"Aha!" sigaw ni Miks nang makaisip siya ng magandang idea para sa kanilang short-film. "What if parang flashback yung scenario tapos fast forward to the present?" suggestion nito. "Hm.. pwede rin naman.. Ay! What if yung maging transition from past to present is, scene from the past yung magseserve as something na pinapanood ng modern generation-" suggestion naman ni Jen na pinutol naman ni Miks. "Ah! tapos i-focus natin sa dalawang students na nagkakadevelopan?" sabat ng dalaga.
"Yes, yes! Tama.. parang ganun nga bes!" wika ng binata na tila nagagandahan sa pagbebrainstorming nila ni Miks. Nagpatuloy pa ang brainstorming ng dalawa sa kung paano nila ito gagawin. "Alright, settled na yung outline nung filming plan. Ang mga bagay na kailangan pang planuhin is, paano at kailan dapat matatapos ang script, venue ng filming, tsaka yung camera.." mahinang wika ng binata habang tinatype ito sa notes ng kanyang computer. "Don't worry bes! Sagot ko na yung camera, may stand ako d'yan tapos nakastand-in-position lang yun kapag may scenerios na parehas tayong nasa camera. Other than that, take turns nalang tayo sa filming ng scenes nating dalawa."
"Sige, yung sa script, matatapos kaya natin hanggang bukas?" tanong ng binata. "Matatapos 'yan! 10 mins lang naman ang video eh, hehehehh," masiglang tugon ng dalaga. Nagsimulang gumawa ang dalawa ng kanilang script sa kanilang mga laptop hanggang sa matapos nila ang parte ng script para sa 'sinaunang panahon'. 5:30 na ng hapon noon nang tumayo si Miks sa kanyang kinauupuan.
"Hindi ka pa ba uuwi, bes?" tanong ni Miks. "Hindi pa bes, bakit?" tugon naman ni Jen. "Gumagabi na kasi tsaka, baka.. walang tao sa bahay niyo," wika ng dalaga. "Ok lang yun, bes! Ang totoo talaga, pumunta ako rito para makasama kita buong araw," masiglang wika ni Jen.
Namula nang todo-todo si Miks sa sinabi ng binata. "A-A-Ah.. gusto mo kong makasama f-for a day? W-What do you mean, bes?" wika na lamang nito. "Alam kong ikaw lang ang nandito sa bahay bes.. Kaya kinuha ko na yung opportunity ng pag-alis ni ate para bisitahin ka, bestfriend kita eh," tugon ni Jen. "Aww.. sweet talaga ng bestfriend ko.. for the first time may kasama na rin ako sa bahay for one day!" wika ni Miks na napayakap naman sa binata.
Nabigla si Jen sa biglang pagyakap sa kanya ng dalaga at bahagyang namula. Unti-unti ay napangiti na lamang ang binata at yumakap narin kay Miks. "T-Thank you bes.." ito na lamang ang nasabi ng dalaga habang yakap-yakap ang binata. Maya-maya pa'y natapos ang kanilang pagyayakapan at ngumiti sa isa't isa.
"Sige na nga," biro na lamang ni Miks para hindi maging awkward at dramatic ang sitwasyon. "Sige, it's a wrap muna, bukas nalang natin ituloy yung script," nakangiting wika ni Jen. "Sure, watch muna kaya tayo ng movie or something sa Netflix?" tugon naman ni Miks. "Yoo Netflix! Ano kayang magandang panood?" wika na lamang ng binata.
Nang makapili ang dalawa ng kanilang papanoorin sa T.V. ay nagsimula na silang manood. Maya-maya ay naghanda na ng hapunan sina Miks at Jen at sabay nang kumain sa sofa habang patuloy na nanonood. Nang matapos ang pinapanood nilang pelikula ay tumayo ang dalawa at hinugasan ang kanilang mga pinagkainan.
11 pm noong gabing iyon..
"Pasensya ka na sa kwarto ko bes.. walang kadesign-design hehe.~ Sakto may paggagamitan na rin yung double deck bed ng unit na 'to," wika ng dalaga habang inaayos ang itaas na bahagi ng higaan. "Ayos lang ba sa'yo na sa taas ka nalang?" tanong muli nito. "Ayos lang bes! Maraming salamat," wika ni Jen bago umakyat at humiga. Maya-maya pa ay pinatay na ni Miks ang ilaw sa kwarto. "Goodnight bes!" wika ng dalaga. "Goodnight rin Miks!" tugon naman ng binata.
Kinabukasan, maagang nagising ang dalawa at naghanda ng kanilang breakfast. Habang kumakain ay hindi maiwasang tumitig ni Miks sa binata. "Ang cute niya kapag kumakain-" biglang naisip ng dalaga. Namula na lamang ng bahagya ang dalaga habang pinagmamasdan si Jen na kumain ng instant noodles.
Maya-maya pa ay natapos silang kumain at hinugasan muli ito nang sabay. "Ah.. so anong oras ka pala uuwi sa inyo, Jen?" tanong ng dalaga. "Ah, mamayang 11 bes," tugon ni Jen. Walang kung ano-ano ay biglang nasambit ni Miks na, "Pwede sumama?" na siyang naging sanhi naman upang mamula ang dalaga.
"Ah- I meant.. i-if pwede bang bumisita rin sa inyo? ehe-ehe~" paglilinaw ng dalaga. "Syempre naman! Gusto mo ngayong araw na eh," masiglang tugon ni Jen. "Ah-eh.. a-ayos lang ba sa iyo? N-Na ngayon?" tanong ng dalaga na tila nahiya naman dahil sa nasabi niya kani-kanina. "Ok lang yun bes, para ma-house tour rin kita sa amin, atleast di lang ikaw right? hehehehh," sagot ng binata.
Ngumiti na lamang ang dalaga kay Jen nang marinig ang mga sinabi nito. Maya-maya pa ay gumayak na ang dalaga at saka sumama kay Jen papunta sa bahay nito. Matapos ma-lock ni Miks ang pinto ng kanyang unit ay sabay silang naglakad patungo sa Ciudad del Carmen. At matapos ang ilang minuto ng kanilang paglalakad at nakarating na rin ang dalawa sa bahay ng binata.
"Pasensya ka na sa bahay namin ha? Pero, please feel at home," wika ni Jen matapos buksan ang pinto ng kanilang bahay. "It's fine bes, thank you!" tugon naman ni Miks.
-To be Continued. Medyo loosely momentum-ed na yung aking mind. Nakafocus na kasi ako sa Discord, House, Anime and whatever. It might take long before I continue this story. So.. end of story for now?"
BINABASA MO ANG
When He Fell In Love With a Transfer
RomanceSa unang araw ng pasukan ng School Year 2024-2025, nainlove ang isang binatang nagngangalang Jen nang makita at makilala niya ang transfer student sa kanilang paaralan, si Michelle. Hindi lamang napukaw ni Michelle ang attention ng kanilang section...