Hindi na mapakali si Axel sa kinauupuan. Kapag hindi pa dumating si Raven sa loob ng dalawampung minuto, siguradong mahuhuli na sila sa kanilang flight. Ang mga katabi niya sa departure area ng domestic airport ay iba na ang tinging ipinupukol sa kanya. He wanted to scream at them to mind their own business but he controlled himself.
"Damn it, Raven!" bulalas niya.
Lihim niyang pinagalitan ang sarili. This was all his fault. Kung hindi ito makakarating ngayon, siya ang may kasalanan niyon. Nang ibigay kasi niya rito ang memo tungkol sa conference sa Davao, agad niyang nakita ang matinding pagtutol sa magandang mukha nito. She was obviously bothered by something else. But for his own selfish reasons, he managed to force her to go to the conference without her noticing it.
"Raven, nasaan ka na?" mahinang usal niya.
Narinig na niya ang first call para sa kanilang flight. He stood up and started pacing the floor, mumbling to himself.
"I blew it! I knew I blew it this time." Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga tao sa kanyang paligid. "Dahil sa mga kagaguhang pinaggagagawa mo no'ng una pa lang, tuluyan na siyang mawawala sa iyo, Axel Drake."
Damn! But he had wanted that woman ever since. Kaya walang sino man ang maaaring humusga sa kanya. Everybody fell in love sometimes.
But not everyone fell in love once... and again with the same woman.
He did though at gagawin niya ang lahat para dito. Now that he had found her, he wouldn't let her go until he found out that there was really nothing there for both of them.
"Raven!" Nakita niya itong naglalakad patungo sa kanya. At lahat ng pangamba niya ay naglaho. Pati ang mga pagninilay-nilay niya kanina ay hindi na niya pinansin pa.
All that he cared about was this woman.
WALA na talagang balak si Raven na tumuloy pa sa Davao. And she was about to leave the airport when she saw Axel coming her way. Bahagyang naglaho ang kabang nararamdaman niya.
She could do this. Nariyan lang ito at alam niyang maaasahan niya ito na hindi siya pababayaan.
"Where have you been?" Halata ang pag-aalala sa tinig nito. "Kanina pa kita hinihintay rito."
"S-sorry. Na-traffic lang ako." Inilipat niya sa kabilang kamay ang nag-iisang bagaheng kanyang dala. Pawisan na ang mga palad niya sa tensiyong nararamdaman.
"Ako na ang magdadala niyan," alok nito.
"Hindi, kaya ko na ito."
May pagtataka sa ekspresyon ng mukha nito nang tingnan siya. Hindi niya ito masisisi. Kakaiba naman talaga ang ikinikilos niya. Even her voice seemed a little shaky.
"Are you all right, Raven?"
"I'm fine," pagmamatapang pa niya. Hindi niya hahayaang kaawaan siya nito o ng kahit na sino. "Tinawag na ba ang flight natin?"
"Oo—"
"Let's go." Humawak siya sa braso nito. She felt a little better. "Let's go, Axel."
The moment she entered the plane, different strong emotions swirled inside her head. Pero ang pinakamatindi sa mga iyon ay takot. Humigpit ang hawak niya sa braso nito. Hindi siya bumitiw hangga't hindi sila nauupo sa kanilang puwesto.
She puffed out a shaky sigh.
"First time?" he asked, putting on his seat belt. "Don't worry, ganyan talaga ang mga first timers. Ako nga no'ng unang beses na sumakay sa eroplano, I almost fainted."
Tiningnan niya ito. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
"It's true." Tila nabasa nito ang nasa isipan niya. "Pero after that first ride, naging okay na ang lahat. Ang kailangan lang ay kumalma."
BINABASA MO ANG
Once And Again - Sonia Francesca
Romance"Minamahal kita kahit wala ka sa tabi ko... kaya makasisiguro kang mas mamahalin kita ngayong naririto ka na. Welcome back to my life again."