*** Bethany Felice Dominguez ***
Hapon na nang magising ang dalaga kaya mabilis niyang nilisan ang lugar at humarurot pauwi. Kailangan niyang umuwi bago pa makauwi ang kaniyang mama dahil kapag nahuli siya nitong umalis ng bahay nang hindi nagpaalam at walang kasama, paniguradong sesermonan na naman siya nito buong gabi.
Nang makarating na ang dalaga sa harap ng kanilang gate ay dahan-dahan niya itong binuksan at tahimik na ipinasok ang bisikleta at ipinarada ito sa garahe. Mukhang hindi pa nakakauwi ang kanyang mama dahil wala pa'ng nakaparadang kotse.Nang nasa tapat na ng pinto ang dalaga, nagdahan-dahan parin ito sa pagpasok hanggang sa makarating ito malapit sa malaking hagdanan. Paakyat na sana sya nang bigla niyang marinig ang boses ng kaniyang ina.
"Bethany Felice Dominguez!" Napatigil sa paglalakad ang dalaga at tumayo nang maayos bago hinarap ang kaniyang mama sabay ngiti na para bang isang bata na nahuli sa akto na gumagawa ng kalokohan.
"Anak naman. Where have you been? How many times do have to tell you, 'wag na 'wag kang aalis ng bahay ng mag-isa." Panimula pa ng ginang, bakas sa boses nito ang labis na pag-aalala. Sandali namang napapikit ang dalaga sabay buntong-hininga. Ito na nga ang sinasabi nya, buong gabi na namang manenermon ang kanyang mama.
"Ma, lumabas lang naman ako sandali para ilakad si Mochi saka para makalanghap na rin ng sariwang hangin. Nakakabored kaya manatili dito." Sagot naman ng dalaga. Wala namang masama kung ipagtanggol niya ang kaniyang sarili, totoo namang nababagot na siya sa bahay lalo na at siya lag mag-isa.
"I understand, pero sana naman diba nagpaalam ka kina Ruth at Poleen para masamahan ka nila." Nag-aalalang sabi ulit ng kaniyang mama. Naintindihan naman ng dalaga ang pag-aalala ng kaniyang mama ngunit hindi parin maalis sa isip niya ang pagtataka kung bakit ganoon nalang ang ikinikilos ng kaniyang mga magulang.
"Ma, will you please tell me why you worry too much? It's not like i'm exhaustng myself." Sandaling natahimik ang ginang nang itanong 'yon ng dalaga. Siguro nga ay labis labis na ang kaniyang pag-aalala kaya hindi na nya napapansing nahihigpitan na niya ag dalaga.
"Anong nangyayari dito?" Sabay namang napalingon ang mag-ina nang marinig ang boses ng kanilang padre de pamilya.
"Itong anak mo, umalis na naman ng bahay nang walang kasama. What if she'll--" Hindi na natapos ng ginang ang kanyang sasabihin nang pigilin ito ng kanyang asawa at sinubukan siya nitong pakalmahin.
"Beatrice dear, calm down." kalmadong saad pa nito bago nilingon ang dalaga at pansamantala muna itong pinapunta sa kwarto nito. Hinalikan muna ni Bethany ang kaniyang ama sa pisngi bilang pagbati bago tumuloy na sa itaas.
"We've already talked about this, right? We can't always have her being followed by somebody. We understand you're worried, and I am, too. But as long as nothing happened to her---" hindi na natapos ni Bethany ang pakikinig sa usapan ng kanyang mga magulang dahil masyadong malayo na siya. Alam naman na din niya na papakalmahin lang ng kanyang papa ang kaniyang mama upang hindi na ito mag-alala pa.
Ganito nalang lagi ang mga kaganapan sa tuwing nahuhuli siyang natatagalan sa pag-uwi o di kaya'y nakakalimutan niyang magpaalam, mama nya palagi ang nanenermon habang ang papa niya naman ang taga-kalma. Ngunit kahit na pinapakalma ng kaniyang ama ang kaniyang ina ay kakausapin din naman siya nito pagkatapos. Buti nalang talaga at ensakto ang dating ng kanyang papa kanina.
Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga ang dalaga at nahiga sa kanyang malambot na kama. Nanatili siyang nakatitig sa mga nag-iilawang "glow-in-the-dark stars" na nakadikit sa madilim na kisame. Ilang sandali lang ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone, kaya kinapa niya ito mula sa side table saka sinagot ang tawag.
"Heyoo bestiiee!" masiglang bungad sakaniya ng bestfriend niyang si Adie mula sa kabilang linya.
"Hmm." tanging sagot lamang ng dalaga. Medyo paubos na kasi yung enerhiya nya sa sermon ng kanyang mama.
"Eh? What's with your voice? Did tita scold you again?" nag-aalalang sabi ng kanyang kaibigan. Sa tagal ba naman nilang magkaibigan ay alam na alam na nito ang lahat tungkol sa kaniya, at gano'n din naman si Bethany kay Adie.
