Chapter 2

15 1 16
                                    

"Are we there yet? It's so mainit na oh!" Rinig kong reklamo ni Atlas na nasa likod ko.

"Paanong hindi ka maiinitan eh parang ang kapal ng t-shirt na sinuot mo." Ani ko sakanya habang binilisan nalang ang lakad. Ilang segundo pa ay nilagpasan niya ako habang naiiritang naglakad pauna. Bahala ka nga diyan, di mo naman alam saan ang daan eh.

Huminto na rin siya nang makita niya ang dalawang daan at tumingin sa akin. "Which way?" Tanong nito habang pinupunasan niya ang kaniyang noo.

"Sa kanan, ayan na ang court oh." Turo ko sa court na ngayon ay puno na ng tao. Akala ko ba sina Niko lang nandito?

"Well you didn't say naman na we are going to a basketball court!" Irita nitong sabi at dumiretso na. Ang tapang, may kakilala ka dito?

At teka, bat nagco-conyo tong gagong to? Nakakarindi amputa.

Sumalubong agad si Niko sa akin habang si Vina ay nakatayo lang sa may poste, pinapanood sila Chris at Emman na busy sa laro. Nasa gilid ko lang si Atlas, tahimik na pinagmamasdan ang paligid.

"Kuya Andrei! Kanina pa po naghihintay sina Kuya Chris sa inyo." Maligayang salubong sa akin ni Niko. "Ay, may kasama ka po pala. Hello po!" Bati naman nito habang nginingitian si Atlas. Ngumiti rin ito at kumaway pabalik. Ah ganon. Sa iba ang bait pero sa akin kulang nalang magalit kapag humihinga ako eh.

"Hello there, I'm Atlas." Naglahad ng kamay si Atlas kay Niko na agad naman tinanggap nito. Nagpaalam na ako sakanila at dumiretso na kina Chris at Emman na ngayon ay nakikipag usap na kay Vina.

"Wow! Buti naman naisipan mo pang pumunta Dre! Akala namin na-amnesia ka na eh." Sarkastikong sabi ni Chris na tinawanan naman ni Emman.

"Akala ko ba kayo lang ang tao dito?" Tanong ko sakanila dahil marami na nga ang tao dito. May mga batang naghahabulan, mga matatandang nagchi-chismisan, mga tatay na nagba-basketball sa kabilang bahagi ng court, at may mga nanonood din.

"Paawat ka naman pre, dalawang oras kami naghintay sayo eh malamang marami nang tao ngayon." Sarkastikong sabi ni Emman. Umiling nalang ako at inanyayaan naman nila akong maglaro na.

Mga isang oras kami naglaro dahil hanggang alas singko lang ng hapon pwede ang court. May mga volleyball player na gagamit sa court kaya nagtungo nalang kaming apat kina Niko na ngayon ay nakaupo sa tapat ng tindahan.

"Maraming gago dito pero huwag kang mag-alala dahil sasamahan ka namin nila Rio at Liya! Madami kaming kakilala dito na matitino kaso bihira sila lumabas eh." Sabi ni Niko kay Atlas na nasa harapan niya. Nasa tabi niya si Rio na tahimik lang na tumatango habang nakangiti.

"Oo nga! Marami din namang may lahi at englishero dito! Katulad ni Kuya Hajie." Pagsasang-ayon naman ni Liya na nasa tabi ni Atlas.

"Oh really? I can't wait to meet them soon." Sagot ni Atlas habang nginingitian si Liya ngunit agad itong napawi nang makita niya ako.

"Oh, buti naman at nakilala mo na rin sila Rio at Liya." Sabi ko sakanya ngunit di niya ako pinansin at tumingin na kina Niko. Agad namang napatigil ang usapan nina Emman at Chris na nasa likuran ko.

"Oo nga! Bayaran kita kapag may barya na ako- uy!" Ani ni Emman at napatingin kay Atlas. Nagtataka ata dahil may bagong mukha na kasama nila Liya. Si Chris naman ay ngumiti, halatang may demonyong iniisip.

"Nagdadalaga na pala tong Liya namin eh! Pakilala mo naman kami diyan! Trip mo pala ang mga afam ha, ikaw talaga may pinagmanahan ba naman." Ani ni Chris habang pabirong hinampas si Emman sa likod.

"Uy! Bakit ako?" Sabi ni Emman at gulat na tumingin kay Liya. Tumawa naman sila Rio at Niko habang si Atlas ay nakasimangot na.

"Tarantado. Kasama ko yan." Pinutol ko ang pang-aasar nila dahil kawawa na ang mukha ng batang to. Naguguluhan na ata siya o sadyang hindi lang makaintindi sa sinasabi nila.

 To The Moon and BackWhere stories live. Discover now