(Rey's POV)
"Uhmm A-ako pala si si Rey Fajardo at at ang ho-hobby ko ay mag-luto ako ay la- labinlimang taong gulang at ang bi-birthday ko ay November 2." Naalala ko pa yung nag pakilala ako nung first day ng pasukan nauutal utal pako niyon sa sobrang kaba. Galing lang ako sa isang mahirap na pamilya wala narin akong mga magulang namatay sila nung nakaraang taon dahil naaksidente ang sinasakyan nilang sikad sikad papuntang sakahan. Kaya nga ako pumasok sa school na ito dahil may cash allowance daw na ibinibigay. Ako ang nagsisilbing ama at ina sa lima kong kapatid. Nag tatrabaho ako sa may palengke bilang isang kargador bago pumasok at yung isang daan kong sahod ay pinapambili ko ng pagkain ng mga kapatid ko. First day sa school nung araw na iyon at madaling madali na ako sa pag uwi. Pagdating ko sa bahay ay naligo na ako. Paglabas ko ng banyo ay inabot ni Lina ang baon ko "Kuya baon mo oh ako ang nagluto niyan". Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Pagkapasok ko sa school ay hinanap ko agad yung section ko at dumiretso sa auditorium natuwa ako nung sinabi ng lalaki na may 50,000 daw silang ibibigay samin. Mabibilhan ko na sina Lina ng masarap na pagkain mamaya. Yung araw narin niyon ay pagkatapos ng introduction ko ay hinatak ni Zack ang upuan ko at agad akong natumba tinawanan lang nila akong tatlo. Maya maya ay inasar ako ni Sam na may naaamoy daw siyang kakaiba at tumingin siya sakin sabay ngumisi. Nung recess na namin ay nilabas ko na ang baon ko na niluto sakin ni Lina. Kinuha ni Rex ang baunan ko at tinapon nila sa basurahan dahil nga sa tuyo lamang ang ulam ko. Gutom na gutom nako niyon buti nalang binigyan ako ni Andrea ng tinapay dahil sobra daw ang nabili niya at busog na siya agad akong nagpasalamat sa kanya. Pauwi nako niyon ay bigla akong pinatid ni Zack at nadapa ako tinawag nila akong tanga. Gigil na gigil na ako niyon ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil baka mapatalsik ako sa school. Bumili ako ng Fried chicken para ulam naming anim mamaya. Pag dating ko sa bahay ay nandun sa pinto ang lima kong kapatid at sinabing gutom na daw sila agad ko nilabas ang fried chicken at kanin na binili ko kanina. Tuwang tuwa sila ng makita ang dala ko. Lakas nila kumain ng oras na yun at sinabi sakin ni Kevin na ngayon lang daw siya nakakakain ng ganung kasarap at sumagot yung apat na oo nga kuya. Napaluha ako nung nakita ko ang ngiti nila ng mga oras na iyon. Pagkatapos namin kumain ay niyakap nila akong lima at sinabing salamat kuya.Kinabukasan ko ay pinabihis ko sila dahil pupunta kami sa mall at binilhan ko sila ng mga bagong damit at ng mga kailangan nila. Tuwang tuwa ang mga kapatid ko dahil ngayon lang daw sila nakapunta sa mall. Binilhan ko si Lina ng bagong cellphone upang masend ko sa kanya yung mga pera na ibibigay samin. Pagkatapos niyon ay kumain kami sa fast food chain at gusto daw ni Kevin ay fried chicken agad ko silang inorderan nito. Pag ka uwi namin ay pumasok nako ng school ay sinend kay Lina ang lahat ng pera na nasa account ko.
Yung nag umpisa na yung second sem ay binigyan nila ulit kami ng 50k ata agad ko itong sinend kay Lina. Nag chat sakin si Lina at sinabing sino ka po bakit ka nag send ng gantong kalaking halaga? Hindi ko maintindihan ang nangyari at biglang lumabas yung lalaki nung first day ng pasukan. Pagkatapos niyang magsalita ay nakatulog ako at pagkagising ko ay meron na akong device na nasa leeg. Naka survive naman ako nung game 1 dahil madaling simon says ang punta sakin.
Bago mag umpisa ang game 2 ay may nag notif sa cellphone ko "You are the Imposter you earn 100 THOUSAND" Nagtaka ako niyon bakit meron ganito agad ko namang sinend kay Lina ang 100k na nasa account. Nag chat si Lina at sinabing "Salamat po ulit kahit hindi po namin kayo kilala ay binibigyan niyo po kami ng gantong halaga". At ng matapos magpaliwanag ni Sir Jo ay hinintay ko munang makaalis si John upang maligpit ko yung tatlo. Paglabas ko ng room ay nakita ko si Andrea at sinabi ko sa kanya na magtago siya dahil baka nasa paligid lang imposter agad naman siyang nag oo at at tumakbo pa paalis. Una kong nakita si Sam sa may labas ng cr ng girls agad ko siya tinaga ng palakol sa likod at agad niya itong ikinamatay. Binigyan nila ako ng isang crowbar maya maya ay nakita ko si Zack na nagtatago sa lamesa. Sinapak ako ni Zack dahil baka ipagkalat ko daw na takot siya sa impostor agad kong kinuha ang crowbar na nasa likod ko at hinampas ko ang paa niya at napaluhod siya dahil dito agad kong pinukpok ng crowbar ang ulo niya at agad niya itong ikinamatay hindi ko alam na nakita pala ni Rex ang mga nangyari. Binigyan nila ako ng baril at agad kong hinabol si Rex at bigla kong pinaputukan ito ng baril ngunit hindi ko siya matamaan dahil hindi ako marunong gumamit nito. Tinamaan ko siya sa paa at nung natumba siya ay pinag babaril ko siya hanggang mamatay. Nang paalis nako upang sabihin sa kanila na ako ang impostor ay may tumawag sakin. Si John pala yun nabitawan ko ang baril at napaluhod ako habang umiiyak at sinabing "John sorry ako ang impostor" napaluha si John ng sabihin ko iyon. Agad akong binuhat ni Kuya Roel upang dalhin sa classroom. Nung sinabi ni Sir Jo na pumunta ako sa office ay alam kona ang mangyayari hindi ko na makikita ang mga kapatid ko muli. Bago ako ma execute ay sinabi ko sa kanila "Paalam sa inyong lahat" sabay ngiti.