Chapter 17: Meeting Him Again...

62 6 0
                                    

Yrana's Point Of View

"Yonnie?"  Eto na this is it... pagkatawag niya sa akin
Tapos nagsimula na ang laban magpapaggap na kasapi ako sa kanila iyon pala hindi ...

Imagination ko lang yong kanina na nagharap kami ni kuya senti

Wow parang Korean Drama lang may revenge revenge na panghistorical style

Pero seryoso ganun ang gagawin ko ...

Naglalakad kasi ako sa pasilyo ng palasyo
Nagkakaligaw infairness lang, sana pala humingi ako ng mapa pero paano ako hihingi eh wala naman akong kakilala dito pwera lang kay kuya senti at past panda o si Jae Hee na ililigtas ko pala

Kailangan ko ng makapunta sa lugar ni Kuya Senti sa madaling panahon tama, tama ...tyaka ko na iisipin ung next steps ko

"Yrana?"

Wait narinig ko ung name ko
di naman si kuya senti ang boses

"Yrana!" tawag ulit sa akin

Hala kilala niya ako waaahhhh ....
Baka si kuya senti nga  toh pero familiar ung boses eh parang si.. ?

Unti unti akong lumingon..

Siya? Papaanong nangyari toh

"Yrana?" Tawag niya muli sa akin

Di toh maaari paano napunta siya rito

Base sa suot niya eh naka uniform ito at bagong gising kasi magulo ang buhok nito , itsura palang at amoy alam ko na siya  ...

Parang gulat na gulat siya nakikita syempre ako rin
.... May makakasama na rin ako sa wakas  pero waahhh isang asungot lang naman

"Totoo ba talaga ito or panaginip lamang?" sabi niya sa akin

tapos niyakap niya ako ,ano ba toh? Bakit siya ganito di naman siya ganto huh?
Kakalas sana ako pero lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin...

.
.
.
.
.
.

Di Toh pede waaahhhh

Di ako sanay ..

Bakit siya ganito sa akin

Lagi nga niya akong inaaway ah

Pagkakalas niya sa akin

"Bakit ganyan ung suot mo ? Nasan ba tayo ? Kanina pa akong ikot ng ikot dito eh " tanong niya sa akin

"Nasa palasyo tayo , na kung saan nandito ang hari este emperor at empress" saad ko sa kanya

"What !?,are you joking me? Eh nasa pilipinas kaya tayo papaanong magkakaroon ng palasyo , maybe i am having a dream , tama nanaginip lang ako na kasama ko si Yrana"  napapatawang sabi niya

"Totoo toh ano ka ba , paano ka ba maniniwala sa akin? Oh eto ehem ehem " at sinuntok ko siya sa mukha

"Arraaaayyy !, amazona ka talaga kahit kailan" sabi niya sa akin nakahawak sa sinuntok ko
naku nagkablack eye pa ata haha, sorry naman

"Nararamdaman mo diba kung panaginip toh di mo mararamdaman ung sakit , eto pa kung panaginip toh
kahit anong gising mo sa sarili mo di mo magawa kahit basain mo pa sarili mo di ka pa rin magising" mahabang paliwanag ko sa kanya

"I don't  believe you Yrana , this is so surreal " sabi niya sa akin

"Wag ka nga mag ingles nakakarindi na eh noong isang araw pa ako na nonosebleed eh Tyaka kung ayaw mong maniwala di wag" naiinis na sbi ko

"Sige di na ako mag iingles ok? Osya osya naniniwala na ako,  pero ba't ganyan ung suot mo kala ko nga may costume party eh" Nakangiting sabi niya sa akin

"Ganito talaga ang mga kasuotan dito kailangan mong magpalit ng damit , pero papaano?" Maghahanap pa pala kami huhuhu

Nagtataka ba kayo kung sino ung kasama ko siya ang ...

Present Panda Si Vincent

.
.
.
.
.
.
.
.
.

Hahaha joke lang pero seryoso na

Kaaway ko siya pero di si Panda baka world war pag iyon naging kaibigan ko siya rin siya

Si Sebastian Kendrick Brooke ang childhood friend/ bully ko

Si Kendrick or Ken Ken na bff ko bukod kila Bhessy

Matanda ng isang taon si Ken ken sa akin , noong elementary ko siya nakilala , noong una bully siya sa akin parehas kaming grade 3 non , may laro kasi sa iskul namin na boys vs girls sa classroom eh ang malas ko lagi kaming natatalo, siya lagi ang pasimuno ng bully ng classroom lagi akong tuksuan kesyo lampa , Payat , mahina pero sa academic taob naman sila kasi lagi akong top 1 at naging valedictorian ako , oo na mayabang ako , masipag lang akong iyon ang susi

Balik tayo papaano kami naging bff noong grade 5 kami lumapit siya sa akin at nag sorry  kasi ba naman eh nabalian ako dahil sa pambubully nila pinaakyat lang naman ako sa puno para sa parusa nila kasi natalo daw kami namali ako ng hakbang hayun nahulog ako, buti nga daw nabalian lang daw ako , sinumbong ng mga kaklase ko ung mga ginawa nila sa amin , dapat nga matatanggal na sila pero syempre mababait kami di namin hinayaan un kahit ba na may mali silang ginawa matuto tayong magpatawad diba ,so iyon lagi nga akong naiirita kasi lagi na siya nakabuntot sa akin pero ng nakalaunan ay nasanay na ako...

Ngayon lang kami nag kita muli , after 5 or 6 years ata kasi noong nagtapos kami pumunta na ako ng maynila para mag aral ng hayskul ...

Lalo atang gumwapo ang lolo mo

"Oh ba't ka nakatulala diyan?" Sabi niya sa akin

"Wala lang naisip ko lang noong elementary tayo" sabi ko sa kanya

"Lalo ka atang pumanget  " sabi niya na nakangisi

"Anak ng kamote hoi di ako pumanget baka lalong gumanda ken ken " naiiritang sabi ko

"I miss the old days , especially when you call me by that nickname" sabi niya sa akin

"Tigilan mo makakaingles mo nakairita na tyaka ngayon lang ako nakapag tagalog time noh" naiiritang saad ko sa kanya

"Sige na sige na , maiba nga saan tayo pupunta ?" Tanong niya sa akin

Oo nga noh saan nga kami ppunta eh ako rin nga naliligaw sa palasyo eh...

"Di ko rin alam eh" nakapeace sign na sabi ko

"Di pa rin ikaw nagbabago maligawin ka pa rin " iiling iling na sabi niya sa akin

"Sorry naman ah kasi di naman talaga ako taga rito eh taga 21st century ako hindi pang 19 kopong kopong eh" sarcastic na sabi ko sa kanya

"Ang ganda talaga ng panaginip ko "nakangiting sabi niya sa sarili

"Hoi , sabi ko naman sa iyo na--"

"My Liege , We been searching for you"hingal na saad ng royal servant

Wait royal servant?

"Huh?" takang taka si Ken Ken Sa inasal ni RS (royal servant)

"My Liege The governers will meet you today" sabi niya kay Ken Ken

Wait lang siya si Kuya Senti ? Eh siya si  Ken Ken huh?

Pag aalalahanin ko ung mukha ni Ken Ken  ngayon at Kuya Senti

Ngayon ko lang narealize na.....






Kambal sila ?!!

Hindi pala, siya si Kuya Senti na 19 kopong kopong waaahhh ba't ngayon ko lang napansin ...

Kaya pala familiar , lalo na

ANG CHILDHOOD FRIEND KEN KEN AT KUYA SENTI AY IISA LANG....











Back In Time With You - (OA Girls Series #1)Where stories live. Discover now