(January 6, 2022)
Gabi niyon at patulog na kaming lahat ng biglang pinatawag ang section namin agad kaming pumunta sa room kasama si Rey, kaunti lang ang pumunta sa room ng mga oras na yun. Siguro dahil natatakot na sila na baka maulit yung nangyari nung nakaraang araw. Bumukas ang tv at nagpakita si Sir Jo. "Good Evening sa inyong lahat kaunti lang kayo ngayon ah anong nangyari" tanong nito at agad itong tumawa ng malakas. "Uumpisahan na natin ang Game 2 at tatawagin natin itong FIND THE IMPOSTOR, may inassign akong isang impostor sa inyo at kailangan ninyo siyang hanapin hanggang mag umaga, kung hindi niyo siya mahahanap bago mag umaga ang impostor ang siyang mabubuhay at kayong lahat ay mamamatay. Kung mahahanap niyo naman siya, ay kayo ang mabubuhay at siya ang mamamatay ganun lang ka simple ang laro natin. Ngayon ay isa pa pala mag-ingat kayo sa impostor may mga binigay kaming armas sa kaniya kaya wag kayong magtitiwala kung kani-kanino". Agad akong naghanap ng matataguan nakalimutan ko na naiwan ko pala si Rey sa may loob ng classroom binalikan ko siya doon at pag tingin ko dito ay wala ng tao. Maya maya ay nakarinig ako ng parang bakal na tumama sa may handrail ng hagdanan namin dahil dito bigla akong tumakbo. Nagulat ako ng biglang nagsabi ang announcer "GIRL NUMBER 12 Sam Roque Died". Agad akong kinabahan dahil pumapatay din pala ang impostor. Mahihirapan kami nitong hanapin siya dahil may armas itong dala.(January 7, 2022) 12:00 AM
Pansamantalang tumahimik ang paligid ng mga oras na iyon. Maya maya ay may narinig ako nag sisigawan dahil nagwawala si Cath at sinisisi nito si Kuya Roel na siya daw ang impostor. Tinatanggi ni Kuya Roel na hindi daw siya ang impostor dahil tulog daw siya sa mga oras na yun.
Pinuntahan nila ang katawan ni Sam at may nakita silang nakasaksak dito na palakol. Sinabi ni Cath na si Kuya Roel lang daw ang may kayang bumuhat sa mabigat na palakol na iyon. Pinapatigil ni Rose si Cath at sinasabi niyang hindi daw si Kuya Roel ang impostor. Nagtanong si Cath kay Rose kung ano ang patunay na hindi si Kuya Roel ang impostor. Hindi makasagot si Rose dahil hindi niya din alam ang sasabihin. Nung magsasalita na sana ako ay biglang nagsalita na naman ang announcer "BOY NUMBER 9 Zack Duran Died". Nag sorry si Cath dahil napag bintangan niya si Kuya Roel ngumiti lang siya at sinabing "okay lang yun". Agad kong pinuntahan ang katawan ni Zack at may nakita akong nakatusok na crowbar sa ulo nito. Pagkatapos niyon ay tumahimik na ang paligid.(January 7, 2022) 4:00 AM
Malapit na mag umaga at hindi ko pa nalalaman kong sino ang impostor. Maya maya ay may narinig kaming tunog ng baril. Nang pababa kami ng hagdanan ay nakita namin si Rex na tumatakbo at papunta samin maya maya ay tinamaan siya ng bala sa may paa agad siyang natumba. Nagsalita si Rex at sinabi niyang "Ang impostor ay si" tinadtad na siya ng bala at hindi na niya natapos ang pagsasalita. Biglang nagsalita ang announcer "BOY NUMBER 7 Rex Chua Died". Hindi na ako natakot at tinignan ko na kung sino ang impostor at nakita ko si Rey. Tinawag ko siya sa pangalan niya at agad siya lumingon. "John sorry ako ang impostor" nalaglag niya sng baril na hawak niya at bigla siyang lumuhod habang umiiyak.(January 7, 2022) 5:30 AM
Binuhat ni Kuya Roel si Rey at dinala sa classroom. Agad namang nag pakita si Sir Jo. "Ikaw pala Rey Fajardo ang Impostor come to the office now". Umiiyak si Rey na lumabas ng classroom. Maya maya ay nasa TV si Rey at umupo siya sa isang upuan pagkatapos nun ay may nilagay sa kanyang ulo na parang helmet at pagkatapos niyon ay nangisay ngisay na siya at agad na binawian ng buhay. Nawala ang signal ng tv at agad itong namatay. Bago siya lagyan ng helmet ay nagsabi siya ng goodbye at ngumiti. Umiyak ang mga kaklase ko dahil sa nangyari at may narinig ako na buti nalang pinatay ni Rey lahat ng siraulo sa classroom. Agad na nagsalita ang announcer
"BOY NUMBER 10 Rey Fajardo Died"."Game 2: Find the Imposter Grade 11 Class X Here's the list of your dead classmates in the order they died , GIRL NUMBER 12 Sam Roque, BOY NUMBER 9 Zack Duran,
BOY NUMBER 7 Rex Chua and lastly our impostor BOY NUMBER 10 Rey Fajardo. Again congratulations to all survivors."Grade 11 Class X: Died:8 Alive: 27