Chapter 5

2.3K 61 7
                                    

Disclaimer!!

This is a work of fiction.

Names, businesses, characters, places, and events are products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental.

Warning: Wrong Grammar and Typos Alert!

Fast Forward -------->

Maloi's POV

"Hindi pa ba uuwi si Aiah?" tanong ko kay Jhoanna dahil inactive siya ngayon. Nasa vacation siya kasama ng family niya dahil may 2 weeks break kami sa school

"Baka siguro mamaya, pa one week na siyang wala dito!" sagot ni Jho habang nag tatype siya sa laptop niya.

"San ka pupunta Maloi?" tanong ni Stacey na kababa lang sa hagdan at mukhang kagigising lang

"Wala, makikipag kita lang ako don sa mga high school friends ko" sabi ko habang inaayos ang make up ko

I'm so glad na sa same university rin pumasok ang trio. Finally, hindi na ako mahihirapan mag set ng mga plano namin dahil nasa ibang school sila.

Ang bilis ng panahon dahil college na kami, excited na ako sa bagong chapter namin.

Umalis na ako sa apartment para puntahan ang trio sa practice nila. 

"Guys! Mag hapon lang talaga tayo dito?" tanong ko sa kanila dahil kanina pa ako nakaupo sa sofa at pinapakinggan sila.

Colet's voice is just so perfect, hindi ako nag sasawang makinig sa kanta nila. 

Tinupad nga niya ang promise niya na kumuha ng course na related sa music. While ako, nag try ako pumasok sa Interior Design since isa rin naman siya sa gustong gusto ko.

Gustohin ko man ang course na pinili ni Colet, my parents were againts sa idea na yun at wala akong nagawa kung hindi ang kumuha ng iba.

Nag tampo talaga si Colet sakin ng malaman niya and i know, hanggang ngayon naiinis parin siya dahil hindi ako tumupad sa usapan namin.

"Miss ko na si Aiah" sabi ko habang kumakain kami.

Kay Aiah kasi ako madalas mag kwento kaya namimiss ko na siya. 

"You keep repeating that Yves, who's Aiah ba?" parang inis narin na tanong ni Mikha dahil kanina pa ako nag kukwento tungkol kay Aiah

"Wala, i just miss her so much" sabi ko at nakita ko ang tingin ni Colet sakin

"Bakit?" parang batang tanong ko.

Nakatingin nanaman kasi siya sakin na parang hindi niya gusto ang sinasabi ko. Kilala naman niya si Aiah e, sure ako na alam niya kung bakit na mimiss ko na yung tao.

"Aiah ka ng Aiah! Ubusin mo muna kinakain mo" sinimangotan ko si Colet dahil sa kasungitan niya

"Kilala mo si Aiah, na meet mo na siya last time"  tumango siya ng sabihin ko yun

"Gustong gusto mo talaga siya 'no?" tanong niya at nakita ko lang na palipat lipat ang tingin ni Mikha at Gwen samin.

Sino naman ang hindi mag kakagusto sa Aiah namin?

"Ay, selos ka Colet?" natatawang tanong ni Gwen kaya natawa rin ako.

"I think she's jealous talaga" sagot rin ni Mikha 

"Mga siraulo! Kapag talaga nakita niyo si Aiah sa personal, ewan ko nalang sa inyo!" inis na sagot ni Colet

Dahil sa sinabi niya, nagkaron agad ako ng idea para hindi maging boring ang araw na 'to

Diyan Ka Lang (Macolet Bini Series #2)Where stories live. Discover now