Chapter 1

0 0 0
                                    


*

APRIL POV






Napatili ako dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan habang nag aabang ng masasakyan na taxi. Saktong tatakbo na sana ako, at may pumarada na agad na taxi sa harapan ko kaya grinabbed ko na ang chance ko na ’yon.

Basta na ang uniform ko pagpasok ko sa taxi but thankful kahit one percent lang. Halatang, malakas ang ulan, may mood swing siguro ang klima ng Pinas. Kanina ang init-init tapos ngayon umulan ng pagkalakas-lakas.

GRRRRRRRRRRRRR!

Nagpadiretsu ako hatid sa bahay namin at bago bumaba ay binigay ko na nag bayad kay Manong.  Sinulay ko ang malakas na ulan, tinakbo ko lang kahit nakaheels ako, mula gate hanggang pinto. Pinagtaka ko pa, bakit may mga tsenilas dito at sapatos sa labasan. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang kapatid ko at mga barkada niya, napakunot pa ang noo ko ng mahagip ng paningin ko ang bagong mukha sa paningin ko.

Bagong santa na dala ni August sa bahay. Hay!

“Hi, Ate!” Sabay-sabay nilang bati sa akin.

Hinagisan naman ako ni August ng towel, agad ko ’yong binalot sa sarili ko at hindi pinansin ang barkada niya. Hinubad ko lang sa pintoan ang heels ko at iniwan roon, dinaanan ko lamang sila dahil ramdam kong burado na ang make up ko dahi sa lakas ng ulan, ramdam na ang sakit sa balat ko.

I took a bath and dressed bago muling bumaba. Dinaanan ko lamang sila na busy sa laptops nila at cellphones. Dumeritsu ako sa kusina dahil gutom na gutom na ako, mabuti naman at may ulam at kanin. Siguro, sinaingan at pinagluto ni August ang mga bisita niya.

Nakakailang subo pa lamang ako ng merong pumasok rito sa kusina. Iyong bagong santa rito sa bahay. Pagkakita niya sa akin ay napatigil agad siya sa paglalakad.

“Kain,” aya ko pa sa kaniya pero agad lang akong tinalikuran.

Problema n’on?

Pagbalik ko roon sa sala ay maraming snacks silang nasa mesa. Paunti-unti lamang nilang kinakain habang busy sa ginagawa.

“Anong ginagawa niyo? Bakit nagtipon kayo rito? August?” Sunod-sunod kong usisa sa kanila.

Lalong-lalo na kay August.

“Ate, gumagawa lang kami ng research namin. Mga kagroupo ko sila, dito na lang kami gagawa.” Sagot naman sa akin ng paladesisyon kong kapatid.

Pinaningkitan ko ng mata ang kapatid ko habang nagpapacute sa akin.

Alam na kapag ganiyan siya.

“Hindi ka man lang namili ng kagroupo mo ng maayos. Magkakagroupo pa kayong lima.” Sermon ko kay August at a barkada niya.

“Ate naman,” sabay-sabay na sabi ng apat.

Lalong pinaningkitan ko sila ng mata ko.

“May matino kaya akong kagroupo, si Rafa!”

Hinagilap ng paningin ko ang bagong santa ang mukha. Rafa, pala ang pangalan niya.

“Grabe, ha!” Parinig ni Jino kay August.

“Sakit mo, pre!” Barrett.

“At least, tanggap mo kami,” Wade.

“Mga oa kayo! Kaya sinesermonan tayo lagi ni Ate April.”  Salita ni Felix sa tatlo.

Napabuntonghininga na lamang ako dahil sa kanilang apat.

“Psit! Rafa, pakilala kana sa Ate kong tatandang dalaga.” Utos pa ng kapatid ko sa matino kunong kagroupo nila.

April RainfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon