KABANATA 4 "KATOTOHANAN"
PATAKBONG umakyat ng hagdan si Kiendra para puntahan ang kwarto ng kanyang anak, ng makapasok sya agad nyang linapitan si Austin.
"Aalis na tayo"
"Mama"tawag ni Austin sa kanya, kinuha nito ang hawak na cellphone na binili ni Amir para sa anak nya ng makuha nya iyon ay malakas nyang tinapon sa pader ang cellphone dahilan para umiyak si Austin.
"Mama"maslalong lumakas ang iyak nito ng hinila nya ito palabas ng kwarto.
Manloloko!
Yan ang sinusumbat ni Keindra sa kanyang isipan para kay Amir na ngayon biglang humarang sa harapan nila.
"Mag-usap tayo"seryosong saad nito ngunit matalim lamang syang tinignan ng Kiendra.
"Ayoko ko"sigaw nya at tinulak si Amir pero makulit ang binata.
"Austin go to you room mag-uusap lang kami ng mama mo"tumango naman si Austin at kumalas sa kamay ni Kiendra mabilis itong tumakbo papuntang kwarto.
"Ano ba bitiwan mo ako"pagwawala ni Kiendra ng hawakan sya ni Amir sa braso at hinila papasok sa kwarto nilang dalawa. Hindi makakapayag si Amir na aalis ang dalaga hindi pa nga ito tumatagal sa poder nya tapos aalis na agad.
"Makinig ka ng mabuti Kiendra"
"Makinig sa ano sa mga kasinungalingan mo"bulyaw ng Kiendra.
"Amir ginamit mo ako para maiwan mo ang asawa mo"dagdag pa nito, umiling si Amir dahil walang katotohanan ang sinusumbat sa kanya ng dalaga kung alam lang nito ang totoo.
"Hindi ganun"paglalaban nya.
"Listen Kiendra wala ka pa ay matagal na akong nagsampa ng divorce paper"
"Kaya gumawa kanang paraan at ginamit mo-"hindi natapos ni Kiendra ang sasabihin nya ng magulat sya ng sinuntok ni Amir ang pader.
"Hindi kita ginamit totoo lahat ng sinabi ko, binili kita para mapa-alis sa lugar na iyon yung mga sinabi ko kanina ay lahat ng yun ay totoo buong buhay ko Kiendra para akong robot na sunod-sunuran sa mga magulang ko pero pagdating sa nararamdaman ko ay hindi nila pwedeng diktahan"nakayuko lang sya habang sinasabi ang mga iyon sa dalaga.
"Marami akong sekreto na hindi ko masabi sayo dahil hindi pa ako handa, pero isa lang ang sasabihin ko na ayoko nang itago, gusto kung subukan na mahalin ka Kiendra, ng makita kita may kakaiba ako nararamdaman para sayo, sabi ko sa sarili ko magiging akin din ang babaeng yan at ikaw iyon Kiendra, I'm wanna spend my whole life for you"hindi naka-imik ang dalaga dahil tulala parin sya sa pag-amin ni Amir.
"Kaya sinasabi ko sayo naturuan mo akong mahalin ka o hindi kaya hayaan mo akong mahalin ka"dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
THE BILLIONAIRE DESIRE [DESIRE SERIES 2]
Storie d'amoreDalagang Ina si Kiendra kaya hindi niya maipaliwanag kung bakit sa dami-dami na mapapansin ni Amir bakit siya pa, binili siya nito at nangako na ibibigay ang lahat ng meron ito para sa kanya yun pala ito pala ang gumahasa sa kanya at ang ama ng anak...