Chapter 15

772 13 0
                                    

Hawak ang dalawang malaking maleta na laman ang lahat ng damit na ginamit ko sa magkabilaang kamay, malungkot ko na nilingon si Sean. Mataman lang siyang nakatingin sa akin, walang pagtutol, walang pagpigil sa akin at sa desisyon ko.

“Sigurado ka na hindi na kita kailangan ihatid sa inyo?” Ngumiti ako sa kanya. All of the years have passed, palagi niya na lang akong inaalala. Palagi nila akong inaalala.

“Ayoko na maka-abala pa sayo. Saka may sakayan naman ng UV express sa terminal na bababaan ko. Hindi mo na kailangan mag-alala.”

Bumuntong hininga siya at tumango. “Ingat kayo. Text ka na lang kay mama kapag nakauwi na kayo.”

Tumango ako at tinalikuran na siya. Nailagay na ang dalawang maleta ko sa compartment ng bus kaya pumasok na kami sa loob. Wala gaanong sakay ang bus kaya malaya makapili ng pwesto. Sa bandang harapan lang kami pumwesto para hindi na magitgit kung sakaling dumami ang sakay.




MATAGAL ANG naging biyahe. Nang huminto na ang bus ay bumaba na kami. Mabuti na lang dahil katabi lang ng babaan ang sakayan ng UV express. Tatlo ang binayaran ko na pamasahe, para hindi ako mahirapan sa kung saan ko ilalagay ang dalawang maleta na mabigat pa sa akin.

Nang magsimula itong umandar ay naramdaman ko ang pagsandal ng maliit na katawan sa akin. Nakatulog ang bata na ngayon ay nakasandal sa akin. Malayo pa naman ang babaan kaya pinabayaan ko na lang, baka pagod.

Isinuot ko ang earbuds sa kabilang tenga at magpatugtog na lang para malibang kahit paano. I want to ignore the thought that I'm going back and the possibility for our paths to cross again is huge.

I walked across an empty land.

I knew the pathway like the back of my hand.

Tumingin ako sa bintana. Habang papalapit ng papalapit ang sinasakyan ko sa gate ng subdivision ay para akong kinukuhanan ng hininga. It's been almost three years since I last stepped on the asphalt road of the subdivision.

Ano kaya ang magiging reaksyon nila mom at dad kapag nakita nila ako ngayon? Wrong timing kaya ang biglaan kong pagdating?

Napalunok ako. Huling kita nila sa akin, ginger color pa ang buhok ko. Tumubo na iyon kaya kulay itim na uli ang buhok ko pero maiksi na lang. Pinagupitan ko ng hanggang balikat lang ang haba.

Gising na ang bata na nakasandal sa akin kaya pinatay ko na ang tugtog at itinago ang earbuds. Isa pa ay malapit na sa subdivision. Kaunti na lang.

Huminto ang UV sa tapat ng subdivision at bumaba na kami. Naglakad lang kami papasok dahil hindi naman kalayuan ang bahay namin sa gate. Mga ilang block lang ay kayang lakarin kahit pa may bitbit na malalaking maleta.

Napalunok ako nang nasa tapat na ako ng gate. This is it. But I can't move my finger to press the doorbell. Malakas ang pintig ng puso ko, tila may balak lumabas sa dibdib ko. Maging ang tuhod ko ay nanlalambot dahil sa kaba na hindi ako tanggapin ng mga magulang ko ngayon.

Nanginginig ang kamay ko nang pindutin ko ang doorbell. Bahala na. Linggo ngayon, malamang ay nandito sila mom and dad dahil araw ng pahinga nila ngayon.

Ilang saglit pa ay lumabas si dad sa pintuan. Napatigil ito sa paghakbang at tila na-estatwa sa pintuan. Nakagat ko ang pang-ibabang labi, saka ngumiti ng alanganin at napakamot sa pisngi.

Na-estatwa rin ako nang marinig ko ang boses ni mom sa loob. Nagtatanong kung bakit ang tagal ni dad at kung sino ang nasa pintuan.

Mula sa gilid ni dad ay sumilip si mom na natigilan rin nang makita ako. Oh, shit. Hindi ba sila masaya na nandito na ang anak nila at nakauwi na?

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon