Agad kaming lumayo sa isa’t isa ni Klui at umiwas ng tingin. Napakagat pa ako ng labi dahil sa hiya at katangahan ko. Hindi ko inisip na isa pa rin sa mga Male Lead si Klui kahit gaano pa ito kabait at may gana pa akong makipagkulitan rito.
Hindi mo rin naman masisisi sarili mo, Fe. Ngayon lang ulit tumawa at mag-enjoy ng gan’to.
Napailing ako sa mga iniisip at napatingin sa bagong dating. Nangatog ang mga tuhod ko at napaiwas ng tingin nang magsalubong ang tingin namin.
Ilang beses akong napalunok at palihim na pinapakalma ang sarili dahil napagtanto kong si Archer ang bagong dating. Mas bumigat pa ang kabang nararamdaman ko nangmakitang hindi lang siya nag-iisa.
Kasama niya ang Female Lead at ang Male Lead na si Zaidan!!!
Damn! Pa'no kumalma?!
Narinig ko ang sarkastikong tawa ni Archer kaya napayuko ako upang ihanda ang sarili sa mga masasakit na salitang matatanggap mula sa kaniya.
Hangga’t maaari, ayokong pumasok sa isang gulong ikakapahamak ko lalo. Alam kong may karapatan akong lumaban pero kapag ginawa ko iyon, mas lalo lamang iinit ang ulo nga mga lalaking ’to sa’kin. I'm planning to avoid them pero hindi ata kakampi sa akin ang tadhana. At kahit anong explain ko naman sa kanila, hindi pa rin naman nila ako paniniwalaan. I understand them.
"Ano na naman ’to? Ano na namang gulo ’to? Bakit basang-basa kayo?" Parang nagtitimping saad ni Archer na hindi ko sinagot
Nawalan ako bigla ng gana. Biglang naglaho lahat ng kasiyahan ko kanina.
"It's not her fault, Archer." Marahang sinuklay ni Klui ang basang buhok nito patalikod saka naglakad sa harapan ko. "This is her punishment and i’m helping her." Kalmadong saad pa ni Klui
"Parang hindi naman punishment ang ginagawa niyo. It even seems like you're enjoying yourselves." Nakangiwing saad pa nito saka pinasadahan pa kami ng tingin at ilang segundo pang tumagal ang titig nito sa direksyon ko
Napakurap-kurap ito saka umiwas ng tingin. Nakita kong napalunok at nagsimulang tanggalin ang jacket niya na ipinagtaka ko, naming lahat.
Napadako ang tingin ko Zaidan at Amera na magkatabi ngayon. Parehas nakatingin sa direksyon namin ni Klui. May pag-aalalang nakatingin sa akin si Amera habang walang emosyon namang makikita sa mukha ni Zaidan.
Shet, bagay na bagay!
Natigilan ako nang maramdaman ang pagpulupot ng isang jacket sa balikat ko. Napatingala ako at bahagya pang nanlaki ang mata nang makita ang seryosong mukha ni Archer.
Nagbuntong hininga si Archer saka lumapit ng bahagya at bumulong sa tenga ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit nitong hininga na tumatama sa tenga ko
"Nakikita ko ang bra mo." Maikli man ang sinabi nito pero sapat na iyon para mamula ako ng sobra at balutin ako ng hiya.
Napapikit ako at kinagat ang labi ko para pigilan ang sariling tumili at magsigaw-sigaw dahil sa kahihiyan. Hinawakan ko ang jacket nitong nasa balikat ko ng mahigpit upang takpan ang aking dibdib bago nagmamadaling umalis sa harapan nila.
Nilagpasan ko si Zaidan at Amera na kanina pa ako pinapanood. Halos madapa ako habang tumatakbo para lamang maalis sa mga tinging nakasunod sa akin
BINABASA MO ANG
I'm the Villainess?!
RomanceSi Fena Reiss ay isang dalagang hindi nabibigyan ng atensyon ng magulang sa kadahilanang parehong busy sa trabaho. Nakasanayan niya niyang mamuhay na parang walang mga magulang kung kaya't alam niyang mabuhay ng mag-isa. Pero sa hindi inaasahang pan...