Chapter Four

13 0 0
                                    

"We are going to XYLO!". It's a nightclub. I didn't know we were going to a club. Is that why they are wearing nightclub dresses?

Nilingon ko ang dalawa. "I can't go there, V! A! My brother will kill me". Nag isip ang dalawa. Tumaas ang kilay ko ng ngumisi ang dalawa sa akin. "Don't worry, kaming bahala sayo and we will make sure that we will have a fun night". Nag isip ako kung itutuloy ko ba ang pag punta o hindi. Alam kong pipilitin lang din naman nila ako kaya sumama na lang ako.

Isang black sling bag ang dala ko at laman noon ay ang wallet, cellphone at ang duplicate keys ng bahay. Sumakay ako sa SUV na pagmamay ari nila Aine. Namawis ang kamay ko sa pagpasok pa lang namin sa SUV.

"Don't worry Kalea, I know someone there". Tumango ako at sumilip na lang sa bintana habang ang dalawa ay nag titipa sa cellphone.

Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng bigla na lang sumigaw si Verena. "Fuck you, don't you dare show your face in front of me asshole!". My mouth curved into an O. Gulat sa pagmumura ni Verena.

This is my first time hearing her cursed. "What? I just saw someone I know na babaero". Paliwanag niya ng makita niya kaming nakatingin ni Aine sa kanya. "Whatever, V". Bumalik muli sa pagtitipa ang dalawa hanggang sa makarating kami sa XYLO.

Binuksan ko ang cellphone ko and it was already eleven pm. Malapit ng mag midnight. "Umuwi na lang tayo, Aine". Hatak ko rito. Bigla lang kasi akong kinutuban. "Ano ka ba, narito na tayo Kalea. Halika na!". Hinawakan ng dalawa ang braso ko.

Na sa entrance pa lang kami rinig na ang malalakas na hiyawan at sari saring usok mula sa vape at sigarilyo sa loob ng bar. Punong puno ang loob nito. Inilabas ni Aine ang card niya.

Nakarating kami sa counter. Ang dalawa ay umorder ng ininom nila habang ako naman ay nanatili sa kinauupuan ko. Ilang oras akong nakaupo ron. Bumabalik lang ang dalawa galing sa sayawan para kumustahin ako at umorder ng iinumin nila.

Inilibot ko ang tingin ko at nanatili iyon sa isang table. Ang table nila Kuya Khair. Kasama nito si Kuya Riven at.... Is that Sir Rilo?

My eyes were about to look away when I met his eyes. His eyebrows rose. Nanatili ako sa kinauupuan ko dahil kung aalis ako rito siguradong mag aalala ang dalawa sa akin.

Tumayo siya kaya nag simula na akong kabahan. Kasunod niyang tumayo ay sina Kuya Khair na masama ang timpla ng mukha at si Sir Rilo na hindi mo makikitaan ng emosyon sa mukha.

Mabilis ako umalis sa pwesto ko at agad na hinanap sila Aine at Verena. Inikot ko ang buong dance floor hanggang sa makita ko ang dalawa na sumasayaw.

"Verena! Aine!". Sigaw ko ng makalapit ako sa kanila. Hinawakan ko sila at hinatak paalis sa mga nagsasayaw. "They are here!". The two became pale. Mabilis nila akong hinala palabas ng XYLO.

Nang makalabas kami, tinungo namin ang parking lot. "Oh no!". Tiningnan ko si Aine na mukhang problemado. "What is it?". Verena muttered. "Our driver went home". Tulalang salita ni Aine.

Walang ingay ang namutawi sa amin. Sinilip ko ang orasan ng cellphone ko. Nakarinig ako ng mga yabag ng paa patungo sa parking lot.

"They are here". Sabay sabay naming salita. We ran to the corner of the last car sa parking lot at doon nag tago. Papalapit ng papalapit ang yabag ng mga paa sa kinapupwestuhan namin.

Wait? Why are we even hiding from them?

"Where are they?". Rinig kong boses ni Sir Rilo. Ilang oras naging tahimik ang parking lot at hindi na nasundan ng salita pa. Sisilip sana ako ng may makita akong pares ng itim na sapatos.

Devil's HeatWhere stories live. Discover now