Chapter 8

415 5 0
                                    

Napabuntong hininga na lang ako nang makita sa salamin ang repleksyon ko. Hindi ko na makilala ang sarili ko. The ginger colored hair suits me well, I'd say.

But this sleepwear I'm wearing? I sighed. Kagigising ko lang at ito ngayon ay nakatitig ako sa sarili kong repleksyon. Hindi ko alam kung anong magic ang inilagay nila sa damit na suot ko.

It's a see through na nude colored sleepwear na lumampas lang ng kaunti sa puwitan ko. Kitang-kita ang balat ko dahil sa suot ko na damit pero yung nippies ko ay hindi nakikita kahit na wala namang nipple pad ang laced part nito na nakatapat sa dibdib ko. Spaghetti strapped pa ito at pati ang laylayan ay may lace na nagsisilbing disenyo.

I mean, wearing this kind of clothes is not really that bad. Komportable naman suotin at hindi makati sa balat. Saka napasarap nga ang tulog ko dahil presko ang suot ko.

Bumaba na ako at napailing na lang nang mamataan ang lalaki na hindi tumabi sa akin kagabi. Hinihilot nito ang sariling batok habang nakaupo at may nakapatong na laptop sa hita nito at abala sa pag-tipa ng kung ano.

Nilapitan ko ito. Napapitlag pa siya nang hawakan ko ang kaliwa niyang kamay na gamit niya pangmasahe sa sariling batok. Bahagya niya akong nilingon at kaagad na binawi ang kanyang kamay na hawak ko.

Kahit na wala siyang sinabi, minasahe ko ang batok niya. Hindi sinasadya na masulyapan ko ang laptop na kanyang hawak. Nanalim ang mga mata ko nang makita ang nandoon.

Ka-chat niya si Sasha.

Inalis ko sa isip ang nakita. Nag-focus ako sa pagmamasahe sa kanyang batok. Malamang ang sumakit ito dahil hindi komportable ang kanyang tulog sa sofa kagabi. Kung bakit naman kasi hindi siya nahiga sa tabi ko kagabi.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang unti-unting pagsandal ng kanyang ulo sa sandalan ng sofa. Bahagya na siyang nakatingala kaya naman nasisilip ko na ang kanyang mukha. Nakapikit na siya, malamang ay dinadama ang masahe ko.

Nakatitig lang ako sa pilikmata niya na mahahaba habang patuloy na minamasahe ang kanyang batok. Natigilan ako nang dumilat siya at nagtagpo ang aming mga mata.

Hindi kagaya ng gulat sa aking mga mata ang laman ng sa kanya. Malamlam ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.

Natigil ang paghilot ko nang umayos siya ng upo at inilayo ang kanyang ulo. Deretso ang kanyang tingin sa tv na nakapatay kung saan nakikita ang repleksyon naming dalawa.

“Pinakulayan mo ang buhok mo,” putol niya sa mahabang katahimikan na namutawi sa amin.

I didn't know how to respond. I don't know how. Maybe I forgot how to properly respond. Or maybe his statement does not deserve to be replied to.

“It suits you, to be honest. I would be a liar if I told you it doesn't look good.”

“Thanks. I was actually scared before getting my hair dyed.”

“Why?”

Napatingin ako sa kanya, partikular sa kanyang ulo dahil iyon lang ang nakikita ko ng maayos dahil nakatayo ako habang siya ay nakaupo.

“Why did you suddenly change your hair color?” tanong nito.

I can't tell him the real reason.

“I got bored,” sagot ko. “Normal naman sa mga babae iyon. Yung iba nga lang ay naggugupit ng bangs na pagsisisihan nila samantalang ako nagpakulay at nagpagupit lang.”

“Bored ka din ba kaya ganyan ang pananamit mo?”

Natigilan ako sa sunod niyang tanong. Napatitig ako sa tv na nasa harapan. Deretso pa din ang kanyang tingin ngunit hindi ko malaman kung pinagmamasdan niya ba ang reaksyon ko gamit ang tv.

Am I bored? I can say that I was just trying things. I indeed am. I want to try something new and it includes wearing clothes like this.

“Nope.”

“You can't walk around here wearing a thin piece of clothes to cover you. May lalaki kang kasama,” mariing sambit pa nito habang deretso pa rin ang tingin.

