Saktong sakto ang pagdating namin sa mansyon ay kakarating lang din ng mga kapatid ko. Tila ilang pa sa akin si Sangxi subalit inalalayan naman niya ako pababa ng nasa labas ng mansyon ang halos lahat ng lingkod maging si lolo ay lumabas din pati na ang mga pinsan ko ang mga kapatid ni Yuyi pati na ang batang pinsan namin na anak ng ikatlo naming tiyuhin pero kataka takang wala si Yuyi at ang kanyan ina mukhang hanggang ngayon ay nagdaramdam pa rin ang bruha. Mabilis akong nagtungo upang alalayan sa paglalakad ang lolo namin at inayos ang aking sarili.
Unang bumaba ng karwahe si YuTong-gege ang panganay naming kapatid at ang tagapagmana ng angkan. Ngumiti ito sa akin at inalalayan ang isang payat na babaeng makababa. Grabe ano ba ang kinakain ng babaeng ito sobrang payat niya parang konting hangin lang ay tatangayin na siya.
"Yingyue wag ka nang mahiya lumapit ka sa kanila, siya ang lolo natin ang punong ministro at ang kapatid nating si Yunyao"
"Binabati ko po kayong lahat, ako si Mu Yingyue"
Napangiti si lolo sa inaasal niya sapagkat halatang halata na takot siya. "Yue'er huwag kang kabahan mahal ko, mahaba ang nilakbay ninyo ng kapatid mo mula sa Nancheng kaya Yaoyao sige na samahan mo siyang magpahinga ng sa gayon ay maisama mo siya sa panging mamaya, ganun ka rin Yutong kailangang kumpleto kayong tatlo upang salubungin ang inyong ama maliwanag ba?"
"Opo" Sabay naming sagot ni Tong-gege. "Tayo na Yue-meimei"
Magiliw kong ani at giniya siya papasok ng sambahayan. Alam ko kasing paalis na rin sina lolo at Yunjao patungong palasyo dahil nakahanda na ang kanilang mga kabayo sa harapam ng mansyon. "Yao-jie, pwede ba akong sumama sa inyo ni Yue-jiejie?"
Tanong ng pinakabatang pinsan naming babae Yunzhao. Ang panganay na anak ng ikatlong tiyuhin namin.
"Ah sandali Yingyue-jiejie ako nga pala si Mu Yunzhao ang panganay na anak ng ikatlong Lord Mu pitong taong gulang lamang po ako"
"K-kinagagalak kong makilala ka"
"Wag ka pong kabahah sa akin mabait at mapagkakatiwalaan mo po ako"
"Zhaozhao, wag kang magsabi ng walang katotohanan at kayo tulungan ninyo ang ika anim na young lady" utos ko sa mga nagkalat natagapaglingkod. "May tanong lamang ako wala bang tagapag lingkod na nakatalaga para sa iyo ate Yue?"
"May napili na akong tagapaglingkod para kay Yue'er, isang tapat na lingkod mula hanay ng mga tauhan ko at iyon ay si Weiyan, mula ngayon siya na ang personal na tagasilbi mo Yingyue"
"M-masusunod po..." ilang sandali pa ay isang babaeng mukhang may alam sa kung-fu ang lumapit sa amin. Kaya na pairap ako dahil doon mukhang hindi na ako ang paborito ngayon pa lang ah nakakapagsisi bigla. "Mu Xiaojie kinagagalak ko po kayong makilala"
"G-ganun din ako"
Napangiti na lamang ako at pinutol na ang maikling kasiyahan. "Kung ganun tama na ang pagpapakilala at sumunod kayo sa akin ihahatid ko na kayo sa tutuluyan ninyo"
"Ah bago kayo umalis Xiaojie ano pong—"
"Ginoong Rui paki bigay kay Dao-mama ang mga pinamili ko, pakainin mo rin siya at pagkatapis ay hintayin niya ako sa bulwagan ng aking silid"
(Mama/Mumu — kadalasang katawagan sa nakatatandang tagapaglingkod)
Mabilis kong utos at hinatid na si Yingyue sa silid kasama si Yunzhao. "Kaya naman pala nag-aalburoto sa galit yung bagong lipat sa tabi ng silid ko pinaalis mo pala siya"
Natatawang sabi nito ng mapagtanto kung saan kami tutungo. "Ano ka ba naman parang hindi mo alam ang patakaran, ginawa ko ang lahat ayon lamang sa lahat"
![](https://img.wattpad.com/cover/369039056-288-k757066.jpg)
BINABASA MO ANG
Renewed Beginnings: Her Redemption
Historical FictionIn the luxurious courts of the Great Yuwen Empire, Empress Mu Yunyao rules as a sign of poise as well as power, appreciated for her knowledge as well as charm. Yet below the structure of magnificent luxury exists a heart strained by unpredictability...