FENA REISS
Nagbuntong hininga ako habang binabasa ang librong ibinigay sa akin ni Kia, ang aking kaibigan. Isa itong nobela na isinulat niya. Mahilig kasi ito sa pagbabasa at pagsusulat ng nobela, at ako ang kauna-unahang mambabasa niya
Ang mga gusto niya talaga ay Reincarnation, Transmigration, Isekai, at lalo na ang Reverse Harem.
At laging kawawa ang mga kontrabida niyang karakter sa kaniya. Ewan ko ba at bakit ang sasama ng mga kapalaran ng mga kontrabida sa mga nobelang isinulat niya.
Ang laki ata ng galit nito.
Katulad nalang nitong kontrabida sa binabasa ko ngayong nobela. Si Calliope Amethyst Eiran ang kontrabida sa nobelang 'SHOW ME LOVE' na ang female lead naman ay si Amera Kana Alves.
Dahil nga sa gusto ni Kia ng Reverse Harem, ayun, madami ang magkakagusto sa female lead. Ah, basta, tinatamad akong sabihin ko sino-sino sila. Ang alam ko lang ay putangina.
Daming alam ni Kia. Kawawang Calliope, hindi man lang nabibigyan ng atensyon at pagmamahal ng kaniyang magulang... parang ako.
Nakakaputangina talaga dahil binase na naman sa bruha ang buhay ni Calliope sa buhay ko! Tadyakan ko 'yun eh.
Nagbuntong hininga ulit ako bago pumasok sa kotse ko pauwi. Isinuot ko ng maigi ang seatbelt bago ilagay ang libro sa katabi kong upuan. Napatitig pa akong muli rito at hinayaang nakabukas iyon bago paandarin ang aking sasakyan
"Bwesit talaga 'tong si Kia. Babatukan ko talaga 'yun bukas." Naiinis kong saad saka ngumuso at nagbuntong hininga ulit
Pang ilang buntong hininga na ba ito?
I don't know. Basta badtrip ako sa hindi malamang dahilan. Hindi naman talaga ako ganito eh pero iba yung nararamdaman ko ngayon. Parang may kakaiba na hindi ko alam kung ano. Para bang may mangyayari.
Iniiling ko ang ulo ko saka nagbuntong hininga ulit. Dinilaan ko ang aking pang-ibabang labi ko saka kinagat ito dahil sa iritang nararamdaman
Napatingin ako sa cellphone ko nang marinig ako pag ring nito. Napailing ako nang makita ang tumatawag, si Den, ang gay kong kaibigan.
Parang nawala ng kaunti ang inis ko saka nakangising sinagot ang tawag at inipit sa pagitan ng tenga at balikat ko habang nakatingin sa daan.
"Yes, Den?"
"[Punta ka naman dito, Fe! You know how much I miss you! It's my birthday pero hindi kita nakikita!]" Mataray ngunit mahihimagan mo ang lungkot sa boses nito
Napangiti't natawa ako saka nagsalita, "[Miss na miss na rin kita, Den ko! Plano ko talagang pumunta d'yan para batiin ka. Pasensya na kung wala akong regalong dala.]" Nakangusong saad ko
Narinig ko ang pag mamataray nito sa kabilang linya, "[Alam ko! That's not important! Basta pumunta ka lang dito!]"
"Oo na! Ito naman. Huwag kang mag-alala, papunta na ako d'yan."
"Aba'y dapat lang--" hindi ko narinig ang kasunod nitong sinabi nang mahulog ang cellphone ko
Napairap ako sa inis saka pilit na inaabot ang cellphone ko. Pilit kong inaabot ito at focus rin ako sa pagmamaneho. Bumaba ang tingin ko at tumingin ulit sa daan.
Tangina naman.
Yumuko ako at kinuha ang cellphone ko, rinig na rinig ko ang pagpuputak na parang manok ni Den sa kabilang linya. Napangiti ako nang makuha ko ang phone ko. Pagtingin ko sa daan ay nanlaki ang mata ko nang makita ang isang tao na nasa gitna ng daan
BINABASA MO ANG
I'm the Villainess?!
RomanceSi Fena Reiss ay isang dalagang hindi nabibigyan ng atensyon ng magulang sa kadahilanang parehong busy sa trabaho. Nakasanayan niya niyang mamuhay na parang walang mga magulang kung kaya't alam niyang mabuhay ng mag-isa. Pero sa hindi inaasahang pan...