Chapter 7

11 1 0
                                    

Three days passed after the uncertainties that happen in that tranquil of solace.

Tatlong araw na pero hindi pa rin magawang burahin ng aking isipan ang nangyari sa araw na yon, it was indeed an unexpected moment. That man awaken my interest and liven my curiosity....

With a sudden struck of time, we bid our goodbyes without knowing each others identity. And for that we remain as STRANGERS.

The occurrence is still vivid in my mind na parang kanina lang nangyayari. Hindi ko maiwasang gawing suliranin ang misteryoso niyang pagkatao. Hindi naman nakakatakot ang kaniyang mukha na aabot sa puntong mapagkalamang sindikato na naghahanap ng magagandang babae upang gawing bihag, in fact he looked like an angel that has fallen down from the sky because he violated a rule above.

Napangiti na lamang ako...

"Huyyyyy Yarie anong nginingiti ngiti mo dyan, may crush ka noh?!!!!"

"Wala ahh! Ikaw talaga Rachelle lahat nalang binibigyan mo ng meaning kaya ka madaling masaktan eh"

"Eh para kang sira ulo dyan ngumingiti mag isa, ano ka takas mental ganon?!"

Napakaingay talaga nito kung di ko lang to mahal iniwan ko na dito, kanina pa tumatalak mukha namang iwan.

Nandito kami ngayon sa kanilang bahay kasi gumagawa kami ng PowerPoint presentation para sa Media and Information Literacy namin, I'm glad kasi siya yung naka pair ko, ang bubo ko pa naman sa mga slides slides na yan.

Rachelle was my classmate since I was a freshman sa parehong paaralan na pinapasukan namin, we are not that close yet since magkaiba kami ng paaralan sa elementary pero as time goes by lalo nung nagka pandemya she was there by my side and suddenly became my best friend. Para siyang biglaang lindol na dumating sa buhay ko, nabigla na lang din ako kasi hindi ko inaasahan na siya yung kaibigan na masasandalan mo magunaw man ang mundo.

"Bhie bukas na lang natin to tapusin, madilim na kasi baka kung anong mangyari sakin pag uwi. What if may mga malolokong tao sa mga kantong madadaanan ko tas gagasahain ako"

"Aba loko to, ikaw ata yung tipong manggagahasa eh. Baka mabibigla na lang ako pag narinig na nandon ka sa presinto nakakulong kasi nanggahasa ng lalaking pogi. Diyos ko Yarie tigilan mo ako" asik niya.

"Ito naman napaka ano, sige na nga sibat na ako. Malay mo sa paglalakbay kong ito mahanap ko na si Mr. Right at icing sa ibabaw ng chocolate cupcake ko." pabiro ko namang sinabi.

"Shoo, uwi ka na gusto ko na ng katahimikan"

"Ito naman apaka harsh, sige na nga ba bye. Love u muah" sabay flying kiss.

Lumapit siya at bigla na lang ako niyakap..

"Ingat ka Yarie, chat mo ko pag nakauwi kana"

"Apaka drama naman nito, sige na baka magbago pa isip ko baka di ako makauwi nito, bye Bhie. See you tomorrow!" huling paalam ko bago nagsimulang maglakad.

Dahil gabi na makikita mo ang mga bituin na kumikislap sa langit. I love walking lalo na pag gabi. Kung sila morning person, ako naman night person. Kahit kasi madilim meron paring liwanag na maggagabay sayo sa tamang daanan lalo na't sinusundan ka ng mabilog at maliwanag na buwan.

Hindi naman masyadong malayo yung village nila Rachelle sa village namin. Nga lang kung maglalakad ka lang aabot ng twenty to thirty minutes bago ka makarating sa village namin. Meron naman akong money pang commute kaso bet ko maglakad ngayon malay mo mahanap ko the one ko.

Charizz...

Habang naglalakad, inienjoy ang malamig na hangin ugong ng mga sasakyang dumaraan. Bigla ko nalang naisip si Mr. Stranger.

The way he comforted me that day has given me security and even though I don't know him I feel safe and comfortable. Parang meron akong naramdamang kakaiba na di ko mawari.

Hindi ko rin nakalimutan yung amoy niya, amoy shower gel at fresh scent na parang face gel na aloe vera.

I hate that there is something in me na gustong kilalanin ang lalaking iyon. I hate it kasi ginugulo niya ang isipan ko.

Pero...

Kahit na ganon, alam ko sarili ko na natatakot lang ako. Natatakot akong kumilala ng bagong tao na papasok at gugulohin ulit ang buhay ko.

Sa gitna ng malalim na pag iisip. I was taken aback by the light striking in me.

Narinig ko ang busina ng motor galing sa unahan. Dahil sa sinag ng front light ng motor hindi masyadong mahagilap ang mukha ng nakasakay dito.





But one thing is for sure, LALAKI siya...






And he look very familiar.......

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
♡ ~ /:


Hi everyone! I am very sorry that I kept you waiting and it took me a month before I published chapter 7. Naging busy kasi ako sa Finals tsaka sa nitong nakaraang linggo.

Salamat sa nandito pa rin at patuloy na nagsusubaybay sa estoryang ito. Pagpasensyahan niyo na't hindi pa ako masyadong bihasa sa pagsulat kasi this is my first time writing a book and it is worth it. Thank you for your patience and continued support. Please support Yarie and Uzkin's story.

We are almost reaching 200 reads.

Comments your thoughts about the Last Fall of Blossom promise babasahin ko, and if you ask questions I will try my best to answer.

Salamat at mahal ko kayong lahat. God bless y'all.


-anhidden_ink



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Last Fall Of BlossomWhere stories live. Discover now