KABANATA 10 "PAGSASAMA"

197 6 0
                                    

[KABANATA 10] "PAGSASAMA"

KINAUMAGAHAN ay nagising na si Austin masigla ito na para bang hindi ito na aksidente kaya naman labis ang ngiti ni Kiendra para sa anak niya.

"Si Uncle?"naglaho ang ngiti niya dahil sa sinabi ni Austin, napalingon siya sa pinto kung saan matyigang naghihintay si Amir doon, hindi ito umuwi sa mansion at dito na tulog sa hospital ganun din siya.

"Nasa labas lang siya"saad niya sabay lingon kay Austin.

"Gusto ko siyang makita mama pagbili ako ng Pizza yung maraming cheese"natawa siya sa inasal nito, hinaplos niya ang buhok ng anak niya.

"Sige tatawagin ko siya"nang makatalikod na siya ay naglaho ang ngiti niya. Totoo ang sinabi niya na ayaw niyang makita si Amir dahil bumabalik ang lahat ng alaala niya sa lumipas na siyam na taon. Pagkabukas niya ng pinto ay agad tumayo si Amir.

"May problema ba Kiendra?"tumikhim siya.

"Gusto ka makita ni Austin"

"Salamat Kiendra"agad siyang lumayo ng yayakapin siya nito.

"Pasesnya"paghingi ng tawad ni Amir, agad siyang pumasok sa kwarto. Tuwang-tuwa si Austin ng makita siya ganun din siya, labis ang pag-aalala niya sa anak niya. Nakuha niya pa itong halikan sa noo na maslalong nagpatamis ng ngiti sa anak niya.

"Daddy"nagulat siya sa sinabi nito kahit si Kiendra ay nagulat. Ngumuso si Austin dahil nung gabi na nag-uusap ang mga magulang niya ay gising siya at narinig niya ang lahat ng mga pinag-usapan ng mga ito. Nagkunwari siyang tulog para nakapag-usap ng maayos ang mga magulang niya.

"Narinig ko kayo"sabay sipol niya, niyakap siya ni Amir.

"I'm sorry son"naiiyak na saad ni Amir.

"Galit ako dahil sa ginawa mo kay mama kung kaya ka niya mapatawad, mapapatawad din kita"pinagkinggan niya lang ang anak niya.

"Susuyuin ko ang mama mo at hindi ako magsasawa na gawin yun"napangiti si Austin ganun din si Kiendra. Kung hindi niya pabibigyan ng pangalawang pagkakataon si Amir ay malulungkot ang anak niya at ganun din siya. Malaki ang kasalan nito sa kanya pero bumawi naman ito sa kanya. Binigyan niya ng panglawang pagkakataon si Amir na pumasok sa buhay nilang mag-ina para sa anak niya nasabik na mabuo ang pamilya nila. Lumipas ang isang linggo ng makauwi na sila sa mansion ay ginawa talaga ni Amir ang lahat. Sinuyo siya nito binigay ang lahat ng hiling niya.

Ang mga ATM at CHEKE na binigay sa kanya ni Amir ay inubos niya lang ng isang araw gusto niyang gumanti sa ganung paraan na makikinabang siya. Napag-alaman niya rin na ang dating asawa nito ang may gawa sa pagbundol sa anak niya. Nang makita niya ito sa presinto ay sinabunutan niya ito at ilang beses na pinagsasampal. Ginawa rin ni Amir na talikuran ang pangiging Samonte niya kahit wala na ito sa kompanya ng pamilya niya ay mayaman parin ito at hindi mauubusan ng pera.

"Amir ubos na yung pera ng ATM"sabay taas niya ng kilay kay Amir, pumasok siya sa opisina nito na nandito lang sa mansion. Inalis nito ang makapal na salamin at matamis na ngumiti kay Kiendra.

"900 million ang laman ng ATM nayan Kiendra naubos mo ng isang araw?"napairap siya sa sinabi ng binata.

"Hihingi ba ako sayo kung may laman pa itong ATM mo bakit Amir ginigipit mo na ba ako?"medyo galit na tanong niya agad itong napatayo at mabilis siyang niyakap.

"Hindi Kiendra ubusin mo na ang lahat ng pera ko wag mo lang akong iwan"nateteme siya, naiinis siya sa sarili niya dahil bigla siyang lumalambot sa tuwing nagpapaliwanag sa kanya si Amir.

"Iwan ko sayo bitiwan mo na nga ako"inis na saad niya, tumawa lamang ito ng umalis sa pagkayakap sa kanya. Tinalikuran nya ang dalaga at kinuha ang limang ATM card na naglalaman ng 900 million bawat isa, agad niya ito binigay kay Kiendra, napangsuso na tinanggap ng dalaga ang limang card.

"Salamat sugar Daddy"asar niya kay Amir.

"Fuck Kiendra don't call me that"suway niya dito dahil kakaiba ang dulot non sa buong sistema niya para siya nitong naaakit.

"Bakit toto naman na Sugar-"hindi na natapos ni Kiendra ang sasabihin niya ng isang hakbang ay hinalikan na siya ni Amir sa mga labi. Puno iyon ng pananabik ang tagal narin niyang hindi na naramdaman ang mga labi ni Amir sa labi niya, simula kasi malaman niya ang katotohanan ay talagang todong iwas siya kahit binigyan niya naman ito ng Second chance na pumasok sa buhay nilang mag-ina.

Nabitiwan ni Kiendra ang limang card na binigay ni Amir sa kanya at napapikit siya. Pinulupot niya ang mga braso niya sa leeg ng binata, napasinghap siya ng bigla siya nitong kinarga, naglakad ito papunta sa lamesa hanggang sa narinig niya nalamang ang mga gamit na nagbasakan. Dinilat niya ang mga mata niya basag ang laptop na nasahig dahil sa paghawi Amir doon.

Bumaba ang halik ni Amir sa panga niya hanggang leeg niya.

"Amir"tawag niya dito ng maramdaman na binababa nito ang zipper ng dress niyang suot.

"Magsho-shopping pa ako"halinghing niyang saad.

"Bukas nalang Kiendra bibilhin ko na ang mall para sayo"mahina niya itong hinampas dahil sa sinabi nito. Na-alala niya na sinabi niya sa binata na gusto niya ng isang beach resort, nagulat nalang siya ng lahad sa kanya ni Amir ang isang titulo ng resort na nakapangalan sa kanya. Lahat ng sinasabi nya ay binibigay agad ni Amir. Hinayaan niya nalang ang sarili niyang katawan na sumunod sa gusto ni Amir.

Sa lumipas na araw ay nag pro-pose sa kanya si Amir dinala siya nito sa isang cruise ship na renagalo para kay Austin. Iyak siya ng iyak dahil na sopresa siya sa mga ginawa nito.

"Yes Amir"saad niya agad siyang niyakap ng binata at paulit-ulit na hinalikan ang mga labi nito. Tama lang ang desisyon niya na binigyan niya ng pangalawang pagkakataon si Amir dahil kita niya sa mga mata ng anak ang labis na kasiyahan lalo ng ikasal sila at ng malaman na buntis siya.

"Kiendra thank for everything, salamat dahil binigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon na pumasok sa buhay niyo ni Austin lalong-lalo na sayo"naiiyak na saad ni Amir nakaluhod ito kay Kiendra at pinapakinggan ang tibok ng puso sa tiyan ng dalaga kung nasaan ang pangalawang anak nila.

"Salamat din Amir dahil binigay mo sa amin ni Austin ang mundo mo, nakuha mong talikuran ang mga magulang mo para sa amin, mahal na mahal kita Amir"naiiyak na saad ni Kiendra inabot niya ang pinsgi ni Amir at pinunasan ang mga luha nito.

"You are my Desire Keindra ikaw lang ang hinahangand kung babae sa buhay ko wala ng iba, nabubuhay ako para sayo"sabay abot niya ng labi ni Kiendra at hinalikan iyon.

Maraming mga babae ang dumating sa buhay niya pero si Kiendra lang talaga ang gusto niya wala ng iba. Lumipas man ang ilang taon si Keindra lang ang mamahalin niya.

Ang pagnanasa niya Kay Kiendra ay unting-unting lumalalim.

THE BILLIONAIRE DESIRE [DESIRE SERIES 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon