Chapter 38

1 0 0
                                    

•Anthony's POV•

Mga 7 na ng gabi ng mag decide kaming umuwi ni Bela. Inantay lang din muna naming makatulog si Sola bago tuluyang umalis.

Kotse.

"So pano ba yan, kita na lang tayo sa monday" ngiti kong sabi sa kanya habang naka park ang sasakyan ko sa harap ng bahay nila. "Or if you want pwede naman kitang  puntahan ulit bukas" lumabas ang nakaloloko kong tingin sa kanya.

"Tch, baka naman magsawa ka agad nyan sakin"

"Ano ka ba, kahit nga araw arawin kitang dalawin, sayo parin to at ito" turo ko sa dibdib at sintido ko.

"Tst, ewan ko sayo" ngiti nya. "Sige pasok na ako"

"Wait!" Pigil ko at nagitla naman sya.

"W-why is there a problem?" Takang tanong nya.

Nginitian ko lang sya saka dali daling bumaba sa kotse at umikot para mapagbuksan sya ng pinto. Kita ko naman ang pagtataka sa mukha nya.

"Ito na yun?" Patukoy nya sa sigaw ko.

"Hatid na kita Bela babes sa gate nyo" ngiti ko sabay lahad ng kamay. Napatawa naman sya sa sinabi ko.

"B-abes?" natatawa at di nya makapaniwalang sabi.

"Why? Yun naman talaga tawagan ng mga mag jowa di ba?" Natigilan sya sa si sinabi ko. "B-bakit hindi ba?" Nag aalinlangan kong tanong.

Ilang saglit pa syang di umimik.

"O-oo naman B-abe" pahina ng pahina nyang sabi. Namula naman ang mukha ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng malalawak kong ngiti.

"Sabi ko na eh"

"What do you mean?"

"Nothing" yun lang at saka hinawakan ko ang kamay nya at hinatid sya sa harap ng malaking gate nila. Di na ako pumasok at inantay na lang na makapasok sya sa bahay nila. Bago tuluyan syang pumasok ay nilingon nya muna ako at saka kumaway. Kumaway naman ako pabalik sa kanya kasabay ng matatamis kong ngiti.

"I love you" sabi ko ng walang boses.

"Ano?" Walang boses pero alam kong nagtataka sya.

"Good night babe!" Sigaw ko. Ngumisi lang sya saka sumenyas na umalis na ako. Muli syang kumaway sakin at saka tuluyan ng pumasok sa bahay nila.

Bahay.

Nang makarating ay agad akong sinalubong ni Manang.

"Ton ton andyan ka na pala, halika at kumain ka na, nagluto ako ng masarap na adobo para sayo"

"Manang naman eh di ba sabi ko sa inyo wag na kayo magkiki kilos"

"Ano ka ba, lalo akong malulumpo pag wala akong ginawa. At saka pagluluto lang naman ginagawa ko"

"Kahit na manang ayokong napapagod ka"

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now