Saturday - 10:23 am
POV: Subaqui Residence
Tulala si Jen na nakatitig sa kisame ng kanyang kuwarto habang nag-iisip ng magagawa. "Hayss.. kakaboring naman.. wala akong magawaa.. tapos na lahat ng gawaing bahay, wala namang homework, nakapaglinis na rin ako ng kuwarto.." isip-isip ni Jen. "Aha! Wait.. what if gumala ako sa mall, ako lang mag-isa.. para makapagcool-off naman ako sa bahay at school.. ang tanong.. payag kaya si ate neto?.." inisip-isip uli ng binata. Agad-agad namang naligo si Jen at gumayak kung sakaling payagan siya ng kapatid.
Maya-maya ay bumaba siya ng kanyang kuwarto upang magpaalam sa kapatid na kasalukuyang nagsasaing sa kusina. "A-ate," malumanay na wika ng binata ngunit bakas pa rin ang kaba sa kanya. "Oh," tugon naman ng nakatatandang kapatid. Nang bigla itong humarap sa binata ay nabigla ito.
"Oh, bakit bihis na bihis ka? Sa'n ka pupunta?" wika naman nito. "A-ah.. magmomall lang ako ate.. gagala lang, nabobored kasi ako sa bahay eh," wika ni Jen. "O-eh, sinong kasama mo?" tanong ni Yuna. "Ako lang, ate," sagot ng binata. "Uh.. sige, mag-iingat ka ah, wag kang magpagabi," wika naman ng kapatid. Biglang lumiwanag ang mukha ni Jen nang marinig niya ang pagpayag ng ate niya. "Sige, sige ate, thank you!!" sambit naman nito.
Maya-maya pa ay lumabas na si Jen ng bahay. "Hmm.. siguro may date sila nung crush niya.. ehe-ehe.." tila nag-akala pa ang kapatid. Nakaramdam ito ng kutob sa biglaang pagpapaalam ng binata na gagala sa mall nang mag-isa. Maya-maya ay pinagpatuloy na ni Yuna ang pagluluto ng ulam.
Sa tramo..
Pumara si Jen ng jeep na papuntang Robinsons Galleria. Isang jeep naman ang tumigil malapit sa kanya at sumakay na rin ang binata. Walang masyadong tao sa loob ng jeep na iyon kaya umupo na lamang siya malapit sa harap. "K'ya bayad po, sa Robinson lang po," wika ng binata habang inaabot ang pamasahe sa driver ng jeep.
Nagcellphone muna ang binata habang bumibyahe ang jeep papunta sa mall. Tila iniisip niya naman kung ano naman ang gagawin niya sa loob ng mall oras na makapasok ito sa loob. Makalipas ang ilang minuto ng byahe ay nakarating na siya. "Oh, Robinson, Robinson," wika ng driver. Bumaba na si Jen ng jeep kasama ang iba pang mga pasahero na sa mall din ang punta.
Nang makarating na sa mall ay nagsimula na siyang maglakad-lakad. Sumakay siya ng escalator patungo sa pinakamataas na floor ng mall at nagtungo naman sa Robinson's Movieworld. Nagtingin-tingin siya ng mga movie na showing sa araw na 'yon. "Ayun, sakto! Showing ang Despicable Me 4.. 50% discount pa! Sakto.. pwedeng kong iinvite si-" napatigil si Jen sa kanyang iniisip.
Hindi muna siya pumila dahil pinagplanuhan niya muna ang mga steps niya para sa gagawin niyang move. Habang iniisip yun ay lumabas muna siya ng Movieworld. Naglalakad siya nang may makita siyang pamilyar na mukha na makakasalubong niya na maya-maya. Napansin rin siya ng taong 'yon. "Parang si Jen yun ah" sabi nito. Nang maningkit ang mga mata nito upang kilalanin ang kasalubong niya ay nasigurado niya nga kung sino ang taong 'yon.
"J-Jen?" wika nito nang magkasalubong sila ng binata. "M-Miks?!" wika naman ni Jen na tila nabigla at namula dahil sa iniisip-isip nito kani-kanina lang. Napatigil ang dalawa sa paglalakad nang magkita. "Uyy! Hi Bes!" wika naman ni Miks na tila masayang-masaya sa pangyayari. Napaisip si Jen sa bago nilang tawagan. "Bes?.. Ay oo nga pala, bestfriends na pala kami ngayon~"
"Uyy, Bes!" wika naman ni Jen. "Nandito ka rin pala sa mall," dagdag nito. "Ahh oo.. gumala muna ako mag-isa kasi kakaboring sa bahay eh, saka wala namang assigments ehe-ehe~" tugon naman ng dalaga. "Ohh, saan naman next destination mo after Tom's World?" tanong naman ni Jen na may halong biro. "What do you mean? Inikot ko lang yung buong floor 'noh? Anong tingin mo sa'kin, bata?" natatawang sagot naman ni Miks. "So.. where na nga? Nauubusan na rin ako ng mapupuntahan eh hehehehh," tanong muli ng binata. "Sa Popeyes, maglalunch muna ako hehe, tutal 1pm naman na," tugon ng dalaga.
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love With a Transfer
RomanceSa unang araw ng pasukan ng School Year 2024-2025, nainlove ang isang binatang nagngangalang Jen nang makita at makilala niya ang transfer student sa kanilang paaralan, si Michelle. Hindi lamang napukaw ni Michelle ang attention ng kanilang section...