“Wala kang pakialam sa kung ano ang suotin ko. Ayaw mo makita? Magtakip ka ng mga mata,” mataray na sagot ko sa kanya.

Tinalikuran ko na siya at walang imik na tumungo sa kusina. Sira na ang araw ko. Sirang sira na ang buong araw ko at idadamay ko ang sa kanya.

“Are you seducing me?” pahabol na tanong niya pa na ikinatigil ng paglakad ko.

“If it's working then yes,” sagot ko at nagpatuloy.

Mabilis ako na nagsalang ng kakainin ko. Akin lang. Hindi ako kumakain ng almusal pero dahil sa na-bwisit ako ng husto sa kasama ko sa bahay ay parang gusto ko lumamon para mabawasan ang inis ko kahit paano.

Nang matapos akong magsalang ng instant noodles ay lalong sumiklab ang inis ko dahil pag-ikot ko para maupo na sa lamesa ay nahagip siya ng mata ko. Akala ko ba ayaw niya na maiksi ang damit na suot ko? Bakit siya nakasunod?!

“Iyo lang niluto mo?”

Kumibot ang sentido ko sa tanong niya. Ano ba ang meron sa lalaking ito ngayon at masyadong nakakakulo ng dugo?!

“Hindi ba halata?” pilosopong tanong ko. Yan ang hirap sa mga tao e. Halata na nga, nagtatanong pa.

Dumertso na ako sa lamesa. Ipinatong ko ang hawak na mangkok na may laman na lutong noodles at naupo sa upuan. Sa pinakadulo ako ng lamesa banda nakapwesto dahil ayoko muna maglalapit sa bwisit na nasa harapan ko.

But he walked towards the opposite end of the table. Katapat ko na siya. Itinukod niya ang kanang kamay niya sa lamesa at kumiling paharap. Dahilan para bumakat ng husto sa kanyang braso ang mga ugat niyang galit na galit.

“Drop that attitude before I knock that off of you,” malalim na boses na sambit niya.

Agad ko na naibuga ang pagkain na naisubo ko matapos na marinig iyon. Napaubo pa ako habang pilit na naghahabol ng hininga dahil sa pagkasamid. Hindi makapaniwala na napatitig ako sa kanya. Seryoso ang kanyang mga mata kaya masasabi ko na hindi siya nagbibiro.

Seryoso ba siya? May Sasha na siya ah! May kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Nagbaba ako tingin. Ibinalik ko ang tingin sa pagkain ko at muling kumain. Hindi ko na siya pinansin pa at hindi ko na din alam kung ano ang kanyang ginagawa. Kung binawi niya man ang kamay niya ay hindi ko na alam.

Kaunti na lang ang pagkain sa mangkok ko nang makarinig ako ng may nabasag. Agad akong napa-angat ng tingin ngunit mula sa pwesto ko ay wala akong nakikitang kakaiba. Ang akala ko ay isa lang iyon.

Napatayo na lang ako nang magsunod-sunod iyon kaya mabilis ko na tinungo ang daan papunta sa sala. Napako ako sa kinatatayuan nang makita ng mga mata ko ang kalagayan ni Zach.

Duguan ang kanyang kanang kamao na mahigpit na nakakuyom. Bumaba ang tingin ko sa tiles at napa-awang na lang ang labi ko nang makita na pumatak na din doon ang dugo sa kamay niya!

“Zach!” sigaw ko sa kanya. Wala pa rin siyang tigil sa pagsuntok sa mga bagay na kanyang makikita. Gusto ko man siyang lapitan at pakalmahin ay hindi ko magawa! Natatakot ako na baka pati ako ay masuntok niya! “Zacharius!” muling sigaw ko. Sa pagkakataon na ito ay tumingin siya sa akin. Humarap sa akin ang mukha niya na puno ng sakit.

Ang kanyang itim na mata ay kababakasan ng kirot at pagtitimpi na hindi ko alam kung para saan. Ang dulo ng ilong niya ay namumula dahil sa kanyang pag-iyak.

Akala ko ay tapos na. Hindi pa pala. Tinadyakan niya ang malaking vase na katabi lang ng TV na dahilan ng pagkabasag nito.

Kasunod non ay ang pagbagsak ni Zach sa sahig.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon