POV: Urabeo Unit
Monday - 5:00 am
"Hayss..." bulong ni Miks habang dinidismiss niya ang alarm clock sa kanyang phone. Dali-dali siyang bumangon at nagpainit ng tubig. "Lunes na naman pala.." bulong ng dalaga sa kanyang sarili. "Ano na naman kayang mangyayari sa buong Linggo, hm.." dagdag pa nito. Maya-maya pa ay kumulo na ang tubig sa takuri at isinalin na niya ito sa tasa niyang may lamang coffee powder. Tsaka siya nagluto ng isang pancit canton bilang breakfast niya.
Pagkatapos niyang kumain ay inihanda na niya ang kanyang uniform at saka kinuha ang kanyang towel para maligo. Nang matapos na siyang maligo ay dali-dali siyang nagbihis sa kanyang kuwarto. Maya-maya pa'y nanalamin siya at sinuklay ang kanyang buhok na umaabot sa kanyang balikat. Pagkatapos ay inayos at hinanda na ng dalaga ang mga gamit niya sa bag at saka lumabas ng kanyang bahay at nilock ito.
POV: C. Raymundo Avenue
Maya-maya pa'y may tila taong nakabuntot sa paglalakad ni Miks papasok ng school. Nakikiramdam na lamang ang dalaga sa maaaring mangyari nang biglang tumapik ito sa kanya. "Uy, bes!" wika nito. "Oh, Jen! Hii bes!" tugon naman ni Miks nang makita ang binata na kasabay niya na sa paglalakad papuntang Eusebio High.
Nagkuwentuhan muna ang dalawa habang naglalakad nang marahan nang mapatid ang kanang paa ni Miks sa daan. "Ah!" sigaw na lamang ng dalaga. Agad namang nahawakan ni Jen ang kamay ni Miks at bigla itong napayakap sa kanya. Namula nang sobra ang dalaga sa naging sitwasyon nila ng binata. Maging si Jen ay namula rin.
Nagkaiwasan na lamang ng tingin ang dalawa sabay tanong ni Jen kung ayos lang si Miks. "A-ayos ka lang bes?.." tila nahihiya pa nitong tanong. "O-oo.. thanks," tugon naman ng dalaga. Hindi nalang nila inisip ang nangyari kanina at nagpatuloy nalang sila sa paglalakad na parang walang nangyari.
POV: Tropa ni Miks
Maya-maya pa ay nakarating na rin ang dalawa sa gate ng school. "Oh, nandyan na si Miks!" wika ni Nicole. "Ayy may kasama bes oh! may kasama siya," wika naman ni Sasha. "Ay weh? Sino? Sino?" mabilis namang tanong ni Nicole habang naniningkit ang mata nilang dalawa.
POV: Tropa ni Jen
Nagtipon-tipon ang tatlong mga kabarkada ni Jen sa 'di kalayuan ng gate nang maaninag nila ang anino ni Jen. "Nandito na si Jen mga pre!" sigaw naman ni Mark. "Eyoo.. Uy! May kasama pare!" tugon naman ni Mark. "Ahh, kita mo nga naman si Jen.. may kasabay nang pumasok ngayon ahehehe," pahabol naman ni Juan na nonchalant ang mood noong araw na yun.
"SI JEN?!" wika ng tropa ni Miks. "SI MIKS?!" wika naman ng tropa ni Jen. Nagtinginan na lamang ang dalawang friend groups. Maaaninag sa kanilang mga mata ang kilig at pinaplano nilang pang-aasar kapag nakasalubong na nila ang dalawa.
"Oh, kayo pala mga pre!" wika ni Jen nang makita niya ang kanyang tropa. "Oy! Ikaw Jen ah? Si Miks pala ah?" wika ni Mark na pangiting nakaside-eye sa binata. "Oh mga bes!" wika naman ni Miks sa kanyang mga kaibigan. "Shush, Miks. Bakit di kami informed dito?" wika naman ni Sasha na nagsusungit-sungitan lang pero napapangiti rin sa kilig.
Nang malaman nina Jen at Miks ang iniisip nang kanilang tropa ay bahagya silang namula. "H-hindi! Nagkataon lang na nagsabay kami ngayon ni Miks.. Diba Miks?" wika ni Jen. "Yeah.. nagkataon lang naman, kaya mali yung mga iniisip ninyo ehe-ehe~" tugon naman ni Miks na tila kinilig naman sa tanong ng binata. "Oo na, sige na,", "Tayo na sa room, mainit-init na rito," wika naman nina Sasha at Mark.
Sa classroom..
"Good morning, class!" wika ni Ms. Desiree. Nagtayuan naman ang lahat at bumati rin sa guro na kakapasok lamang ng classroom. "For this day, wala muna tayong lessons dahil ididiscuss ko na ang inyong unang performance task for this quarter. So makinig kayong lahat," masayang wika ng guro. Lumiwanag ang mukha ng lahat nang marinig nilang wala muna silang lesson sa araw na 'yon.
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love With a Transfer
RomanceSa unang araw ng pasukan ng School Year 2024-2025, nainlove ang isang binatang nagngangalang Jen nang makita at makilala niya ang transfer student sa kanilang paaralan, si Michelle. Hindi lamang napukaw ni Michelle ang attention ng kanilang section...