3

27 2 0
                                    




"Y-young master, w-wala akong ginagawa!" Sinubukan ko ulit magpumiglas pero napadaing lang ako dahil mas humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa braso ko



Agad namang lumapit si Amera kay Arthis at hinawakan ito sa braso, "Arthis, wala siyang ginawa. Hindi niya ako sinaktan." Nag-aalala niya akong tinignan habang hinihila at kinukumbinsi niya si Arthis na bitawan ako




"Narinig kong sumigaw ka kaya alam kong sinaktan ka nitong babaeng 'to, Amera. Hindi mo kailangan magsinungaling!" Nanggagalaiting saad naman ni Arthis saka ako muling binalingan ng tingin



Napahinga ako ng malalim dahil nakakaramdam ako ng kaunting panghihina at pagkahilo. Hindi ko alam kung bakit ako nanghihina pero sa tingin ko ay dahil na rin siguro hindi pa masyadong magaan ang pakiramdam ko



"Hindi ko nga siya sinaktan. Wala akong ginawa sa kaniya." Mahinang saad ko at lumanghap ng kaunting hangin dahil sa sakit ng pagkakahawak ni Arthis sa braso ko




"Kilala kita, Calliope. Masama ang budhi mo kaya hindi ako naniniwalang wala kang ginawang masama kay Amera. Sa tuwing nakikita mo siya, lagi mo nalang siyang pinag-iinitan! Kaya hindi ako maniniwala sa kasinungalingan mo." Singhal nito sa akin



Kita ko sa mga mata niya ang pagkadisgusto sa akin na para bang ako na ang pinaka nakakadiring nilalang na nabubuhay sa mundo. Ganito talaga ang tingin niya kay Calliope. Malaki ang galit at sama ng loob nito dahil sa parati nitong panggugulo lalo na sa babaeng mahal nito.




Hindi ko naman siya masisisi kung isipin man niya ang mga bagay na 'yun dahil kung ako man ang nasa kalagayan niya ay iisipin ko ring may ginawa si Calliope kay Amera. Hindi kasi pinapalampas ni Calliope ang pagkakataon na saktan si Amera kada magtatagpo ang landas nilang dalawa



"Kamuntikan lamang akong madulas, mabuti na lamang ay nahawakan ako ni Lady Calliope! Maniwala ka, Arthis!" Sabat naman ni Amera na agad ko namang ikinatango-tango ng ilang beses upang maniwala ito



Nakita ko ang pagkatigil ni Arthis at tumingin kay Amera saka tumingin ulit sa akin ng mariin. Tila ba'y inaalam nito kung nagsasabi ba si Amera ng totoo. Napalunok naman ako sa titig nito sa akin



"Anong nangyayari dito? Arthis, anong ginagawa mo sa restroom ng mga babae? At bakit hawak-hawak mo si Lady Calliope?" Napatingin kami sa bagong dating at agad naman akong nanlumo nang makilala ito



Si Kluies Vrai Arcedo, ang VICE PRESIDENT ng HARVES UNIVERSITY na kabilang rin sa H Kings. Isa rin siya sa Male leads na kinakailangan ko ring iwasan. Pero kung ikukumpara sa ibang Male leads, siya ang pinaka mabait sa kanila at kahit may sama ng loob itong nararamdaman kay Calliope ay hindi niya ito sinaktan.




Actually, isa siya sa nagustohan kong character sa nobela!



Agad na lumapit si Klui at tinanggal ang pagkakahawak ni Arthis sa braso ko at marahan akong hinarap. Sinuri nito ang braso kong namumula mula sa pagkakahawak ni Arthis at hinaplos ito ng marahan na para bang mawawala ang sakit kapag ginawa niya 'yun.



"What are you doing, Arthis?" Mahinahong saad ni Klui saka hinarap si Arthis na may pagtatakang ekspresyon



"Sinaktan niya-- i mean, akala ko sinaktan niya si Amera. Narinig kong sumigaw si Amera kaya nag-alala ako." Nagbuntong hininga si Arthis saka nakapamulsang tinignan ako. Nakatingin sa akin si Amera na may pag-aalala sa mga mata na ikinaiwas ko ng tingin



"Akala mo?" Nagtatakang tanong ni Klui. Hindi sumagot si Arthis at nakatitig lang sa akin kaya napaiwas ako. "Alam mo bang maaari kang parusahan dahil sa pagpasok mo rito sa restroom ng mga babae. Hindi ka muna nag-isip at pumasok ka agad rito sa loob. Paano na lamang kung nag-aayos sila tapos bigla kang pumasok? Nanakit ka pa ng babae."