"Yeah, ikaw ba naman tumira sa pagkalaki-laking bahay ng mag-isa? Let's see kung hindi ka mabobored." komentaryo pa ni Bethany.
"Well sorry, can't relate hahaha. I have Adriene and Andrew." natatawang sagot ni Adie na ikinanguso naman ni Bethany. Siguro nga ay ito ang isa sa mga disadvantages ng pagiging youngest child, darating ang araw na ang bunso nalang ang matitira sa bahay kasama ang mga magulang.
"Haay, kung andito lang sana sila kuya Bjorn, edi ayos lang sa'kin kahit di nako lumabas ng bahay. Kuya naman kasi, napili pang pumunta ng Manila para mag-aral eh andami din namang magagandang university dito." reklamo ni Bethany.
"Meron nga, eh wala namang aeronautical courses." sagot naman ng kaibigan niya. Totoo din naman, mula bata palang kasi ay pangarap na ng kuya Bjorn niya na maging piloto kaya ayon, pilit nitong kinukulit ang mga magulang nila na doon ito mag-aaral sa Maynila.
"Hmm, sabagay. Ay, ewan ko ba kila mama kung bakit napakaoverprotektive nila sakin. Wala naman akong malalang sakit, tsk!"
"Ah, ganito nalang, para hindi ka mabored, mag-mall nalang kaya tayo bukas ta's manoon narin ng sine. Sunduin ka nalang namin ni Kuya Greg para di na mag-alala sila Tita. Ano, deal?" nananabik na suhestyon ni Adie na s'yang gumuhit naman ng isang malapad na ngiti sa mga labi ni Bethany.
"Shems Adelaine Cruz, alam na alam mo talaga kiliti ko ano?" natatawang sabi ni Bethany.
"Of course, it's me your one and only bestie, remember?" Sagot pa nito sabay tawa. Hindi din naman mapigilan ni Bethany ang pagtawa dahil tuluyan na ngang gumaan ang kaniyang pakiramdam. Hindi nagtagal ay narinig ni Bethany ang mahinang katok mula sa pintuan, senyales na nandito na ang kaniyang papa.
"Adie, I think Papa's here, gonna hang up."
"Oh sure, sunduin ka lang namin by 10 am tomorrow, byers!" sagot ni Adie bago binaba ang tawag. Bumaba na rin siya sa kama upang pagbuksan ng pinto ang kaniyang papa.
Kinabukasan...
"I gotta go to work. See you later, darling." nagmamadaling sabi ng ginoo sabay halik sa pisngi ng kaniyang asawa.
"What about your breakfast?" Tanong naman ng ginang.
"I'll have it at the office nalang after meeting." sabi nito at nagtungo kay Bethany at nagpaalam bago umalis ng bahay. Wala nang ibang nagawa ang mag-ina kundi magpatuloy na sa pagkain ng kanilang almusal.
"Ma, punta lang po kami ni Adie sa mall, saka manonood na din kami ng sine." Pagpapaalam niya sa Ginang. Hindi umimik ang ginang at nanatiling abala sa pagkain.
"Tsaka, pasensya napo sa nangyare kahapon." puna pa ng dalaga.
Huminga muna ng malalim ang ginang bago binitawan ng maayos ang kubyertos. "It's fine, basta sa susunod kung ayaw mong magpasama, atleast just let us know kung saan ka pupunta, okay?" malumanay na sabi ng kaniyang mama saka ngumiti.
"Opo." sagot naman ng dalaga bago nagpatuloy sa pagkain.
Matapos mag-almusal ay umalis na ang Ginang papuntang trabaho at naiwan na namang mag-isa ang dalaga. Bumalik na rin si Bethany sa kaniyang kwarto upang maghanda na sa magiging lakad nila ni Adie.
Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas na si Bethany mula sa kanyang silid suot ang isang peach sleeveless blouse na hanggang pusod na tinernohan naman ng skinny jeans at white rubber shoes. Nagtungo muna siya sa sala upang manood ng TV habang hinihintay ang kaibigan niya.
"BEEEETTTTTTYYYYYY I'M HEEEEERRRE!!!" Biglang napatalon sa gulat si Bethany nang umalingawngaw sa buong bahay ang malakas na boses ng kanyang kaibigan.
"Aigoo, no need to shout Adie. I'm just watching TV here." Saway pa ng dalaga na tinawanan lamang ng kaniyang kaibigan.
"Haha my bad, akala ko kasi tulog ka pa. So, are you ready?" nangingiting tanong ni Adie na ginantihan din naman ng malapad na ngiti ng dalaga.
"Of course, let's go!" Sabay nilang sabi bago umalis ng bahay. Syempre nagpaalam muna si Bethany sa dalawa nilang kasambahay bago sumakay sa kotse ni Adie.
BINABASA MO ANG
Cause You're My Shooting Star
JugendliteraturSabi nila, kapag daw nakakita tayo ng isang shooting star sa kalangitan, maaari daw tayong humiling dito at posible itong matupad. Ngunit paano kung hihiling ka ng isang bagay na alam mo namang malabong matupad? Susugal ka pa rin ba? Dahil sa tr...