Lumuluha ako habang pabalik ako ng room namin ni Rey. Pagbukas ko ng ikaw ay may nakita akong letter sa higaan ko. "Dear John pag nakalabas ka ng school ay pwede bang pakitingin ang lima kong kapatid. Pag nabasa mo tong message ibig sabihin ay wala na ako. Kailangan ko lang gumanti sa tatlong bully na iyon dahil nabalitaan ko dati ay pinag tripan nila si Kevin. Hindi ko lang sila mabawian dati dahil baka mapatalsik ako sa school at wala na naman kaming makain. Yun lang salamat John isa kang mabuting kaibigan. From Rey". Dahil sa nabasa kong sulat ay bumagsak ng tuluyan ang luha. Maya maya ay nakatulog na ako dahil narin siguro sa puyat. Nang magising ako ay umaga na pala. Maya maya ay pinatawag kami ng teacher namin "Lahat ng estudyante ng Class X ay pumunta sa classroom". Agad naman kaming nag sipuntahan. "Aba himala kumpleto kayo ngayon". Sabi ni sir Jo samin. Sabay nagsabi si sir na may 2 days break daw kami lalabas daw kami ng school pero wag daw kami uuwi sa bahay namin dahil baka mapagbintangan lang daw kaming mag nanakaw dahil wala ng nakaka alala samin. Pag kalabas namin ng school ay dumiretso agad ako sa bahay namin. Habang nag do-door bell ako ay sumagot si mama. "Teka lang" pasigaw na sabi ni mama. Nung palabas na si mama ay nag katinginan kami at sabay sabing "sino po sila". Hindi ko maintindihan bakit di ako maalala ni mama. Nagkita kami ni Kuya Roel sa isang convenience store at sinabi niya na hindi na din daw siya maalala ng amo niya. Pumunta kami ni Kuya Roel sa sinabi nilang meet up place. Dun nag usap usap sila na hindi rin daw sila kilala ng mga pamilya nila. Pinuntahan ko naman yung mga kapatid ni Rey at kilala naman daw nila yung kuya nila. Tinanong naman nila kung sino ako at sinabi kong kaklase at matalik kong kaibigan si Rey hinanap naman nila sakin si Rey at sinabi kong nasa sa school pa at may ginagawa pa yung kuya nila. Ngumiti lang sila at nagpasalamat sakin. Habang pauwi nako ay nakasalubong ko si Haruka na umiiyak dahil hindi na daw siya maalala ng pamilya niya. Hinatak ko nalang siya para naman sumaya siya kahit papaano naglaro kami sa mga arcade, kumain sa mamahaling restaurant, at nanonood ng sine. Maya maya ay tinanong ko sa sarili ko na "nag date ba kami?" Lumabas kami ng mall ng mag gagabi na. Biglang umulan ng malakas at naghanap muna kami ng matutuluyan pansamantala sakto ay may nakita kaming hotel katapat lang ng mall. Pagkapasok namin ay tinanong ko yung staff kung pwede bang mag check in ng dalawang kwarto pero sinabi nilang isang kwarto nalang daw ang natitira dahil madami daw nag check in na estudyante. Nagsabi sakin si Haruka na pwede naman daw basta may matutulugan lang daw kami. Nag check in na kami at pagpasok namin sa kwarto ay isang double bed lang ang meron sinabi ko kay Haruka na sa baba nalang ako matutulog para hindi siya mailang. Nagsabi sakin si Haruka na okay lang naman daw akong matulog sa kama dahil double bed naman daw iyon. Naglagay nalang kami ng pagitan upang hindi kami mailang sa isa't isa. Nung patulog na kami ay biglang nagsalita si Haruka at sinabing ayaw na daw niya bumalik sa school dahil marami na daw siyang nakitang namamatay at ayaw na ayaw niya nun. Nung magsasalita na sana ako ay nakita ko na siyang natutulog agad. Nang mag umaga ay pumunta kami sa mall upang kumain at bumili ng mga damit na gagamitin namin sa school. Bumili narin kami ng gaming console para meron kaming pag kaabalahan mamayang gabi. Pagkatapos niyon ay bumalik na kami sa hotel at naglaro kami ng gaming console magdamag hanggang sa makatulog kami. Pagkagising namin ay umaga na at nagligpit na kami ng gamit na dadalhin namin sa school hinawakan ako sa damit ni Haruka at sinabing ayaw niya na niya bumalik. Hinawakan ko ang kamay ni Haruka at sinabing magiging ayos din ang lahat. Pumunta na kami ni Haruka ng school habang hinahawakan ko ang kamay niya. Napatanong ako sa sarili ko ng "nag holding hands ba kami?". Maya maya ay may dumating na school bus at tinanong kung section X ba daw kami agad kaming sumakay at nung nakumpleto na kami ay dinala kami sa isang malaking sports arena.