Chapter 3

1 0 0
                                    


*

APRIL POV





“August! Bigyan mo nga ako rito ng hanger, damihan mo!” Sigaw ko mula rito sa sampayan.

Isasampay ko na ’tong nilabhan kong mga damit namin. Naparami pa ang labahin ko dahil nakiusap ang magaling kong kapatid na sakopin ko daw siya sa paglalaba.

Dahilan niya busy sila gawin research proposal nila kasi nareject, kuno. Kaya ayon silang anim nagmamatino sa ginagawa nila, sa tingin ko naman, si Rafa lang ang mapagpursige sa ginawa nila.

Speaking of him, napakagood boy niya. Hindi tulad ng kapatid ko, sobrang naistress ako sa kaniya. Kuwento pa ng magaling kong kapatid, Campus crush siya pero wala siyang pake sa mga babae. He look so innocent pa naman at baby boy na baby boy ang dating. Sobrang hygienic niya at sobrang bango, mas maputi pa ata siya sa akin at mas makinis. Like, ano bang dapat iexpect sa anak mayaman? Pero anak mayaman din naman tropa ng kapatid ko, pero mga mukhang tambay sa kanto na kulang sa aruga ng magulang.

“Ate,” napakunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ni Rafa.

Akala ko guni-guni kasi iniisip ko siya, pero hindi. Naglalakad siya papalapit rito sa akin at daladala niya ang hanger na hinihingi ko kay August. Taka ko pa siyang tinitigan habang naglalakad papalapit sa akin at inabot sa akin ang hangers.

“Inutusan ka ba niya?” Tanong ko pa kay Rafa.

“Pinakiusap niya lang dahil tinatapos niya pa ang background namin, Ate.” Paliwanag ni Rafa sa akin.

Napabuntonghininga na lamang ako sa narinig mula sa kaniya.

Pinapahaba talaga ni August ang sunggay ko.

Tinanggap ko na lang ang hanger kay Rafa at pinasalamatan siya.

“Salamat,” I saw how bright he just smile.

Inilapag ko sa isang balde na walang laman ang mga hanger na dala ni Rafa, at kumuha ng isa para sa isang piraso ng damit na ihahanger ko. Minuto palang na ginagawa ko ’to noong napalingon ako sa gilid ko, tatlong hakbang mula rito sa kinakatayoan ko. Taka kong tinitigan si Rafa kasi nakatingin siya sa akin, habang nakatayo lamang roon. Higit sa lahat, gusto kong matawa na gusto kong mapangiti dahil sa ang pogi niya makangiti, pero para siyang ewan.

“Bakit nariyan ka pa?” Tanong ko sa kaniya.

Pinanatili ko ang pagiging maangas ko, diba?

Para siyang nahimasmasan dahil sa biglang pagkataka niya. Napaka inosenti talaga ng mukha niya lalo na ng reaction niya, ang cute.

Bakit ko ba pinupuri ’to?

Iwaksi mo muna sa isip mo, April.

A seconds of thought's he finally answered me.

“A-ang...sipag mo kasi Ate. I never tried doing that, it looks like fun. I...want to try it.” Lalong sumalubong ang kilay ko dahil sa narinig.

Nakapamaywang ako ng wala sa oras, habang hindi makapaniwala sa sinasabi niya.

“Anong fun ka d’yan, nakakapagod ’to. Wag kana macurious d’yan at bumalik kana sa loob.” Mataray kong sabi sa kaniya.

Para naman siyang kindergarten na sumunod sa sinabi ko ng walang salita.

Ang weird talaga ng personality niya. Isipin ko pa lang, pero ayaw ko isipin marami na akong iniisip na problema. Kaya nga ako napalaba ng marami at naging productive dahil sa gag*ng Justin na ’yon.

Bakit ba nag eexist ang lalaking katulad niya sa mundo? Hindi, ang mga taong katulad niya. Making fun of my confession after rejecting me. For what? To boost his confidence, na gusto niya ’yong thought na gusto ko siya?!

April RainfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon