Chapter 18

738 8 0
                                    

“What happened?” bungad na tanong ni mom nang makita ang mugto ko na mga mata.

Sean cleared his throat. Luminga muna ito sa paligid bago nagsalita. “She saw him.”

“Who?” tanong ni Ninang Bel.

Napasinghap si mom. Naupo ako sa sofa at nakagat ang pang-ibabang labi. “Si Zach?” bulong ni mom na tinanguan ko lang.

“And who's Zach?” tanong ni Ninang Bel na halatang naguguluhan sa nangyayari.

“Lianna’s father,” sagot ni mom. Ako naman ay napabuntong hininga na lang sa gilid. Nagkita na kami. Ano na ang susunod? Hindi malabo na magpapakita siya dito at gambalain ako. Ayoko na makita niya si Lianna. Hindi, hindi pwede at hindi iyon mangyayari.






NANG DUMILAT ako ay agad kong tinignan ang paligid ko at ang gilid ko. Napabuntong hininga na lang ako nang makita na nandito ako sa kwarto ko at ang anak ko ang katabi ko.

So just like every other day in the past years? When I wake up, only to realize that I am not in his house, and he's not beside me.

It's been three days since he last showed up. I was expecting him to show up in our house but he didn't. It's not that I am waiting for him to show up, I'm just expecting him to be here.

Matapos namin magkita sa mall, hindi na muling nag-krus ang landas namin. Kung umiiwas siya sa akin, maganda. Pero kung nananahimik siya ngayon dahil naghahanda siya sa muling pag-kikita namin, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Umukit ang maliit na ngiti sa labi ko nang dumilat na ang katabi ko. Kumurap-kurap pa ito bago tuluyang bumangon.

“Morning, mama.”

“Good morning,” sagot ko at sinundot-sundot ng tagiliran nito. Tumawa naman ito ng malakas at nagpagulong-gulong sa higaan.

Nang tumigil ako sa pagkiliti sa kanya ay huminga ito ng malalim at muling bumangon dahil napahiga ito nang kilitiin ko.

“Mama.”

“Hmm?”

“Bakit po ikaw, may papa tapos kasama natin. Nasaan po ang papa ko?” Natahimik ako. Ito na yon, ang araw na kinatatakutan ko at ang araw na ayaw kong dumating. Naghahanap na siya ng ama.

Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako para sa anak ko, sa magiging reaksyon ng tatay nito. Pagdating kay Lianna, gagawin ko ang kahit na ano. Isasantabi ko ang sarili para lang maibigay ko ang hinihingi niya.

Handa akong harapin muli si Zach at ipaalam na may anak ito, kung iyon ang ikasasaya ng bata. Pero paano? Paano ko haharapin ang tao na matagal ko nang tinalikuran? Paano ko sasabihin sa tao na yon na may anak siya, bagay na ayaw niya magkaroon dati?

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Handa ako na kalimutan ang sakit, pait, at hirap na dinanas ko noon basta ang kapalit ay sasaya ang anak ko. Kahit na ano para sa anak ko.

Inabot ko ang cellphone ko na nasa bedside table. Unang beses ko ulit na bubuksan ang social media accounts ko matapos ang halos tatlong taon na naka-deactivate ito. Huminga ako ng malalim bago pindutin ang log in.

Agad ko na hinanap ang account ni Zach. Noong nagpakalayo-layo ako, wala akong balita sa mga ganap sa buhay niya. Hindi sa wala akong pakialam, inuna ko lang ang sarili ko na napabayaan ko dati noong magkasama kami para lang unahin siya. Wala siyang gaanong post sa account niya. Puro tagged photos ang mga iyon ngunit palagi siyang nasa litrato.

Ang ilan sa mga yon ay nakasimangot, walang emosyon, o kaya ay stolen photos na halata namang wala siyang pakialam sa paligid. Wala sa mga yon ang nakangiti siya.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon