Napahawak ako sa mukha ko habang nakatingin sa reflection ko sa salamin na nasa harapan ko. Nanlalaki ang mata at napapalunok ko itong tinignan ng mabuti. Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa mukha ko.
Malakas kong sinampal ang mukha ko para gisingin ang sarili at nagbabakasakaling panaginip lamang ang lahat ng 'to, ngunit walang nangyari. Sakit at pamumula lang ng pisnge ang aking natamo
Ilang sandali nang makaalis yung lalaki kanina ay may pumasok na mga alaala sa utak ko na alam kong hindi akin pero familiar para sa akin. Mga alaala ni Calliope Amethyst Eiran. Ang kontrabida sa huling nobela na aking nabasa.
Yung lalaki kanina... Si Archer Dale Flonte. Ang SSG PRESIDENT sa HARVES UNIVERSITY kung saan nag-aaral si Calliope, Amera, at ang mga Male leads.
Nandito ako ngayon sa Restroom ng school. Dito agad ako dumiretso nang pumasok ang mga alaala ni Calliope. Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa halo-halong nararamdaman. Naghilamos ako saka tumitig ulit sa salamin.
Maganda si Calliope. May mahabang pulang buhok, mahabang pilik-mata, matangos na ilong, maputi at makinis ang balat, maganda rin ang kurba ng katawan, mapupula at manipis na labi, at may dark na mata.
Napakurap ako at agad akong pumasok sa isang bakanteng cubicle toilet nang makarinig ng yapak. Nais ko munang walang makakita at makausap dahil sa mga nanagyayari sa akin ngayon. Hangga't maaari, ayokong makasalimuha ang mga character ng nobelang ito.
Wala akong pakealam kung may magbago sa takbo ng story o ako ang maging dahilan na may mga mangyaring hindi nakasaad sa nobela. Ang gusto ko lang ngayon ay layuan ako nang mga character at pigilan ang kamatayang nakatadhana at naghihintay sa karakter na ginagamit kong katawan ngayon.
Bahagya akong sumandal sa pader habang hinihilot ang aking papulsohan. Pinakinggan ko ang pag-uusap ng mga bagong dating sa labas dahil narinig kong nabanggit nito ang pangalan ng bidang babae na si Amera.
"Ang swerte talaga ni Amera! Laging nakabuntot ang H Kings sa kaniya!" Tili ng isa na parang kambing kaya napangiwi ako
"Talaga! Hindi lang isa ang nagkakagusto sa kaniya, marami at sobrang gwapo pa!"
"Hmm! Pero kawawa siya kanina 'no? Inapi na naman ni Lady Calliope! Hindi na naawa." Napalunok ako nang marinig ang pangalan ni Calliope-- ng pangalan ko.
"Hoy, aminin man natin o hindi, kawawa rin kaya si Lady Calliope. Ilang taon rin siyang nagkagusto at umaasa kay Young master Zaidan pero si Amera pa rin ang pinili nito." Isinandal ko ang ulo ko sa pader habang nakikinig sa kaniya
"Kinakampihan mo yung bruhildang 'yun?! Eh maldita't masama ang ugali ng babaeng iyun!" Saad naman ng isa
"Wala akong sinabing kinakampihan ko siya. Actually, wala akong kinakampihan sa kahit na sino sa kanila dahil hindi ko naman alam buong pagkatao nila. Talagang naaawa lang ako kay Lady Calliope kasi halos lahat ng tao ay ayaw sa kaniya tapos balita ko, busy lagi ang parents niya." Marahan akong napangiti kasi kahit hindi ako sa Calliope ay parang lumambot ang puso ko sa narinig
"Ewan ko sa'yo! Basta ekis yung babaeng iyon sa akin! Kapal ng mukhang magreyna-reynahan dito. Sobrang kapal ng mukha!" Hirit pa ng isa na mahina kong ikinabuntong hininga
"Ewan ko rin sa'yo! Ah basta, huwag na tayong makealam sa buhay ng iba. Pagtuonan mo nalang yung grado mong itlog." I love the mindset of this girl.
BINABASA MO ANG
I'm the Villainess?!
RomanceSi Fena Reiss ay isang dalagang hindi nabibigyan ng atensyon ng magulang sa kadahilanang parehong busy sa trabaho. Nakasanayan niya niyang mamuhay na parang walang mga magulang kung kaya't alam niyang mabuhay ng mag-isa. Pero sa hindi inaasahang pan...