KABANATA 1 "ALOK NG BILYONARYO"

182 5 0
                                    

[KABANATA 1] ALOK NG BILYONARYO

NAPUNO ng usok ng sigarilyo ang buong paligid ng bar, kanda ubo si Kendra dahil nalalanghap nya ang usok.

"Mukhang magkaka lung cancer pa ako nito." pagrereklamo nya, bitbit nya ang isang tray kung saan nasa ibabaw nito ang mga mamahaling inumin. Sa umaga ay isa syang waiter sa La Luna Bar at paggabi naman sya isa syang comfort woman. Sa edad na 14 years old ay nagkaroon na sya ng anak dahil biktima sya ng rape at ngayong 23 na sya ay mas pinili nya nalang mag trabaho kaysa mag-aral dahil wala namang tutulong sa kanya kundi ang sarili nya. Dahil sa kahihiyan na dinala nya sa pamilya nya ay tinakwil sya kahit wala naman syang kasalan.

Kaya sa tuwing makikita sya ng mga ka batchmate nya nung highschool ay pinagtatawan sya at iniinsulto kulang nalang ay duruan sya. Dahil palaban syang babae ay paulit-ulit nya rin sinasabi sa mga ito na walang masamang maging batang-ina dahil hindi nya naman kasalan kung bakit maaga syang nabuntis kasalan ng mga lalaking walang awa na pinagsasamantalahan ang babaeng mahina na tulad nya pero ngayon ay lumalaban na sya para sa anak nya. Kung puro kahinaan lang at iyak ang gagawin nya ay hindi naman maibabalik ang lahat, magugutom lang silang mag-ina.

Naging bayaran syang babae na hindi naghuhubad dinadamayan nya lang ang mga kleyente nya sa mga problema ng mga ito o hindi kaya niyaya syang i-date. Dahil magaling syang sumalo ng problema ng iba pero sarili nyang problema ay hindi nya masalo. Napatigil sya sa paglalakad ng matanaw nya na naman ang asul ng mata ng binata. Simula ng mag trabaho sya sa La Luna Bar ay palagi nya itong nahuhuling nakatingin sa kanya.

Gwapo ito, maskulado, moreno, matangkad at higit sa lahat bilyonaryo paano nya nasabi dahil ng unang beses nya itong hatarin ng inumin ay nakita nya ang mamahalin nitong relo na Graff Diamonds Hallucination nagkakahalaga ng $55 million paano nya nasabi dahil naging sales lady narin sya sa isang mall. Ang suot nitong suit isang Stuart Hughes Diamond Edition na nagkakahalaga ng $892,500 naging racket nya rin ang maging model kaya alam nya ang mga bagay na mamahalin at peke.

Kinalma nya nalang ang sarili nya dahil ramdam nya ang intense sa buong sistema nya sa tuwing nahuhuli niyang nakatingin sa kanya ang binatang bilyonaryo.

"Enjoy sir." saad nya sa isang customer na luluwa na ang mata kakatingin sa boobs nya. Tinakpan nya iyon ng gamit ang tray na hawak nya at dahil doon ay natauhan ang customer nya.

"Magkano ka Miss?" tanong nito napangisi sya at tinignan ang relo na mabili nya sa palengke sa halagang 250 pesos.

"8:00 pm pa po ang duty ko sir pasensya na." magalang nyang saad at tumalikod sya pero napahinto sya ng maramdam nya ang paghampas nito sa matambok nyang pang-upo. Naka suot sya ngayon ng black tube na pinarisan nya ng maiksing skirt na pag-umupo sya ay makikita na ang sikling na suot nya. Kinalma nya ang sarili nya para wag nyang sampalin ang bastos na customer. Binalewala nya nalamang ito at pumanta sa counter doon lang sya sunod-sunod na nagmura.

"Relax Kiendra." pagpapakalma sa kanya ng kaibigan nyang bakla na waiter din tulad nya.

"Ang sarap hambulusin nitong tray ang pagmumukha ng pangit na iyon akala mo gwapo"hinaing nya lumapit sa kanya ang kaibigan at bumulong.

"Nakatingin na naman sayo si asul"tukoy nito sa binata.

"Wag mo na nga syang pansinin"suway nito sa kabigan.

"Hoy bakla lapitan mo hingin mo number mukhang interesado sayo kung makatingin kasi parang lalamunin ka ng buhay pero okey lang dahil gwapo at yummy plus point bilyonaryo pa"mahina syang hinampas ni Kiendra dahil sa pinagsasabi nito. Hindi nya napigilan na kagatin ang pang-ibabang labi nya at lingunin ang binata. Muntik na syang mahulog sa kina-uupaan nya dahil sa intense nitong pagtitig sa kanya.

THE BILLIONAIRE DESIRE [DESIRE SERIES 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon