"Ms. Eiran..." Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Klui. Nakatitig pa ito ng malalim sa akin na para bang inoobserbahan ang bawat galaw ko
Napalunok ako saka umiwas ng tinginm yumuko ako upang hindi magsalubong ang aming mga mata.
Ang aga pa para sumabak sa digmaan, Lord...
"Vice Pres. Kluies, m-may kailangan ka po ba?" Nauutal kong tanong habang hindi makatingin sa kaniya.
"Anong tinatapon mo?" Napaangat ako ng kaunti saka sinilip ang kaniyang mukha upang makita ang kaniyang ekspresyon, ngunit nanatili lamang itong blangko.
"M-mga basura lang po." Magalang kong saad saka yumuko uli
Narinig ko ang pagbuntong hininga nito saka lumapit sa akin at hinawakan ang siko kung may kaunting sugat. Napasinghap ako sa kaniyang ginawa ako napatingala habang nanlalaki ang mga mata. Napaatras pa ako.
Hindi ko alam kung namamalikmata lamang ba ako o talagang totoo ang aking nakikita. Nang magsalubong ang aming mga tingin ay lumambot ang mata nito habang nakatitig sa akin
Sht, b-bakit ang lapit niya?!
"How are you?" Tumaas ang balahibo ko nang marinig ang boses nito. Para bang biglang lumambing ang boses nito sa pandinig ko. Napalunok akong muli
Alam ko namang mabait ang lalaking ’to pero hindi ko alam na ganito pala ’to kabait! Like hello?? I'm the villainess! Sinaktan ko ang babaeng mahal mo, depungal ka!!
"H-ha?" Lutang kong saad habang nakatitig sa mata niya
"How are you? Narinig kong nasa clinic ka yesterday. And baka nabigla ka sa ginawa ni Arthis." Habang nagsasalita siya ay naglalakbay naman ang mata niya sa buong katawan ko na parang bang may sinusuri
"Vice Pres. Kluies---"
"It's Klui, Calliope. Call me Klui." Pagputol nito sa sasabihin ko kaya nagulat ako. Nagbuntong hininga ako saka tumango.
"Klui, hindi ka dapat sa’kin nagwo-worry dahil hindi naman ako gaanong nasaktan. And yung ginawa ni Arthis sa akin ay ayos lang ’yun, naiintindihan ko siya. Dapat nga magalit ka rin sa akin dahil sinaktan ko si Amera eh." Nagugulohan ko siyang tinignan at kita ko naman ang paglikot ng mata nito saka ngbuntong hininga.
Hinawakan at hinaplos nito ang sugat ko sa siko. "I'm worried. I'm so damn worried about you." Umigting ang panga nito na para bang may kung anong bagay na nakita siyang nakakapagpainis sa kaniya
"Hindi ka dapat makaramdam ng ganiyan. Wala kang dapat maramdamang awa sa’kin matapos kung saktan ang babaeng gusto niyo." Naiinis kong saad dahil sa hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya.
Hindi ko alam kung talagang nag-aalala ba talaga siya sa akin o may iba siyang balak para gantihan si Calliope sa mga pinaggagagawa nito noon kay Amera.
Ngayong nandito ako, nahihirapan ako kung sino ang pagkakatiwalaan. Hindi ko sila kilala ng lubusan. Kahit nga sariling magulang ni Calliope ay hindi ko rin alam kung mapagkakatiwalaan ko rin ba.
Magsasalita ulit sana siya nang inunahan ko na siya dahil baka humaba pa lalo ang usapan naming dalawa. Nangangatog na ang dalawang tuhod ko sa kaba dahil sa kaharap ko ngayon. Baka manghina nalang ako bigla dahil hindi kinakaya ng aking puso ang kagwapohan ng animal!
BINABASA MO ANG
I'm the Villainess?!
RomanceSi Fena Reiss ay isang dalagang hindi nabibigyan ng atensyon ng magulang sa kadahilanang parehong busy sa trabaho. Nakasanayan niya niyang mamuhay na parang walang mga magulang kung kaya't alam niyang mabuhay ng mag-isa. Pero sa hindi inaasahang pan...