Chapter 3

10 2 3
                                    

"Morning" Pagbati ko sa bagong gising na Atlas. He just groaned and went straight to the bathroom, barely awake. Bumaba na ako para kumain dahil kakatapos ko lang naman maligo.

"Morning, mom." Bati ko kay mommy na ngayon ay hinahanda ang aming hapag-kainan.

"Morning, Drei. Kain kana, si Daddy mo umalis na. May pagpaplanuhan sila sa business." Ani ni mommy.

Umupo na ako sa pagkatapos kong magbeso kay mommy. "Hindi po ba sasabay si Atlas, mom?"

"Nagpaalam siya sa akin kagabi na matatagalan daw siyang kumilos kapag maaga, kaya mauna na raw muna tayo." Sagot ni mommy sa akin saka dumeretso na sa kusina.

"Ah," sagot ko, "I'll just wait for him, mom. Hindi pa naman ako masyadong gutom."

"Sige, Dre, mauna muna ako ha? May kailangan kasi akong tapusin sa firm." Pagpaalam ni mommy sa akin pagkatapos niyang halikan ang aking buhok. "Sabay na kayo ni Atlas ha, I gave you

"Okay mom, take care."

"Urgh.." Ayan na, ayan na siya.

Narinig ko ang mga yapak ni Atlas pababa sa hagdanan kaya inihanda ko na ang mga plato.

"Morning." Bati ko sa kanya ngunit humikab lang ito. Basa naman ang kaniyang buhok kaya alam ko na agad na kakagaling niya lang maligo. Umupo ako sa harap niya at nagsimula nang kumain.

Hindi parin siya nagsasalita at kumain nalang din. Inantay ko nalang na matapos kaming dalawa bago ko siya kakausapin ngunit kalagitnaan ng aming pagkain ay nagsalita siya.

"So, what's your plan for today? Don't tell me na you're going to the court this early like what you did kahapon?"

Hindi ko tinanggal ang aking tingin sa pagkain at sumagot nalang. "Nope, magre-ready ako ng mga requirements for the enrollment."

Bigla siyang napatigil sa kaniyang pag kain at tumingin sa akin. "Wait, you are? So that means I'll be mag-isa here?" Tanong niya sa akin.

"Hindi, malamang. You're coming with me. I'll help you process your papers, baranggay registration yung mga ganon." Sagot ko sa kaniya. "Kaya bilisan mo diyan, baka aabutin na naman tayo ng hapon nito."

"10:51" Ayan nalang ang nabanggit ko sa sarili ko nang magkatinginan kami ng wall clock sa taas ng tv. Wala atang silbi ang maaga kong paggising dahil ang reyna ng tahanan na to ay nagre-ready padin hanggang ngayon.

Tarantadong to, hihintayin niya pa yatang mag-lunch kami bago umalis eh.

Napasandal nalang ako sa couch at pumikit. Siguro pag natulog ako bibilis ang oras.

"Oh? What are you doing sleeping there? Let's go na, we might be stuck in traffic na naman mamaya ah." Irita kong binuksan ang aking mga mata at nakita ang isang Atlas na...

Anak ng- kukuha ba to ng requirements oh ito-tour ang buong Pilipinas? Ang laki naman ata ng handbag na dala ni madam.

"Hoy, kukuha tayo ng requirements ha. Hindi mag a-island hopping. Ang laki-laki pa ng bag na dala mo, lalayas ka ba?" Sabi ko sakanya na kanya namang inirapan.

"So what? Hindi ba pwedeng maging fashionable kahit walang event?" Ani niya habang may kinukuha sa ref na saka niya namang inilagay sa kaniyang balikbayan box. Napakamot nalang ako sa aking ulo, ewan ko talaga sa lalaking to. Ang malas ng makakatuluyan niya.

Humarap na siya sa akin pagkatapos niyang maglagay ng kung ano-ano sa luggage niya. Tuluyan na siyang naglakad ngunit napatigil siya nang makita niya ako. Kumunot ang kaniyang noo at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 To The Moon and BackWhere stories live. Discover now