"Don't come home late okay? We're going to welcome your tita's child tomorrow and I don't want you to slack off during your first impression!" Paalala ni mommy habang hinahanap ko ang susi sa aking kotse. Napagdesisyonan namin na bumili na ng school supplies habang maaga pa dahil tiyak na dadagsa na naman ang mga tao sa mall kapag malapit na ang pasukan."Yes, mom. I'll go now." Pagpapaalam ko sakanya saka lumabas at pumasok na sa aking kotse. Dinaanan ko muna sa compshop ang mga kasama ko.
"What's up pare ko," bati ni Emman nang pumasok siya sa backseat at lumapit para makipagkamay sa akin, "balita ko may kasama ka na daw sa bahay niyo bukas ah." Aniya saka sumandal pabalik sa backseat.
"Baka pormahan mo yan Dre ha, magugulat nalang kami na may ipapakilala ka nang jowa sa amin." Si Chris habang sinusuot ang kanyang seatbelt sa front seat. Humagalpak si Emman sa likod at nagawa pa ngang mag-apir ng mga timawa. Siniko ko ang mga kamay nila at tuluyan nang magmaneho.
"Wala pa naman akong balak mag girlfriend, ayoko muna ng stress." Ani ko sa kanilang dalawa dahil ayaw nila akong tigilan sa pang-aasar nila. "Sige, sabi mo yan eh." Asar ni Chris na tinawanan naman ni Emman.
"You will miss out on the fun, dude! We're almost in college, two years nalang bro! Learn to play around naman." Tiningnan ko si Emman sa salamin. I narrowed my eyes at him playfully and then answered him. "I don't want to "play around" Emman. And I have my ways of having fun."
"Kaya ka walang babae kase ang gago ng mga salita mo!" Chris then playfully pushed Emman's forehead using his index finger. Kumunot ang noo nito at sinagot si Chris.
"Anong gago eh mas malala ka pa nga sa akin eh! Gago ka rin ulol!" Nagpatuloy sila sa kanilang alitan. I sighed and let them argue while I quietly drove to the mall.
When we got there, we decided to head to Expressions to buy school supplies. Hindi naman masyadong marami ang binili ko dahil hindi pa ako sigurado kung ilang notebook ang kailangan sa strand ko at baka may specific color na required ang mga teachers kaya sa susunod na ako bibili. Isang binder at mga yellow pad lang ang binili ko dahil may mga gamit pa naman ako sa bahay na natira noong junior high kaya yun na muna ang gagamitin ko.
Noong pinuntahan ko sina Emman at Chris sa counter para magbayad ay may nakabunggo sa akin. Titingnan ko sana para humingi ng tawad ay nagulat ako nang sumigaw ito.
"Ugh! Do people nowadays know how to use their eyes anymore?! Look where you're going my gosh!" Iritang sabi nito habang inirapan ako.
Wow ha. Siya na nga ang may kasalanan, siya pa ang galit.
"Excuse me lang ha, ikaw kaya yung nakabangga sa akin. Tapos ikaw pa tong may lakas loob na mairita?" Tiningnan niya lang ako ng masama at dumiretso na papalabas sa store. I followed his back until he was out of my sight and just scoffed. Grabe na talaga ang mga tao ngayon.
Naglakad nalang ako patungo kina Emman at Chris na ngayon ay nakatingin sa akin, pati na ang cashier at ibang staff. Nakita ata nila ang nangyari kanina. Sa sobrang ingay ba naman ng lalakeng yon.
"Nuyon?" Tanong ni Emman nang inilapag ko ang aking mga binili sa counter. I sighed and just shrugged my shoulders. I just don't want to see that man anymore.
"Wala pa ngang pasukan may nakaaway kana agad." Asar ni Chris at naghagalpakan sila ni Emman. Tuwang-tuwa ang mga puta.
Nang matapos kaming bumili at kakain na sana ay biglang tumigil si Chris sa kanyang paglalakad kadahilan ng pagtigil din namin.
Nilibot ko lang ang aking mga mata sa paligid ng mall at nilagay ang aking mga kamay sa bulsa ng aking denim jacket. Nang humarap si Chris sa amin ay sumenyas ito na bumalik kami sa aming dinaanan.
YOU ARE READING
To The Moon and Back
RomanceAndrei Daniel Marquez was just your typical teenage filipino boy. He wanted to enjoy life while having fun with his friends and family. If there was one thing in the world he valued the most, it was his peace of mind. For him, it is crucial for a pe...