*Fritz Kevin Allegro*
"You are going to transfer to another school this school year." Panimula pa ng kaniyang papa sabay tunga ng juice sa kaniyang bibig. Tahimik namang nginuya ng binatang nasa kaniyang kanan ang pagkaing nasa bibig bago nagsalita.
"Again?" Pasikreto pa nitong komento.
"Where?" Tanong nito. Kahit anong subok naman niyang umalma ay nasa kanyang ama parin naman ang huling salita.
"Bohol,and we'll be staying there for the whole year since the new project is quite huge." Sagot naman nito. Sandaling nanlaki ang mga mata ng binata nang mapagtantong sa malayong probinsya pala sila pansamantalang lilipat. Okay lang sana kung sa mga probinsya o lugar lang within Luzon. Pero sa Visayas? Hindi nga niya mawari kung tatagal ba siya ng kahit one week lang doon.
"Di ba pwedeng dito nalang ako? You know Pa, I'm already old enough to handle myself." ani pa ng binata saka nilapag ang mga kubyertos, nangngahulugang tapos na siya sa pagkain.
"No, your mother entrusted you to me, and one year's kinda long period of time. So, whatever happens you're coming with me." saad naman ng kaniyang ama.
"But~"
"No "but's", Fritz. My decision's final." Determinadong tugon ng ginoo na siyang nakapagpatigil kay Fritz. Gustuhin man nyang kumontra ngunit mukhang wala na naman siyang magagawa.
Tanging buntong-hininga na lamang ang naisagot ng binata bago siya magpaalam at diretsong umakyan tungo sa kaniyang kwarto. Muling nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga ang binata bago niya ihagis ang kaniyang katawan sa kama at nanatiling nakatitig sa itim na kisame.
Wala naman siyang naging problema noong elementarya dahil andyan naman ang kaniyang mama upang samahan siya sa bahay. Ngunit simula nung pumanaw ang kaniyang ina noong siya ay nasa grade 7 palang, bihira nalang pumapayag ang kaniyang ama na maiwan siyang mag-isa sa bahay. At kung sakali mang matutuloy ang plano ng kaniyang ama na lumipat, ito na ang pang apat na beses na siya ay lilipat ng eskwelahan ngayong high school.
Halos mapuno narin ng mga uniforms mula sa iba't ibang paaralan ang kaniyang wardrobe sa bahay. Minsan nga sumasagi nalang sa kanyang isipan na baka gusto lang mangolekta ng school uniforms ang kaniyang papa. Sa ilang beses na niyang nagpalipat-lipat, hindi maiwasan ng binata na makatagpo ng mga kaibigang mapapamahal na sa kaniya. Ang ikinalulungkot lang niya ay sa tuwing darating ang panahon na kinailangan na naman nilang bumalik ng Maynila.
*BBBZZZZT BZZZZT!*
Biglang nabaling naman ang atensyon ni Fritz nang mapansing tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha niya ito sabay sagot ng tawag.
"Hey Kevs, how is it goin'? Bakit ka daw pinatawag ni tito?" Tanong pa ng pinsan niyang si Xian.
"The same concern." Diretsong sagot naman ng binata. Sandaling natahimik ang kabilang linya.
"Eh anong plano mo ngayon?" Humugot isang malalim na buntong-hininga ang binata sabay baling ng tingin sa litratong nakatayo sa ibabaw ng cabinet.
"As if I have a choice." Tanging komento niya. Kahit na anong gawin naman niya ay parang wala lang sa kaniyang ama. Hinding-hindi niya parin mababago ang desisyon nito.
"I guess I have to endure another year. I should start keeping myself distant from any attachments. With that, I don't have to feel upset by the time I leave." Tanging tugon lamang ng binata sabay buntong-hininga.
"But you know you can't keep the act for a year, malaki pa rin yung possibilities that you'll meet someone." tugon naman nito. May point din naman ang kanyang pinsan, being in a different environment means meeting lots of new people, and meeting new people means the chances of getting attached to some of them were high.
"I'll make sure that's not gonna happen." determinadong tugon ng binata.
"Eh kung samahan mo nalang kaya ako dun, I could talk with uncle Fred for you." pang-asar niya pa sa pinsan niya.
"Hell no, okay nako dito. Maybe, I'll visit you there some time when I'm free para di ka mabored doon. Anyway, I'm sure mabilis lang din naman ang takbo ng panahon. Di mo na namamalayan kailangan niyo na palang umuwi ng Maynila." sabi pa nito.
Muling nagtagal ng ilang minuto ang pag-uusap ng magpinsan bago nila napagdesisyunang patayin ang tawag at magpahinga.
**********
Lumipas ang isang linggo at dumating na nga ang araw ng kanilang pag-alis. Nasa kalagitnaan ng paghahalungkat ng kaniyang mga gamit ang binata nang marinig niya ang pares ng katok mula sa pintuan ng kaniyang kwarto sabay luwa nito sa kaniyang ama na nakabihis na.
"Handa ka na ba,anak?" Tanong nito sakaniya. Nagbitaw ng isang maikling ngiti ang binata bago tumugon.
"Sandali lang Pa, ido-double check ko lang ulit yung mga gamit ko."
"Okay, but do it quickly. We need to be there an hour before our departure."
"Yes Pa." Muling pinagpatuloy ni Fritz ang kaniyang ginagawa nang lisanin ng ginoo ang kaniyang silid. At nang matapos ay muling sumulyap ang binata sa malaking salamin sabay titig sa kaniyang repleksyon dito bago tuluyang iwan ang kwarto at tinungo ang sala bitbit ang kaniyang mga gamit.
Pagdating sa airport ay dumiretso ang mag-ama sa loob at naupo muna sa waiting area kasama ang iba pang pasahero upang hintayin ang oras ng kanilang flight. Dalawampung minuto ang lumipas nang tumunog ang anunsyo para sa kanilang flight.
"All passengers for ***** Airlines flight no. 233 heading to Bohol, please proceed to departure area." Umaalingawngaw sa buong lugar ang anunsyo. Kalmado namang tumayo si Fritz at ang kaniyang ama at nagtungo sa departure area. Matapos ng ilang minuto ay nasa loob na ng eroplano ang mag-ama. Sandaling nagsagawa ng demo ang flight attendant sa harap bago nagsimulang tumakbo ang eroplano sa runway.
Mula sa bintana, sandaling dinungaw ng binata ang tanawin sa labas habang unti-unti nang gumagalaw ang eroplano pahimpapawid. Ilang minuto na iginugol nya ang kaniyang atensyon sa labas ng bintana na kung saan kitang-kita na niya ang kabuuang tanawin ng lugar.
Nang tuluyan na ngang humimpapawid ang eroplano, sinara ulit ni Fritz ang takip ng bintana sabay suot ng kaniyang headphone na nakasabit sa kaniyang leeg. Sandali niyang kinalikot ang kaniyang cellphone at komportableng nahiga sa upuan habang nakikinig ng kanta. Hindi din nagtagal ay dahan-dahan siyang dinalaw ng antok hanggang sa tuluyan na ngang bumagsak ang kaniyang mga talukap.
BINABASA MO ANG
Cause You're My Shooting Star
Fiksi RemajaSabi nila, kapag daw nakakita tayo ng isang shooting star sa kalangitan, maaari daw tayong humiling dito at posible itong matupad. Ngunit paano kung hihiling ka ng isang bagay na alam mo namang malabong matupad? Susugal ka pa rin ba? Dahil sa tr...