Chapter 1

3.7K 68 1
                                    

Disclaimer!!

This is a work of fiction.

Names, businesses, characters, places, and events are products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental.

Warning: Wrong Grammar and Typos Alert!

Maloi's POV

"Maloi, canteen tayo?" tanong ng isa kong classmate simula elementary na palaging nag aaya kumain kahit may teacher sa harapan

"high school na tayo pero puro aya ka parin ng kain!" sabi ko sa kanya habang nag lalakad kami papunta sa canteen dahil nag excuse kami sa teacher na pupunta lang kami sa cr saglit

"Okay lang yan, ang boring ng Araling Panlipunan" reklamo niya 

Well, totoo naman kaya sumama narin ako sa kanya.

Mabilis lang kami kumain dahil baka makahalata na yung teacher sa tagal namin nawala sa room

"Tingnan mo si Colet, sure ako hindi nanaman pumasok yan"

Napatingin ako sa part kung saan nandon si Colet, she's with her friends na nakaupo sa bench habang nag gigitara.

Well, never ko naman kinaibigay yan si Colet dahil maraming kalokohan yan. Sabi sabi nga na bully daw yan at di ako sure ako don.

Classmate ko yan nung grade 5 pero never kong nakausap dahil kaaway niya yata ang lahat or sadyang takot lang sa kanya dahil masungit siya. Matalino naman siya at nakakasabay sa klase pero madalas hindi pumasok at nakikipag laro lang sa mga kaibigan niya.

See, may friends naman siya kahit ang sungit sungit. Hindi talaga mawawala sa isang section ang ganyan e

"Narinig ko may kaaway yan kahapon sa court, sayang walang nag video kasi takot silang lahat"

bulong ng kasama ko dahil medyo malapit kami sa pwesto nila Colet. Nakita kong tumingin sila sa gawi namin kaya umiwas ako ng tingin sa takot

hindi ko pa naman siya nakakausap pero natatakot ako sa pag ka seryoso niya.

"Sana hindi natin siya ma kaklase sa second year, magkalapit pa naman yung section natin"

nakalampas na kami sa pwesto nila kaya nakahinga kami ng maluwag. Pagkarating namin sa room wala na si Ma'am at mukhang natapos na ang klase.

"Mikha Lim! Pinapatawag ka ni Ma'am sa office!"

Rinig kong sigaw mula sa labas and i saw Colet na may tinatawag, classmate niya yata.

nag kakagulo sa room at mga nag lalaro, kabilang na ako don dahil ako yata ang leader ng mga makukulit na student sa klase. Hindi kasi masaya kapag walang nag lelead kaya pinangunahan ko na.

Vacant daw dahil walang klase sa science, favorite ko pa naman yun kahit lagi akong bagsak sa quiz. Aminin niyo, mahirap talaga ang science subject!

"Kilala niyo ba yun si Colet at Mikha? Grabe nag sama pa daw sa isang section yung dalawa, parehas daw bully" sabi ng isa kong kaklase na halatang alam lahat ng tsismis.

"Grabe naman ang tsismis. Parang mabait naman yata si Colet, rumors lang naman siguro. Nakita ko nanlibre yan don sa isang nerd sa kabilang section kasi nakita yata na inaaway nung mga literal na bully ng school"

"oo nga, ang ganda nga nila parehas ni Mikha kaso kakaiba mga pormahan e"

"Feeling ko tuloy mas pogi sila sa mga kaklase natin hahaha"

Diyan Ka Lang (Macolet Bini Series #2)Where stories live. Discover now