"Eh sa nag-aalala nga ako eh maiisip ko pa ba 'yun?!" Biglang singhal ni Arthis kaya hindi sinasadyang napakapit ako sa laylayan ng uniform ni Klui na ikinatingin nito sa akin



Agad ko namang binitawan ang laylayan ng uniform niya't lumayo ng kaunti kaya bumalik muli ang tingin nito kay Arthis.



"Hindi mo ako kailangang singhalan." Mahinahong saad ni Klui habang mariin ang titig na ibinibigay kay Arthis



"Please, huwag kayong mag-away. Kasalanan ko rin naman kung bakit pumasok si Young master Arthis dito. Hindi ako nag-iingat." Nakayukong sabat ni Amera na ikinatingin ni Klui sa kaniya. Lumambot naman ang ekspresyon nito habang nakatingin sa babae



"May masakit ba sa'yo, Amera? Sabihin mo sa'kin." Malambing na tanong ni Klui na agad namang ikinailing ni Amera. Dahan-dahang tumango ng ilang beses si Klui habang nakakatitig sa Female lead.



Inang 'to, ramdam kong ang pagiging extra ko rito.



Nang makitang abala ang dalawang lalaki kay Amera ay dahan-dahan akong naglakad para umalis. Dali-dali akong tumakbo palabas at hindi pinansin ang mga tawag nila sa akin. Sinubukan pa akong sundan ni Klui ngunit nakita ko ang pagpigil ni Amera sa kaniya




***



"Thank you, Sir Jai." Nakangiting saad ko sa pinagkakatiwalaang tauhan ng pamilya namin. Nakita ko ang paglingon nito sa akin at kahit wala itong emosyon ay kita ko ang gulat at lito sa mga mata nito na ikinangiti ko lalo.



Ilang segundo pa'y dahan-dahan itong tumango saka lumabas ng sasakyan upang pagbuksan ako. Inalalayan niya akong bumaba saka ako nakangiting tumango sa kaniya na ikinatango niya rin.




5 taon ang agwat naming dalawa at hindi rin maitatangging may angking kagwapohan si Sir Jai. Ayun sa aking ala-ala, talagang maraming nagkakandarapa sa kaniya.



Naglakad na ako papasok sa bahay na pagmamay-ari ng pamilyang Eiran. Bawat hakbang ko ay ramdam ko ang malakas at mabilis na pagtibok ng aking puso. Ramdam ko ang kaba habang dinadama malamig na hangin na yumayakap sa aking balat.



Nang tuluyan akong makapasok ay bumungad sa akin ang isang pares ng mata. Sinalubong ko ang madilim nitong tingin na nakatitig sa akin. Nakasandal ito sa pader at habang nakapamulsa. Nakasuot ito ng dark jeans at puting longsleeve na hapit na hapit sa kaniyang malaking katawan.



Hindi kaputian ang kaniyang balat ngunit hindi rin ito maitim na mas bumagay sa kaniyang itsura. May makapal itong kilay na ngayo'y halos magdugtong. Matangos ang ilong nito at kaakit-akit rin ang jawline nitong umiigting na ngayon habang nakatitig sa akin. Napatingin ako sa kaniyang kamay na nasa bulsa niya at kita ko ang mga ugat nito. Napalunok rin ako sa tangkad nito at hanggang leeg lang ata ako. Kapansin-pansin rin ang malapad nitong balikat at bumabakat na biceps sa kaniya braso.



Nabalik ako sa ulirat nang bigla itong maglakad papalapit sa akin habang nakapamulsa pa rin. Huminto ito sa harapan ko habang nakatitig sa akin ang kaniyang itim na mata. Nagbuntong hininga ito saka yumuko ng marahan upang pantayan ang aking mukha.



"And where have you been?" Tumaas ang balahibo ko nang marinig ang malalim nitong boses. Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa kaniya.



Siya si Czaron Kleion Eiran, ang adopted brother ni Calliope.


Patay....

I'm the Villainess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon