Chapter 4

2.5K 58 8
                                    

Disclaimer!!

This is a work of fiction.

Names, businesses, characters, places, and events are products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental.

Warning: Wrong Grammar and Typos Alert!

Fast Forward -------->

Maloi's POV

Tahimik akong nag pipinta sa classroom ng may mag lapag ng pagkain sa tabi ng desk ko

"For you, tama na yan!" nakangiting si Jhoanna ang bumungad sa'kin

nandito na pala siya?

Jhoanna is a caring person, kahit hindi ko sabihin na kailangan ko ng pagkain, sure meron siyang dala.

Tumingin ako sa wrist watch ko at 1 pm na pala, nag skip nanaman ako ng lunch!

"Nag papractice lang ako baka sakaling makapasa ako sa course na gusto ko. Pipilitin ko na talent 'to kahit hindi yata para sa'kin" natatawang sabi ko at inayos na ang mga art materials sa desk ko

"Nasan yung iba?" tanong ko kay Jho na ngayon nakaupo na sa unahan ko

"Nasa labas, kausap pa yung teacher natin sa Math. Tinatry nilang bolahin para dalian lang yung quiz haha"

Tumingin ako sa labas at nakitang isa isa na silang pumasok don

"Bakit kasi di ka sumama mag lunch?" tanong ni Sheena na halatang nag enjoy sa lunch nila dahil sa lapad ng ngiti niya. I like her smile, nakakadala, parang kapag ngumiti lang siya mapapangiti ka na rin.

"Miss mo agad ako 'no?"  tanong ko at nag pa cute siya sa harapan ko kaya ginaya ko din ang expression niya

"Grabe, patulong ka kay Aiah mag drawing" suggest ni Stacey na naka kikay outfit nanaman. 

The Pink color suits her talaga, ang ganda ganda niya sa mga outfit niya, para siyang Princess!

"Why me? Hindi ako magaling dyan!" sabi ni Aiah 

Ang ganda ganda niya talaga! Unang kita ko lang sa kanya gusto ko na agad pakasalan. Joke, sobrang soft niya kasi na parang gusto mo nalang makinig sa kanya 24/7

"Thanks sa lunch guys, wala daw klase ngayon haha!" Sabi ko at kinain na ang food na dala ni Jhoanna

"Ako lang bumili niyan, bayaran mo 'ko mamaya!" sabi ni Jho kaya nasamid ako sa kinakain.

"Akala ko naman libre na!" angal ko pero tumawa lang si Stacey

"Asa ka naman na ilibre ka niyan!" sigaw ni Stacey

"Tigilan mo na ako Staku ah!" Inis na sigaw ni Jhoanna

"Okay, san tayo later? Math nalang subject natin kasi wala daw klase ngayon" tanong ni Sheena na mahilig mag aya kapag cancel ang klase

"Gusto ko ma try manood don sa festival event malapit dito!" sabi ni Aiah

She's a fan of band or something na kahit anong related din sa music kaya nag kakasundo kami. Pupunta naman talaga ako don mamaya dahil mag peperform sila Colet, she's with her Dad at sinama siya sa performance as guitarist daw.

"Di ako pwede, may lakad kami ni Stacey" sabi ni Jhoanna at nag high five sila ni Staku. May plano na pala sila na gagawin.

"Ako parang kailangan kong umuwi muna dahil may pinapagawa si Mommy" sagot ni Shee kahit siya naman yung nag tanong kung anong gagawin namin after ng class.

Diyan Ka Lang (Macolet Bini Series #2)Where stories live. Discover now