Home
"Tawag ka pag nasa Manila ka na ha!" iyak na sabi ni Perry habang dala niya ang mga bag ko. "Mamimiss kita Leona!"
"Magpakabuti ka ha. Kung sinasaktan ka nila tumawag ka sa amin at papauwiin kita." Sabi ni Ate Amer. Yakap niya na rin ako ngayon.
"Siguro ka ba sa desisyon mong iyan Leona?" si Albert na halatang kanina pa nag-alala. "Baka nagsisinungaling lang yon."
Kung nagsisinungaling man si mama, it's hard to imagine na kung saan ako pupunta. I chose to follow my mother because that's what my father's last wish. Ayaw ko lang din maging pabigat nila Ate Amer.
"Huwag na kayong mag alala. Kung magsisinungaling man si mama, may naipon naman ako para maka uwi dito." I smiled sadly at them.
Aalis na ako dito. I never thought I will leave this peaceful place this early, dahil ang sabi ni papa kapag makapag tapos na ako aalis dito. I'll miss everything here. All the people I love, all the air, the things, the house, the flower garden ni papa and... the memories.
"Dapat lang uuwi ka dito! Dito ang bahay mo, nag iisang bahay mo!" agap ni Albert.
"Balik ka rito ha, huwag mo kaming kalimutan!" iyak pa rin ni Perry.
I hugged her tight and chuckled at her expression.
"Oo naman! Babalik na babalik ako rito. Gusto ko lang makapag tapos after hearing my father's last wish. At alam mo na, I won't fail him." I smiled sadly.
"Oh sya na! Tama na sa iyakan! Nandyan na ang sasakyan." Sabi ni Nanay Josa.
Lumingon ako isang sasakyang black Ranger ang lumapit sa amin.
"Ang ganda..." mangha na tono ni Albert. Narinig ko ang sampal galing sa likod na halatang pinigilang mag salita si Albert at tuluyannnang bumukas ang pintuan sa sasakyan.
Lumabas ang lalaki kahapon na kasama ni papa na parang ayaw na ayaw ako. Siya ang mismong sumigaw sa ginawa ko ni mama. I got pissed at him yesterday for shouting at me while I'm in rage with my mother. He's incredibly tall and neat. He's now wearing black short and a plain white polo shirt. Kahapon ay naka formal attire gaya ng pinag suot sa trabaho sa pelikula. Looks rich and expensive ang lalaking ito. Halatang galit na galit ito sa akin. I'm wondering ka ano-ano siya ni mama. Boyfriend kaya ito ni mama? He's just too young to be her boyfriend. Anak? No. Ako pa lang ang ka una unahang anak niya. He's maybe 3 or 4 years older than me kapag tingnan. His thick brows meet at each other. He looked at us one by one.
"Si mama?" tanong ko sa kanya.
He glanced at me at kumunot ang kilay nito "She'll wait on airport I'll be driving you there."
"Englishero..." narinig ko si Albert sa likod at sinampal na naman ni Ate Amer.
I nodded at him and turn to them. "Pupunta na ako... tatawag ako sa inyo kapag na saan na ako. Mamimiss ko kayo."
"Ingat ka ha."
"Bye Leona."
"Ingat ka ija."
"Bilin namin sa iyo ha."
"Alagaan mo siya ijo. Mag-ingat kayo."
I saw him nodded. "Yes Ma'am."
They all hugged me. I nodded "Bye..."
Tahimik kami sa biyahe. Lahat ng gamit ko ay nasa likod ng sasakyan at ako naman ay nasa front seat kasama ang lalaking ito. Well, I don't know his name. l'm coming with a man I didn't know huh. First time kong naka sakay ng ganitong sasakyan. I never imagine l'm actually sitting here. It felt so good in fairness.
YOU ARE READING
City Of Notes
Roman d'amourSi Leona ay lumaki sa mahirap na probinsya na kung saan siya at ang kanyang ama ay namayapang namuhay. Ngunit hindi nag tagal ay namatay ang kanyang ama sa sakit, sinagip siya sa kaniyang ina at pinapunta sa Manila. Ngunit hindi ito sanay sa mga gaw...