CHAPTER 9

8 1 0
                                    



NAGISING ako sa lakas ng ingay ng cellphone ko na nakalagay sa night stand ng kwarto ko. Kahit ayoko pang bumangon ay ginawa ko pa rin dahil hindi yata titigil ang pag-tunog hangga't walang sumasagot.

Nang naabot ko iyon ay sinagot ko ng hindi na pinagkaabalahan pa na tinignan ang caller ID.

My mouth were dry and I don't feel like talking.

"Azalea, what happened I've been calling you kanina pa. Mainit ang ulo ng boss ng makitang wala ka simula kanina. You didn't even informed us na hindi ka papasok ngayon," malakas at medyo taranta na boses ni Katrina sa kabilang linya.

Lumunok muna ako bago nagsalita, masyado kasing dry talaga ang bibig ko at medyo masakit. Masakit pa sa tenga ang tili niya.

"I uh I'm sorry, Katrina. I didn't expect kaya hindi na ako nakapag paalam pa. Kagigising ko lang ngayon. And I'm not feeling well, I have a fever since last night pa. Kung pwedi paki sabi na lang sa boss natin. Tatawagan ko mamaya ang company doctor para makapag pa check up ako at makapag render ako ng sick leave. Siguro naman deserve ko iyon for how many  years that I didn't use those..." Mahaba kong paliwanag kahit sa namamaos na boses.

"Oh no, I'm sorry Lea. Get well soon ako na bahala ang magsabi Kay boss. Pagaling ka ha,"aniya at Saka na kami nagpaalam sa isa't-isa.

I sigh in relief.

Bumangon na ako dahil hindi na rin ako makatulog. I looked at the wall clock, it's already nine in the morning. Sa tagal ng panahon ngayon lang ako nagising ng ganitong oras.

Sabagay, may sakit ako. Pero noon naman ay nagkakasakit din ako pero hindi pa talaga ako nagising ng ganito ka-late. Palibhasa pumasok ako kahit may sakit ako noon. I love my job, that is why. Lalo na noong si Mr. Antonio pa ang boss ko. Pero ngayon medyo easy na ako, dahil siguro sa new boss ko. Ayoko na lang isipin.

Binuksan ko ang drawer sa stand table ko at nakita doon ang booklet ko .

I opened it at nakita ang pangarap ko at dream business ko. Nakalagay doon na after five years of working ay magri-resign na ako sa trabaho at magpo-fucos sa itatayo kong business. I don't spend a lot for myself everytime na sumasahod ako, because I'm thinking about my future. Nagsi-save ako sa bangko at malaki-laki na rin iyon. At mas malaki rin sana iyon kung hindi lang ako tumutulong pa sa mga taong nagpalaki raw sa akin. I forgive but I don't forget sa lahat ng hirap  na ipinaranas nila sa akin. Ayaw ko mang magtanim ng sama ng loob sa kanila but I can't help it. Masakit talaga. Pero I'm thankful dahil kung hindi rin dahil sa kanila baka nga wala na ako ngayon.

Two months after my mother gave birth to me. She died because she has a lukemia at stages four na. Wala raw akong tatay dahil namasukang katulong ang mama ko noon. Nabuntis lang daw pero hindi sinabi kung sino. Noong buhay pa ang mama ko. Nagsusustento daw ang papa ko pero simula ng mamatay siya ay tumigil na rin ng hindi nila nalaman ang pangalan. But one time may nakita akong letter sa mga gamit ng yumao kong Ina. I think sulat iyon na hindi naituloy na maipadala at nakita ko doon ang pangalang 'Renzo Olivarez'. Baka siya na ang papa ko.

Gusto ko sana siyang hanapin pero mahal kumuha ng private investigator. May missing pieces sa puso ko kapag naalala ko ang ganitong bagay. Baka balang araw, kapag maging okay ang itatayo kong business at ma-afford ko na ang private investigator. Para naman makita ko siya at marami akong gustong itanong sa kanya.

Nahihilo pa ako ng tumayo na ako at pumunta ng banyo. Pagkatapos ay pumunta ng kusina dahil nangangalam na ang sikmura ko dahil walang kain kagabi. May loaf bread pa ako sa cupboard at may cheese kaya iyon na lang ang almusal ko at nagtimpla na rin ng gatas.

Hindi ko rin iyon nakain dahil nga wala akong panglasa. Sumasakit na naman ang ulo ko kaya uminom ulit ako ng gamot at bumalik sa higaan. Buti na lang talaga at may gamit ako sa medicine cabinet ko. Kung hindi baka wala akong mautusan kagabi na bumili.

Mga kalahating oras na paghinga ko ay nakaidlip ako at nagising din dahil may tumawag sa akin. At dahil maliit lang naman ang apartment ko kaya madali kong marinig kung sino ang tao sa labas.

"Ate si Sam ito, hindi ka po pumasok?" sagot ng tao sa labas na estudyante na siyang sumasideline at naglalaba ng mga damit ko para may pandagdag siya sa pag-aaral niya. Nagbo-board siya sa katabing bahay at dahil hirap din sa buhay kaya sa kanya na lang ako nagpapalaba samantalang kaya ko naman gawin iyon pero para makatulong ay pinapalaba ko na lang sa kanya.

Naglakad ako papalapit sa pinto at binuksan iyon. Nakangiting mukha niya ang nabungaran ko.

"Sam ikaw pala. Ah oo hindi muna ako pumasok, masama talaga ang pakiramdam ko eh," sagot ko sa kanya.

"Ah ganoon po ba. Get well soon ate. Uhm—at Saka po—" nahihiya niyang sabi.

"Ano Yun?" Pilit ko sa kanya.

"Ahm pwedi ko po bang labhan ngayon ang mga damit mo po? Sa sabado po kasi practicum namin kaya hindi po ako makakapaglaba. " Amin niya.

"Sure, Sige na Kunin mo na lang doon sa kwarto ko ha. Salamat."

Dumiretso ako ng banyo at naisipang maghilamos. Hindi ko afford na hayaan ang sarili ko na hindi mabasa ng tubig. Pakiramdam ko ay ang baho-baho ko na.

I take a quick shower.

Bago ako matapos ay narinig ko ang door chime. Kaya balewala akong lumabas na nakatapis dahil baka si Sam iyon. Baka tapos na ang mga damit ko dahil kunti lang iyon. But to my surprise hindi si Sam ang tao kundi ang gwapong boss ko! Laglag ang panga ko at tila lumaki ang mata ko sa nakita.

Hindi ko tuloy napansin ang sementong harang sa hamba ng banyo kaya natisod ako no'n. I looked so silly dahil natumba talaga ako, mabuti na lang at malakas ang pagkakapit ng tuwalya sa katawan ko. Kung hindi ay baka nakita na ang kaluluwa ko.

Narinig ko ang pagsigaw niya ng makita ako but I warned him to not get close to me. Grabeng kahihiyan ito. At ano Naman kaya ang ginagawa niya dito sa bahay ko?

Pinikit ko ng mariin ang mata ko at sinimulang tumayo ng dahan-dahan pero muntik na akong mabuwal dahil sa pagkahilo pero may malalakas na bisig ang sumalo sa akin sa pagkakahulog ulit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Cold Secretary of the Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon