KABANATA III: Ang kanyang sandata

1 1 0
                                    

Mu Yunyao...

"My Lady, aalis po ba kayo?"

Tanong ni Qing Lian matapos akong mag-agahan namimili kasi ako ng damit na maisusuot wala kasi akong klase ngayon dahil abala ang guro kong si Lady Ye Qin para sa parada ng mga nagwagi sa digmaan mamayang gabi. Kaya naman gusto kong mamili hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin Yingyue base kasi sa naaalala ko magkasing katawan lang naman kami o mas payat siya ng konti kaisa sa akin. Pero ayos lang yun mas importante ang regalo ko para sa kanya at isa pa isasama ko siya sa panonood ng parada walang oras na dapat sayangin kailangan nilang magkita para sa mangandang hinaharap hindi lamang ng kapatid ko pati na ng buong Imperyo hindi ko hahayang mapunta sa maling kamay ang imperyong buong tapang at buong pagpupunyaging pinaglaban ng buong angkan ko.

Hindi ako papayag na mapunta ulit ang buong imperyo sa kamay ng walang hiyang iyon wawasakin ko ang mga pangarap niya. Hindi man ako maging empress sisiguraduhin kong hindi rin siya magiging emperor at babagsak siya sa impyernong pinagmulan ko.

"Xiaojie,tinatanong ko kayo baka mamaya ako na naman ang pagalitan ng old master kapag umalis ayo ng wlang paalam"

"Sinong nagsabing aalis akong mag-isa? Pupunta ako sa pamilihan at isasama kita hindi ka maaring tumanggi kasi walang magdadala ng mga bibilhin ko"

Pagkasabi ko noon ay hinila ko na si Qing Lian para magpunta sa pamilihan, nagpahanda na rin kaso ako kanina ng karwahe kaya natitiyak ko na alam ni lolo na aalis ako wala kasi ngayon dito sa mansyon ang lola at ang ikatlong tiyahin ko dahil isang linggo silang namamanata sa templo ng mahal na Buddha. Sa makalawa pa ang balik nila kaya hindi ako mapapagalitan kung aalis ako ngayon ng walang dahilan, isa pa malapit na rin ang kaarawan ni Qing Lian ibibili ko siya ng regalo.

Inalalayan akong makasakay nina Qing Lian at ng kutsero at umalis na kami. Habang binabagtas namin ang daan patungo sa pamilihan ay bigla kaming tumigil bagay na pinagtaka ko kaya sumilip ako mula sa bintana ng karwahe. "Patawad po My Lady pero may munting kaguluhan po sa may unahan natin"

Kaguluhan? Ngayong araw? Sinilip ko kung ano ang nangyayari at nagulat ako sa nakita ko, kung ganun ay ngayon ang araw na iyon ang araw kung kailan dumating ang mga bagong alipin na nakaligtas sa nakaraang digmaan. Noon kasi kung tama ang pagkakaalala ko may ilang nakaligtas sa digmaan ang naging alipin matapos nilang hindi sumunod sa bagong pamunuan. "My lady mukhang matatagalan pa po bago maayos ang gulo ano po kaya kung humanap tayo ng iba pang madadaanan?"

Papayag na sana ako subalit nakilala ko kung sino ang isa sa mga alipin na pinarurusahan at siyang dahilan ng kaguluhan isa siya sa pinaka importanteng tao para kay Pei Lam noon at ang pagkakatanda ko isa siyang alipin mula nagdaang digmaan at tingnan mo nga naman ang pagkakataon mukhang umaayon sa akin ang langit.

"Mas mabuti pa nga ginoong Rui baka matagalan tayo sa pag-uwi ngayong araw pa naman darating ang ikalawang Lady Mu"

"Sandali lamang pwede ba may aasikashin lamang ako"

Pagkasabi ko noon ay bumaba ako ng karwahe wala naman sa sariliing sumunod sa akin si Qing Lian. Naglakad ako patungo sa may kaguluhan at nakipagsiksikan sa mga nakikiusyoso roon. "Mawalang galang na ginoo, ano po bang problema at pinarurusahan niyo ang binatang yan?"

"Maari ba binibini wag ka nang makialam? Ang mga walang kwentang gaya niya ay nararapat lamang na maparusahan"

Galit na ani ng administrador subalit base sa eksaminasyon ko wala naman talagang mali sa binatang ito mukhang pagod at nahihirapan lamang siya dahil sa habang ng kanilang nilakbay at mg paghagupit sa kanya ng lalaki. At kung titingnan base saitsura niya may akin siyang galing sa kung fu at pakikipagdigma ayon sa batayang tinuro sa akin ng guro ko isa pa walang duda na siya nga ang taong yun, ang kinilala at kinatakutang heneral sa larangan ng pakikipagdigma panahon ng pamumuno ng walang hiyang si Pei Lam walang iba kundi ang tinawag nilang tuta ng emperador si Sang Xi.

Renewed Beginnings: Her Redemption Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon