakalimutan ko na ng dahil sa kanya... blah... blah... blah..." ay nako Emilie Aramis... may balak ka bang makinig sa payo ko?

See? Di pa man ako nakakatirada sa introduction ko, pinuputol agad niya... Kaya mas ok na listener na lang talaga ako! ^_^ Mukhang bumenta naman eh :D

Second: Meet FERNAN ROSARIO

Ngayong taon lang namin naging classmate to, pero naging classmate ko na rin siya nung Elementary. Ewan ko ba rito, palipat-lipat ng section, pasaway kasi! Mas bata siya sakin ng more than a year, kaya unawain nalang ang sort of immaturity :-P

Younger brother ang turing ko sakanya pero... Ewan ko lang sa kanya?! 

ANG BYAHE NG BUHAY KO...Where stories live. Discover now