CHAPTER 6

7 1 0
                                    


AZALEA

MAAGA akong pumasok kinabukasan sa office pero naabutan kong naroon na si Sir Naieph. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil napakaaga niya ngayon o maiinis dahil marami na ang mga papeles na nakatambak sa table ko. Hindi pa man ako nakakaupo ay narinig ko agad ang intercom.

I answered it.

"Yes sir, good morning!" Magalang kong bati at sa pormal na tono.

He cleared his throat on the other line.

"Morning, please make me a coffee Leah," utos niya sa seryosong tono na agad ko namang ikinamangha. Well, mabuti naman kung ganoon. Seryoso na yata ang malokong ito. Pero ang nakapatigil sa akin ay kung paano niya binanggit ang pangalan ko ay parang iba sa lahat or baka guni-guni ko lang.

"Okay sir."

"How about you nagkape kana ba?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Y-yes I'm done, thank you, sir," pormal kong tugon at tumingin sa pinto ng office niya. I can't see him because the glass wall wasn't see through. Pero nakikita ko ang anino niya.

"Okay.. bye!"

"Bye!" Paalam ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa tanong niyang iyon. Sabagay ganoon din naman si Sir Antonio. Nagkibit na lang ako ng balikat.

Pagkatapos kong makapagtimpla ay pumasok na ako ng office niya at inilapag iyon sa ibabaw ng table niya. Una kong napansin ang ibang itsura niya ngayon. He is wearing his eyeglasses while using his laptop. Seryoso siya habang ginagawa iyon. It's suit him very well. He looked so dashingly handsome-oh come on, Leah! Saway ko sa sarili ko. Pumasok ba ako dito para pansinin kung ano ang itsura ng boss mo ngayon? Napailing ako. Agad na akong nagbawi ng tingin. Baka mahuli pa niya akong nakatingin sa kanya at mag feeling pa siyang napaka gwapo niya. Totoo naman diba? Protesta pa ng isip ko.

"Thanks," aniya ng hindi tumitingin sa akin, tumango lang ako at lumabas na ng opisinang iyon. Napangiti ako kasi nagbago na yata ang boss ko. Hindi na siya childlike katulad no'ng una niyang dating. Mas mabuti kung ganoon.

Pagbalik ko sa table ko ay bigla akong na stress dahil sa tambak na gawain. Pero hindi yata uso sa akin ang magreklamo. Agad ko iyong inasikasong lahat.

May tumawag sa telepono galing sa canteen at agad ko naman iyong sinagot. Wala naman siguro akong utang sa canteen di ba? Tanong ko sa sarili ko.

"Hello, miss Decano speaking, what can I do for you?" Bati ko sa kabilang linya in a polite manner.

"Hello, Azalea. Ano na, hindi ka pa ba mag-la-lunch," tanong ng nasa kabilang linya na ikinatingin ko sa wristwatch ko. Quarter to one na pala pero hindi ko namalayan ang oras. No'n ko lang naramdaman ang gutom kasabay ng pagtunog ng tiyan ko.

"Mauna kana Katrina, bababa na rin ako pag katapos nitong ginagawa ko," sagot ko sa kanya, hindi ko siya madalas na kasama kumain kasi nga mas gusto kong mapag-isa pero madalas naman niya akong ayain kumain. Nagkikita na lang kami sa canteen pero marami siyang kasama na masama lagi ang tingin sa akin. But I don't mind them at all. Si Katrina lang naman ang tinuturing kong good co-worker ko.

"Oh ya sige, bilisan mo na ha. Late na baka ulcer ang kalabasan mo niyan." Paalala pa niya na ikina ngiti ko.

"Okay, salamat Katrina. Eat well na lang diyan."

Nagpaalam na kami sa isa't-isa at binaba ko na ang telepono na may ngiti sa labi. Nagulat pa ako ng makita ko si sir Naieph na hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ng table ko at nakatingin sa akin na nakakunot ang noo. Nawala ang ngiti sa labi ko.

I compose myself and cleared my throat.

"Ano po 'yon, sir?" Tanong ko na agad naman niyang sinagot .

He handed me a handful of papers on his hand. Kinuha ko naman kahit nagulat sa nakita.

"Can you summarize that before I sign that documents?" Aniya na ikinainis ko. Pero hindi ko lang pinakita. Alam naman niya kasi na ang dami pang papers na tatapusin ako tapos heto pa at may idadagdag pa siyang trabaho. Haist!

Tumango na lang ako at nilapag iyon sa mesa."

"Okay, sir." Kahit pa parang nanggigil na ako sa pinaggagawa na niya sa akin. No'ng una ay ayaw niya akong kumain ng late tapos ngayon ay lunch time na tapos binigyan pa niya ako ng gawain. Naikuyom ko ang kamao ko sa ibabaw ng kandungan ko at pinilit na itago ang inis.

"I have a lunch date now, please make that right away. Para pagbalik ko ay magawa ko na. And also cancel all my meeting this afternoon. I have a lot of things to do," dagdag pa niya at tuluyan n ngang umalis sa harap ko nang hindi pa ako nakakapag react man lang. Tumutunog na kasi ang tiyan ko..

Matalim ko na lang siyang tinitignan habang patungong lift. Agad akong umiwas ng tingin ng makapasok na siya doon dahil baka mahuli niya akong nakatingin pero napatingin ulit ako sa kanya at nakita ko ang ngisi sa labi niya na bigla din namang nawala. Tinignan ko lang siya in a cold look dahil naiinis pa rin ako sa kanya hanggang sa sumara na ang pinto ng elevator ay nakatingin lang siya sa akin.

I heave a deep sigh. Hindi ko namalayan na hindi pala ako humihingi habang nakatitig sa kanya. I shrugged my shoulder at inumpisahan na ang dapat kong gawin.

Tumawag na lang ako kay Katrina at nagpasabay ng pagkain sa canteen, maya-maya lang ay bitbit na niya at kinain ko iyon habang nagtatrabaho. Tinukso pa ako ni Katrina na favorite daw ako ng boss dahil binigyan ako ng maraming trabaho. Hindi na lang ako nagsalita at bumalik sa pagtatrabaho.

Quarter to seven ay naroon pa ako at tinatapos pa ang huling set ng mga papeles na pinapaayos sa akin. Nang biglang bumukas ang pinto ng presidente.

Nagulat siya pagkakita sa akin na parang hindi niya inexpect na naroon pa ako. Oh come on!

"Akala ko ay umalis ka na?" Obvious niyang tanong na lalong ikinangitngit ko.

"Tinatapos ko pa po itong pinapagawa niyo sa akin." malamig kong sabi pero sa monitor ako nakatingin.

"Bukas na 'yan. It's getting late baka wala ka ng masakyan," concerned pa niyang sabi na sa tingin ko ay hindi naman totoo.

Agad naman akong tumalima at niligpit na ang gamit ko. Hanggang sa matapos ako sa ginagawa ay nakamasid lang pala sa akin ang loko at sabay pa kaming sumakay ng elevator. Kung alam ko lang ay dapat gumamit na ako ng hagdan, but magmumukha akong tanga kung aalis pa ako. Baka mag isip pa siya na affected ako sa presensiya niya. Pero totoo naman di ba? No way!

Makabibinging katahimikan ang nangyari sa loob ng lift sa mga sumunod minuto na kasama ko ang boss kong nakakainis!

The Cold Secretary of the Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon