"Oi Fritz, nakita mo yun? May shooting star na dumaan, oh!" Masayang tugon ng dalaga habang tinuturo ang maliliwanag na bituin sa kalangitan. May bahid pa ng pagkamangha ang ekspresyon nito dahil ngayon lang siya nakakita ng isang shooting star.
"What are you doing?" tanong ng binata nang mapansin nito ang marahang pagpikit ng mga mata ng dalaga. Ilang segundo ang lumipas bago humarap sakanya ang dalaga at nag-pout.
"Humihiling. Di ka ba naniniwala na kapag daw humiling ka sa isang shooting star ay matutupad ito?" pagpapaliwanag pa ng dalaga.
"Masyado ka talagang mapagpaniwala." komento naman ng binata.
"Wala namang mawawala kung maniniwala eh"
"Oo na, ano ba yung hiniling mo?" Hindi maiwasang mapangiti ng binata kapag naa-asar niya ito.
"Hehe secret!" ani nito sabay hagikhik..
"Uh Fritz, kung sakaling makakita ka ng shooting star, anong hihilingin mo?" Biglang tanong ng dalaga na siyang nakapagpatigil sa binata. Hindi niya akalaing itatanong yun ng dalaga.
"Kailangan pa ba iyon?" Tanong niya pabalik, nagbabakasakaling mabaling sa iba ang kanilang usapan.
"Sige na, wala namang mawawala eh" pagpipilit pa nito. Sandaling natahimik ang binata habang ang dalaga naman ay nakangiting naghihintay sa sagot ng kaniyang kaibigan. Iniisip ng binata kung paano niya sasabihin sa dalaga na babalik na siya ng Maynila.
"Hihiling ako na sana di na namin kailangan pang bumalik ng Manila at dito nalang manirahan" Bakas sa boses ng binata ang pagkalungkot na syang nagpatigil sa dalaga at nilingon siya nito nang may pagtataka ang ekspresyon sa mga mata.
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"
"Betty, We have to go back to Manila tomorrow.." May kadiliman ang paligid ngunit kitang-kita ng binata ang mangiyak-ngiyak na ekspresyon ng dalaga.
"Ah, ganun ba? Pwede pa naman tayong magkita dito bukas ng umaga diba?" Her voice almost cracked while trying to stop himself from crying.
"Keith, tomorrow morning will be the schedule of our flight. Sorry for not telling you earlier" Narinig niyang suminghot ang kaibigan sabay pilit na tumawa.
"Okay lang ano ka ba, naiintindihan ko naman. Syempre tapos na ang trabaho ni tito dito kaya panahon na upang bumalik na kayo dun sa Maynila" She answered even if it hurts him deep down. Nakangiti man ay patuloy parin ang pag-agos ng kaniyang mga luha sa mata kaya mabilis niya itong pinunasan saka tumayo.
"Fritz, kailangan ko nang umuwi inaantok na kasi ako eh." saad pa nito
"Hatid na kita" Pag-aalok pa ng binata ngunit mabilis lamang na umiling ang dalaga.
"Wag na okay na ako. Bumalik ka na rin, kailangan mo pang magpahinga para sa flight niyo bukas diba? Sige alis nako." Nanginginig na sabi nito saka tuluyan nang umalis. Susubukan sana siyang pigilan ng binata ngunit huli na ang lahat, tuluyan na ngang nakalayo ang dalaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/371101768-288-k580904.jpg)
BINABASA MO ANG
Cause You're My Shooting Star
Ficção AdolescenteSabi nila, kapag daw nakakita tayo ng isang shooting star sa kalangitan, maaari daw tayong humiling dito at posible itong matupad. Ngunit paano kung hihiling ka ng isang bagay na alam mo namang malabong matupad? Susugal ka pa rin ba? Dahil sa tr...