Chapter 9

519 12 2
                                    

"NATAWAGAN ko na si Byron. Pumayag na siyang ipahiram ang yate niya." Diretso ang tingin ni Axel sa kalsada habang nagmamaneho. "Iyon na ang sasakyan mo pagbalik sa Manila."

Nawala ang antok at pagod na nararamdaman ni Raven. What was he talking about? Kabababa pa lamang nila ng eroplano, heto at pagbalik na sa Manila ang pinag-uusapan nila. Nagtatampo na naman ang puso niya.

Wala man lang bang naging epekto rito ang nangyari sa eroplano kanina? Kaya ba ganoon na lang ang kagustuhan nitong makalayo agad sa kanya?

"Ayoko na munang pag-isipan iyan, Axel. Ang gusto ko lang sa ngayon ay makapagpahinga agad." Kung ayaw na siya nitong makita, fine. "Malayo pa ba ang hotel?"

"Sa bahay ka na lang magpahinga." Seryoso pa rin ang tinig nito. "May bahay kami rito sa Davao."

"Salamat pero doon na lang ako sa pagdadausan ng conference magpapahinga. Naroon na rin naman siguro ang ibang taga-Elite," giit pa niya.

"Walang magaganap na conference, Raven."

"What?"

"Hindi totoo ang conference." Inihinto nito ang sasakyan sa gilid ng highway na dinaraanan nila. He continued talking without looking at her. "The conference, the memo, this car... these are all parts of my plan." Sa wakas ay nagawa na rin nitong tumingin sa kanya. "I've set you up para mailayo ka sa mga kaibigan ko."

"What?" aniyang hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Emotions swirled through her, making her feel numb. "You set me up? I-I don't get it."

"I do."

Wala pa rin siyang maisip na dapat sabihin o maramdaman. As it turned out, she just ended up staring at him. Tila naman hindi ito nakatagal kaya lumabas ito ng sasakyan at tinanaw ang malawak na palayan sa gilid ng highway na iyon. Hindi nagtagal ay lumabas din siya ng sasakyan.

"Hindi ako kasimbait gaya ng iniisip mo, Raven," anito. "Ang totoo, mula nang magkita tayong muli ay wala na akong ginawa kundi ang i-manipulate ka according to what I want. Hindi totoo na kailangan ko ang tulong mo as my girlfriend para lang tigilan na ako ng mga magulang ko sa pagpupumilit na magkaroon ako ng steady girlfriend. My parents never really demand anything from me, especially when it comes to my personal life. Gawa-gawa ko lang ang lahat ng iyon para mapilitan kang tanggapin ang tulong ko.

"Para magkaroon ako ng pagkakataong makalapit sa iyo. Para mabura ko ang galit sa puso mo at nang maipadama ko sa iyo ang totoo kong nararamdaman. I couldn't tell you my feelings until I made sure na wala ka nang galit sa akin. Ginamit ko ang lahat ng opportunity na mayroon ako para mapalambot ang puso mo, Raven. Lihim ang lahat ng iyon hanggang sa umeksena ang mga kaibigan ko. I know my friends. They can charm any woman they want. Kaya inilayo kita sa kanila. I want you all for myself."

Saglit itong natigilan at pagkatapos ay bigla na lang sinipa ang gulong ng kanilang sasakyan. "Damn! I was such a selfish rotten bastard! Dahil sa kagaguhan kong iyon, muntik na kitang naipahamak." Lumapit ito sa kanya na puno ng pagsisisi ang guwapong mukha. "Raven, I swear, hindi ko alam ang tungkol sa phobia mo sa eroplano. I'm sorry. I really am sorry." Kinabig siya nito at niyakap nang mahigpit. "You know I wouldn't do anything to hurt you."

Pakiramdam niya ay tuluyan na siyang nawalan ng pandama. His words were still echoing in her mind but she couldn't comprehend a single thought. But she could hear her heart beating. At least she knew she was still alive.

Unti-unti siya nitong pinakawalan.

"I realized my mistakes now," anito sa malumanay nang tinig. "Hindi kita puwedeng angkinin dahil may sarili kang isip at buhay. Pagbalik natin sa Manila, magiging normal na ulit ang lahat sa iyo. I will leave you alone."

Once And Again - Sonia FrancescaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon