Chapter 2

2.3K 57 7
                                    

Disclaimer!!

This is a work of fiction.

Names, businesses, characters, places, and events are products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental.

Warning: Wrong Grammar and Typos Alert!



Maloi's POV

After ng audition lumabas agad ako sa lugar na may malaking ngiti. Finally isa na ako sa official member ng singing club!

"Maloi! Sabi ko na nga makakapasok ka sa list e!" sabi nung katabi ko kanina sa audition. Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan niya kaya ngumiti ako sa kanya at kumaway.

Tahimik akong naglakad papunta sa canteen para kumain sana dahil wala pa yung sundo ko.

"Maloi!" lumingon ako dahil may tumawag sa maganda kong pangalan

Nakita ko si Colet na naglalakad rin sa likuran ko.

Alam kong nakapasok rin siya sa club at aminado akong sobrang ganda nga ng boses niya. Pwede na siya maging vocalist ng banda.

"Colet" sagot ko rin ng makalapit siya

halos sabay kaming naglakad at hindi ko alam kung bakit tinawag niya ako. 

Hindi ko pa nalilimutan na ako ang ginawa niyang dahilan para sumali sa club kahit singer naman talaga siya. Pwede naman niya isagot na singer siya or kaya wala na siyang mapili na ibang club.

"Kakain ka?" tanong niya ng makapasok kami ng Canteen.

Oo Colet, obvious na nga tinatanong pa?

"Yes, sasabay ka?" tanong ko kahit pa ayaw kong kasabay siya.

Baka pag fiestahan ako ng tao kapag nakitang magkasama nanaman kami ni Colet.

"Hindi, pero kung gusto mo, sige sabay tayo" sagot niya at nauna na pumila para pumili ng food.

Wow, parang napilitan pa siya ah?

Nag sabay nga kaming kumain, at aaminin ko, hindi ko makain ng maayos ang pagkain ko. Nakatingin kasi samin yung mga tao at pakiramdam ko may bagong mabubuo na rumors.

"Ayaw mo na?" tanong ni Colet na parang walang pakialam sa paligid at itinuro ang hindi ko maubos na pagkain kaya tumango ako

"Gusto mo ba?" alok ko

hindi siya sumagot pero kumuha rin siya ng kinakain ko. Buraot din pala minsan 'tong si Colet.

Hinintay ko siyang matapos kumain at inayos ang pinagkainan namin at ako narin ang nag tapon sa basurahan habang nakasunod lang si Colet sakin.

Hindi ko parin ma gets kung bakit kinakausap niya ako at sumasama siya sakin kahit sanay naman siya na mag-isa palagi.

Siguro wala siyang matinong friends kaya sakin siya ngayon nakikipag kaibigan. Well, open naman ako sa ganyang bagay kaya why not?

"Una na ako Maloi, parang tapos na rin si Mikha sa audition"

Nag tap siya sa balikat ko kaya nagulat ako. Hindi naman malakas yun pero medyo napababa ang balikat ko sa gulat. Reflexes ko yata ang umiwas sa mga hawak niya, hindi parin kasi nawawala yung takot ko sa kanya kahit pa mukhang wala naman siyang gagawin na masama.


Kinabukasan naninibago ako sa mga tingin ng student sakin. Anong meron?

Ilang beses na akong nanalamin pero maganda parin naman ako kahit anong gawin ko. Maganda naman yung suot ko dahil binilhan ako ng bagong skirt ni Mommy.

Diyan Ka Lang (Macolet Bini Series #2)Where stories live. Discover now