Bigla akong napabangon matapos ang hindi kapani paniwalang panaginip. Halos umiikot pa ang paningin ko at muntik na akong mahulog sa aking higaan mabuti na lamang at may sumalo sa akin.
"Xiaojie!"
Nagulat ako ng napagtanto ko kung sino ang dumalo sa akin.
"Xiaojie? Ayos lang po ba kayo? May masakit po ba sa inyo?"
Pinaka titigan ko ang babae na tila hindi makapaniwala sa nangyayari paanong nangyari ito? Paano nabuhay si Qing Lian gayong kasama siyang namatay noong gabing namatay ang anak kong si Ling Kuan? Isa pa nasaan ba ako? At papaanong...
Napahawak ako sa aking ulo ng biglang sumakit ito at katatakang tila ba nagbalik sa akin ang lahat ng mga nangyari, ang mahabang labing apat na taon ay para bang naging bula, para sa akin naalala kong bigla ang mga pangyayari na para bang kahapon lamang ang lahat at kung paano at nasaan ako isa lamang ang kasagutan. Tila ba nabiyayaan ako ng ikalawang pagkakataon at nagbalik ako sa panahon, panahon kung kailan hindi pa nangyayari ang lahat ng mga kamalasan sa buhay ko.
"Errr... Xiaojie masama pa po ba ang pakiramdam ninyo? May masakit po ba?"
"W-wala nahihilo lamang ako ng konti s-subalit magiging maayos din ako, marahil ay dala lamang ito ng sobrang gutom"
Palusot ko, baka kasi pagdudahan niya sa mga kinikilos ko kung sakali. Kung tama ang pagkakaintidi ko sa mga nangyayari. Binawian talaga ako ng buhay noong gabing iyon, at himala na dininig ng langit ang mga dalangin ko at nabiyayaan nga ako ng isa pang pagkakataon, upang itama at makapaghiganti sa mga taong naging traydor at nanakit sa akin sa nakaraan kong buhay.
"Siguro nga po halos maghapon at magdamag na din kasi kayong walang kain e, kayo naman kasi young lady masyado ninyong ginagalit ang old master alam niyo naman na strikto at walang pinapalampas na pagkakamali ang lolo ninyo, kaya sandali lamang po at paghahanda ko kayo magpahinga na po muna kayo Young lady"
Ano kamo pinarusahan ako ni lolo? Ibig bang sabihin ay labing pitong taong gulang pa lamang ako sa mga panahong ito? At kung tama ang naalala ko apat na buwan mula ngayon papasukin ko ang gulo ng imperial court dahil sa paghahangad kong maging empress. Subalit isa ang bagay na yun sa pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko sa buhay ko noon ang piliin ang madali at madugong daan patungo sa tuktok. Kaya naman sa pagkakataong ito, magiging mas maingat at mas maalam ako. Kailan man ay hindi na ako babalik pa sa palasyo isang napakalaking pagkakamali kung magiging empress pa akong muli, labis labis na ang sakit at paghihirap na dinanas ko sa loob ng labing apat na taon kaya naman kung isang pagkakataon pa nga ang nakamtan ko? Gagamitin ko na iyon upang makuha ang kalayaan, isang buhay na malayo sa apat na sulok at sa mataas na pader ng Forbidden City. Subalit bago ko iyon gawin nais ko munang maghiganti at mapigilan ang mga pinaplano niya at siguradong hindi mapupunta sa isang masamang katulad niya ang trono ng emperor. Hindi ko dapat madaliin ang lahat mahaba pa ang panahon at ang anumang pagkakamali ay isang kasiraan, planuhin kong maigi ang bawat hakbang at syempre kailangan kong piliin ang mga taong pinagkakatiwalaan at mapagkakatiwalaan ko sa hinaharap.
Habang hinihintay si Qing Lian ay kinuha ko ang isang salamin at grabe hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari ang mukhang ito ang umakit at minahal ng buong imperyo noon bilang kinatawan ng kaharian at ina ng buong bansa at hindi sa pagbubuhat ng sariling silya subalit ang kagandahan at katalinuhan ko ang isa sa may pinakamalaking pakinabang noon upang makuha niya ang trono. Oo inaamin kong hindi tama na nagpagamit ako kanya noon pero hindi na mauulit 'yun, ngayong nagkaroon ako ng pagkakataon ako mismo ang wawasak sa mga pangarap niya at hinding hindi na ako magiging empress ano man ang mangyari makukuha ko ang kalayaang nararapat sa akin.
Subalit sa mga sandaling ito hindi muna ako dapat magmamadali, kailangan kong magsanay at sulitin ang panahon na kasama ko sila lalo na ang pamilya ko. Sina lolo, lola, ang ama ko at mga kapatid. Ako kasi ang ikalawa sa tatlong anak ng aking ama at anak ng isang concubine ang ikatlo naming kapatid kaya ako ang mas may importansya, si ama rin ang panganay na tagapagmana ng aming angkan kaya lumaki akong ginagawa at nakukuha ang lahat ng gustuhin ko. Hindi ko na rin nakilala ang aming ina dahil namatay ito ng pinanganak ako, isa marahil iyong dahilan kung bakit lumaki akong sunod sa layaw at mapagmataas.
![](https://img.wattpad.com/cover/369039056-288-k757066.jpg)
BINABASA MO ANG
Renewed Beginnings: Her Redemption
Historical FictionIn the luxurious courts of the Great Yuwen Empire, Empress Mu Yunyao rules as a sign of poise as well as power, appreciated for her knowledge as well as charm. Yet below the structure of magnificent luxury exists a heart strained by unpredictability...