KABANATA II: Mu Yingyue

1 1 0
                                    


Mu Yingyue...

Isa na namang walang kabuluhang araw ang natapos, haist hanggang kailan ba ako magtitiis sa mabaho at masikip na lugar na ito? Isa man akong anak ng isang marangya at maharlikang pamilya dito sa Imperyo subalit tinuturing akong kahihiyan at walang karapatan. siguro ay dahil sa aking ina...

Tss. Kasalanan ko bang may lakas ng loob ang ina ko na makiapid sa noo'y amo niya at ako ang naging bunga ng pagtataksil na iyon. Kaya naman ipinatapon nila ako dito sa malayong probinsya ng Nancheng sa hilaga ng Yuwen at ngayon ay namumuhay bilang alila ng mga katiwala nila. Oo siguro nga ay binibigyan din nila ako kahit papaano ng panggastos subalit hindi naman sa akin napupunta ang mga iyon kundi sa kapritso nina Madam Ming at ng anak niyang si Jinli. Kahit minsan hindi nakaranas na magkaroon ng magaganda o mamahaling kasootan katulad ni Jinli kung hindi ko iyon pinagtatrabahuhan.

Mabuti na lang talaga at mabait ang may-ari ng patahian sa may bayan at bukod sa tinuruan niya akong manahi ay nagbibigay din siya sa akin ng ilang materyales para makapanahi ng sarili kong mga damit. Katulad ngayon malapit na ang taglamig at kailangan ko na ng mga bagong damit subalit wala pa akong sapat na salapi upang makabili ng materyales, malapit na mang dumating ang taunang pang gastos  dahil malapit na rin naman ang kaarawan ko subalit duda akong bibigyan ako ni Madam dahil ikakasal na ang panaganay nilang anak na lalaki na si Ming Jing Xu at iyon ang inaasahan nilang gagastusin para doon.

Malayo layo pa ako sa tirahan ay kapansin pansin na ang tila kaguluhan sa loob ng manor na para bang may ng sinong importanteng bisita ang dumating. Dahan dahan naman akong pumasok upang hindi mapansin ni madam Ming na lumabas na naman ako ng walang paalam. Sa harapan ng malawak na courtyard ay may nakita akong mamahaling karwahe at kita kong may isang mayaman at gwapong lalaki ang nakaupo sa master's chair nakasout siy ng baluti na parang isang sundalo at nakaluhod sa harapan niya ang buong pamilya ng Ming kaya kinabahan naman ako bigla.

"Inuulit ko paanong hindi ninyo alam kung nasaan ang kapatid ko? Gayong kayo ang kasa kasama niya dito"

Ano daw kapatid? Siya ba ang young master ng pamilyang Mu? Oo isang hindi kapanipaniwalang sitwasyon subalit, miyembro nga ako ng kilalang angkan ng Mu at ang ikatlong anak ni Heneral Mu Yuan Cheng sa isang hamak na tagapaglingkod lamang. At para sa kanilang lahat isa lamang akong bastarda sapagkat hindi naging concubine si ina dahil sa isang trahedya at kaguluhang nangyari noon. Tumahimik na lamang ako at nanatili sa pwesto ko at naghintay sa susunod pang mangyayari nais ko kasing malaman kung ano ang mangyayari kung sakaling alamin ng young master ang tungkol sa akin. At kung ano anong mga palusot ang sasabihin ng kanilang pamilya tungkol sa pagtrato nila sa akin.

Siguro nga ay parang nakikitira lamang ako sa pamilyang ito subalit kung tutuusin ay ako ang apo ng may ari ng manor subalit tila kabaliktaran ang nangyayari dahil ako ang inalila nila sa loob ng pamamahay ng aking pamilya.

"Tss bakit naman kasi ako ang sinisisi ninyo sa pagkawala nung bruhang iyon eh"

Inis na bulong ni Jingli naging dahilan ng pagtaas ng kilay ng young master at napagtanto kong tama nga ako hindi alam ng pangunahing pamilya kung ano ang kalagayan ko dito. Sabagay kailan ba nagkaroon ng pakialam sa akin ang pamilya lalo na ng ama ko? Eh ako ang tinatawag nilang malas lalo na dahil ako ang pinaka dahilan kung bakit nawala ang ina ng mga kapatid ko.

"Pakiulit nga ng sinabi mo binibini? Ano ulit ang tawag mo sa ikatlong young lady Mu?" Tanong ng lalaking katabi ng young master.

Bigla namang namutla at hindi na muling makapagsalita si Ming Jingli dahil sa tanong na iyon ng tila kanang kamay ng kapatid ko.

"P-pagpasensyahan niyo na po ang kapatid k—"

"Pagpasensyahan? Ming Jing Xi kung ang kapatid mo ang nawawala sa tingin mo ba ay mapapalagay ka? Kung pinapalayas ko kaya kayo ng pamilya mo dito sa mansyon, hindi kayo nakatira dito sa mansyon na pag-aari ng lolo ko para lamang gawing isang malaking pa-sugalan ang mansyon na ito"

Renewed Beginnings: Her Redemption Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon