Chapter 1 - The New Girl in Class

35 2 0
                                    

POV: Subaqui Residence

"Jen! Gumising ka na d'yan, 5:30 na!" sigaw ng kanyang ate mula sa kusina, Naghahanda ito ng agahan nilang dalawa.

"Ito na, babangon na," mahinang sagot ni Jen.

Siya si Jenner "Jen" Subaqui, isang 16-year-old na binatang nag-aaral sa Eusebio High School. Palakaibigan siya ngunit mahiyain sa mga tao, masipag rin siyang mag-aral, mahilig magbasa ng mga wattpad stories na sci-fi ang theme, maglaro ng Minecraft at kumanta. Naninirahan siya sa bahay nila sa Ciudad del Carmen kasama ang kanyang ate na si Yuna Subaqui. 3-years-old lamang siya nang maulila silang magkapatid ng kanilang ina dahil sa malubhang sakit. Nasa abroad naman ang kanilang ama na isang seaman sa United States. Bihira na lamang itong umuwi dahil sa laki ng responsibility na ginagampanan niya sa trabaho. Si Yuna ang tumayong ina ni Jen simula noong maulila sila ng ina.

"Haay.. nako.. pasukan na naman" wika ni Jen sa kanyang sarili habang nag-uunat pa ng katawan. Maya-maya'y bumangon na siya mula sa kanyang kama.

"Shems! Pasukan na naman nga pala!" naisip uli ng binata at tila na-excite bigla nang marealize ito.

Dali-daling lumabas si Jen ng kanyang kuwarto at bumaba papunta sa kanilang dining room. Nakita niya ang kanyang ate Yuna na hinahanda ang paborito niyang agahan. Sinangag na may kasamang pritong hotdog at itlog. Habang kumakain silang dalawa, napapansin ni Yuna si Jen na pangiti-ngiti at tila napapabilis ang kain. "Oh, bakit ngumingiti-ngiti ka d'yan?" wika ni Yuna. "A-eh.. wala ate, excited kasi akong pumasok sa school," sagot naman ni Jen. "Sus, wag ka nga," patawang sabat naman ng kapatid. "Ta's pag tumagal na ang klase magsheshared post ka ng 'gUstO kO nAnG mAgBakaSyoN'? heheh," dagdag niya na tila natatawa habang sinusubo ang pagkaing nasa kutsara.

Napaside-eye na lang ang binata nang may ngiti sa ate niya dahil sa loob-loob niya ay alam niyang totoo ang binibiro ng kapatid. Napansin naman ito ni Yuna at sinabing, "Totoo naman, 'diba? Ahahahahaha," Pagkatapos mag-agahan ay dali-daling kinuha ni Jen ang tuwalya niya at naligo na. Maya-maya ay nagbihis na siya ng kanyang uniporme at hinanda ang kanyang bag. Pumasok uli si Jen sa kanyang kwarto at nagsuklay siya sa kanyang salamin, sabay nanalamin na rin siya. Pinagmamasdan lang siya ng Ate Yuna niya at tila ramdam niya kay Jen ang excitement niya sa pagbabalik sa eskwelahan.

"Hayy, ang bilis ng panahon 'no, Jen? Parang kailan lang nung maliit ka pa at hinahatid pa kita sa elementary school mo noon. Ngayon, Grade 10 kana," wika ni Yuna habang nangingilid na ang luha sa mga mata. Nginitian na lamang ito ng binata at yumakap sa kanyang kapatid. "Kaya nga ate, soon magsesenior high na ako, tapos gagraduate, then magkakaroon na ng trabaho, pagkatapos magkaka-" hindi pa tapos magsalita ang binata nang biglang takpan ng ate niya ang kanyang bibig "Shhht, wag muna. Wag mo namang bilisan. Grade 10 ka muna ngayon, ok?" wika ni Yuna na tila masaya at proud kay Jen. "Ahehehe, sige ate," sagot ni Jen.

"Sige, papasok na ako ate at baka ma-late pa ako hehe, first day pa naman ngayon," dagdag niya habang bumababa papunta sa living room si Jen. Maya-maya pa at lumabas na ang binata ng bahay at kumaway sa kanyang kapatid sabay sabi ng, "Bye ate!" Tumanaw naman si Yuna, "Sige Jen, ingat ka pagpasok at pag-uwi! Enjoy ka sa first day ha?" Tumango nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

****

POV: Eusebio High School Grounds

"Hay nako, asan na ba yung taong yun?" sabi ni Mark, katropa ni Jen. "Uy, Mark! Si Jen na ata yun oh!" sagot naman ni Renz, isa rin sa mga katropa ni Jen. "Weh, di nga?" sabat naman ni Juan, sabay tingin sa gate. Tinatanaw nila ang gate sa labas ng school na sinisigurado kung si Jen nga ba ang naglalakad papasok. Maya-maya pa namukhaan nga nila si Jen at tila nakangiti ito nang makita ang mga katropa.

When He Fell In Love With a TransferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon