"Seryoso? Nakipag-away talaga siya dahil lang sa libro?" Interesadong tanong ni Emman nang ikinwento ko ang buong storya sa away na naganap sa bookstore. Tumango lang ako at nagpatuloy nang kumain.
"At pinatulan mo pa talaga?" Dagdag pa ni Chris kaya nagtawanan silang dalawa. Nasa Mang Inasal kami ngayon dahil ito ang go-to fastfood namin since grade eight.
"Siya nga pala, Dre, magpapatuloy ka ba sa basketball?" Tanong ni Chris sa akin. Buti nalang nag iba na ang topic.
"Di ko pa alam eh, siguro mamaya na ako magdedesisyon kung may tryouts na." Sagot ko sakanya. Parte kami ni Chris sa varsity ng aming school sa buong junior high. Sumali lang si Emman noong grade nine kasi pinilit niya.
"Kelan kayo mage-enroll?" Tanong ni Emman sa amin.
"Di ko pa alam eh, sabay nanaman ata kami sa kampon ng demonyo." Sagot ni Chris, referring to his sister.
"Same. Siguro after three days na para di masyadong marami ang tao. Nakakasakal." Sagot ni Emman sakanya tsaka ininom ang kaniyang
softdrink.Pagkatapos naming kumain ay umalis na din kami. Hinatid ko muna sina Emman at Chris saka ako dumiretso sa bahay.
Once I got inside, I could smell the aroma of chicken curry. I walked to the kitchen and sure enough, mom was busy with her cooking.
"Mom, I'm home." I walked towards her and she turned her head, hands still busy on the pot. Nagbeso ako sakanya at nagsalita naman siya. "Welcome home, Dre. Buti naman hindi ka ginabihan."
"I told you, we were only going to buy school supplies." I walked back to the living room and placed my stuff on the coffee table. Napansin ko na may mga supot na nakalagay sa sofa.
"Ma, may binili ka ba?" Tanong ko sakanya pagkabalik ko sa kusina. "Ah, wala anak. Kay Atlas yan." Sagot niya na hindi ako tinitingnan. Nagtaka naman ako kung sino tong Atlas na to. Nang lumingon si mommy at nakita ang mukha kong naguguluhan ay tumawa siya.
"Sa anak ng tita mo, yung titira dito. Dumating na kasi siya kanina lang." Binaling niya muli ang kaniyang atensyon sa pagluluto. "Akala ko ba bukas pa siya dadating?" Tanong ko kay mommy. Ang pagkakaalam ko ay sa bukas ng umaga pa siya dadating kaya ako umuwi ng maaga.
"Napa aga siya kasi gusto niyang mag-arrange ng kaniyang kwarto. Siya nga pala Dre, i-tour mo nga siya sa barangay. Isama mo siya pag lalabas ka para naman makapag-socialize siya dito. Ipakilala mo siya kina Niko." Tugon ni mommy sa akin. Tumango ako at nagpaalam na pumunta na sa kwarto ko. Kinuha ko lang ang aking mga binili at naglakad na patungo sa ikalawang palapag ng bahay.
Tumingin ako sa dating guest room namin na ngayon ay nakalock na. Hindi ko na iyon pinansin at pumasok na sa kwarto ko. Inilatag ko ang aking binili sa study table ko at humiga sa aking kama. Hindi ko parin maalis sa aking isipan ang nangyari kanina. Gusto ko sa ang ikwento kina mommy at daddy ang nangyari ngunit dumating na ang roommate ko kaya huwag nalang. Baka pagtawanan lang din nila ako kasi pinatulan ko iyong gagong yon. Nakakairita.
I sighed my irritation off and just stared at the ceiling. I decided to change into a more comfortable clothing. Nagbihis lang ako sa isang itim na sweatshirt at navy blue na shorts. Humiga ulit ako at napagpasyahan na matulog nalang. Magpupuyat na naman ako mamaya.
Gumising ako nang may bumukas sa pinto ko. "Hey, get up. Your mom's calling you to eat." Wika sa akin ng isang malambing na boses, eto siguro yung Atlas na tinutukoy ni mama. Buti naman at tunog mabait na bata. Humikab lang ako at isinara na niya ulit ang pinto.
Bumangon na ako at inayos muna ang aking sarili bago lumabas sa aking kwarto. Sakto at lumabas rin iyong Atlas sa kaniyang kwarto at parehas kaming napatingin sa isat isa at nagulat nang sabay kaming lumabas. Unti unting sumama ang aking ekspresyon. Namumukhaan ko tong lalaking to ah...
YOU ARE READING
To The Moon and Back
RomansaAndrei Daniel Marquez was just your typical teenage filipino boy. He wanted to enjoy life while having fun with his friends and family. If there was one thing in the world he valued the most, it was his peace of mind. For him, it is crucial for a pe...