Chapter 44

3 0 0
                                    

•Bela's POV•

Nagising ako ng tawagin ako ni Tiffany. Dahan dahan akong nagmulat at nakita ko ring nakaupo sa may bandang paanan ko si Hele. Kaming tatlo lang ang nasa room. Nasan kaya ang tatlong yun?

"What?" Tanong ko sabay bangon habang kinukusot ang mata.

"So what's your plan?" Halatang inis na tanong  ni Tiff. Di ko maintindihan kakagising ko lang ay mainit na agad ang ulo nya. Si Hele naman ay nakatingin lang din sakin at nasiaiguro kong matalim din yun. Tinignan ko lang sila ng ilang minuto bago magsalita.

"What's wrong with you guys?" Kunot noo kong inilapag ang paa ko sa sahig

"Tst" dinig kong ngisi ni Hele.

"Come on! If you have problems with me sabihin nyo hindi yang palihim kayong nagagalit sakin" di ko na napigilan saka tumayo at akmang aalis.

"Meron ba kaming dapat ikagalit?" Sarkistong sabi ni Tiff.

"Meron nga ba?"

"Ikaw ang makakasagot nyan Bela" si Tiff.

"Tch idk why ang iinit ng ulo nyo, labas muna ako tomorrow na lang tayo magusap usap" saka tinalikuran sila.

Paglabas ko ng kwarto ay agad sakin ang tingin ng iba kong kaklase maging ang kaklase ni jake. Ang mga mata ng mga ito ay parang nanunuksong ewan ang iba pa ay nagbubulungan saka ngingisi. What the hell is happening to you all?!

"Andyan na pala si Mrs Valdez" batid kong ako ang tinutukoy ni terence na ngingisi ngisi. Lalong mas nagbulungan ang iba.

"Bat di mo naman samin sinabi Isabella hah" nagtataka akong humarap kay Carla at sya rin ay may nanunuksong mata.

"What do you mean?"

"Tst maang maangan pa sya oh, hoy bakla wag mo na ilihim alam na namin haha"

"Ano ba di kita maintindihan"

"Tst hoyy te di naman namin kayo guhuluhin ni Jake kung umamin kayo haha" napamaang ako sa sinabi ni carla, di ko alam kung anong tinutukoy nya. "So ano? Kailan naging kayo?"

"What?!" Gulat kong tanong. May kung anong init ang naramdaman ng tenga ko. Baliw ka ba? Oo may boyfriend na ako at hindi si jake yun!

"She just said yes to me yesterday" batid kong si Jake yun. Humarap ako sa likuran at nakita syang naglalakad papalapit sakin. Hindi ako nakagalaw sa gulat maski ang magsalita ay di ko nagawa. Nang makalapit sya ay agad nyang kinuha ang kamay ko, akma kong hihilahin ito pabalik pero di ko nagawa dahil mas humigpit pa sya sa pagkaka kapit sakin. "She is now my girlfriend" ngiti nyang sabi saka tumingin sakin. Ginantihan ko yun ng sama ng tingin. Bigla akong napalingon sa may gawi ng kwarto namin at nakita si Hele at Tiff na masama na ang tingin! At mas lalong nanlumo ang mata ko ng mamataan ko si Antonio. Nakatayo sya sa may bandang sulok, di mapinta ang mukha. Akma akong lalapit pero pinigilan agad ako ni Jake at mas pinahigpit ang hawak sakin, tinignan ko sya ng masama. Kainis ka Bela bat di ka man lang makapalag!

Muli akong tumingin kay Antonio at nakita ko na syang kasama si Nadia at inalalayan sya pupunta sa kwarto nila. Nang di na sila makita ng mata ko ay agad akong lumingon sa gawi ni Hele at Tiff pero nginisian nila ako saka umalis. What the fuck! Jake what the hell did you do?

Our Love Last Autumn Where stories live. Discover now