Summer na! This time, mukhang mas exciting ang magiging experience ko. Lilipat kasi kami pansamantala sa kabilang village dahil irerenovate ang bahay namin. Wow! Improving! Pano ba naman, nagbabagsakan na yung mga semento at tile sa ilalim ng lababo, mukhang magreretire na nga. Haaay, bye bye old house!SAlamat sa pagpapatira mo samin dito for couple of years... :)
First time ko rin nagkaron ng cellphone, improving na talaga ako! I love it! Buti na lang kinuha ko ang mga contact numbers ng mga classmates ko ^_^ kung hindi... wala rin >.<
Sa inuupahang bahay
"Nak, maiwan ka muna rito, ikaw na bahala magluto ha? Nasa ref yung manok itola mo nalang. yung pinto ilock mo, wag kang lalayo kung aalis kayo ni Ynna, ok?" sabi ni mama. Tss, bakit ba ganun ang mga nanay? Paulit-ulit kung maghabilin! Saulo ko na nga eh, araw-araw ba naman eh, tapos inuulit pa?!
"Opo...opo..." sagot ko.
"Nga pala, yung cellphone mo, antabayanan mo lang ha at baka magtext kami sayo... ha nak?" kulit naman!
"opo...opo..." sagot ko ulit.
"Sige nak alis na kami, mga pinto , yung tangke! Ha? Mag-iingat ka..." Ma, alis na...shooo! >.<
Tss. "Nga pala, yung cellphone mo, antabayanan mo lang ha at baka magtext kami sayo... ha nak?" Naman! Aantabayanan ko talaga! Unli yata ko ^_^ Eto ang nakakatuwa rito eh, kapag mag-isa lang ako, todo text kahit naglilinis, nagluluto at kung ano pa man... Dove-tailing yata ang talent ko! ^_^
bzzzt bzzzt
From Gina: Good mornin!! :P
_________
To Gina: Hey bruha! tanghali na ah.. ngayon ka lang gumising haha XD
_________
From Gina: Oo nga eh! Ganun talaga! haha
_________
To Gina: nu gawa mo ?
_________
From Gina: eto nood lang tv..tex tex..kaw??
_________
To Gina: txt txt lang.. haha la ibang tao dito eh ^^
_________
From Gina: topic??
Nakakainis naman katext mga kaklase ko eh, ang titipid sumagot! Lagi pang nanghihingi ng topic >.<
To Gina: pengeng txtm8! meron ka ba jan?
_________
From Gina: ah! oo eto.. 0908***6910
_________
To Gina: Sino to? Makulit ba to?
_________
From Gina: oo, makulit yan! Sobra :-) si james yan...
_________
To Gina: Sinong James? as in JAMES MAGNAYE? yung dancer???
_________
From Gina: Oo! Crush ko yan... haha
_________
To Gina: baliw! haha crush mo tapos binigay mo sakin yung num??
_________
From Gina: ok lang yan. try mo dali... lokohin mo!