Chapter 3

2 0 0
                                    

Di ko pa rin inexpect na babalik sya... He is my first love tho.. sobrang sakit ng ginawa nya sakin kaya umiiwas ako. Bat pa ba sya bumalik kung kelan malapit nakong mag move on. Pano nya nagawang ngumiti habang sinasaktan nya ako ng paulit ulit. Alam kong bata pa kami noon pero wala namang masamang mag mahal diba?Nung time na umamin sya sakin, I was so happy. He let me experience the love na never kong naramdaman noon thats why i loved him so much. I broke the rule numer 5 hahahaha. Kagaya nga ng sabi ni Chloe sakin dati, walang masamang magmahal. Its not a crime to fall inlove. But why does he needs me to hurt this so much. 

 *Flashback 

 Pinuntahan ako noon ng kaibigan ni Dexter at sinabi nyang aalis na daw siya kinabukasan. At first i did not believe him kasi i know dex, ako una nyang sasabihan. I asked his friend kung nasan sya and sabi nya ay nasa 6 Emerald daw. Pinuntahan ko sya and my jaw drop nung nakita ko sya. He was hugging Alexis.. Alam ko namang wala akong karapatang mag selos pero ang sakit sakit. Nakita nya ako and tinulak nya ng dahan dahan si Alexis.. Pinuntahan nya ako and he tried to explain pero sinasaktan nya lang ako. I can't believe that he would do this to me. Gusto ko pa namang sumuko that time dahil ng mga probs, kung kailan kailangan ko siya saka naman sya nag loko, saka pa nya ako iiwan.


"Lita please let me explain.."


" Explain?? Wag mo nakong paikot ikutin pa dex. Nakita ko na nakita ko na please lumayo ka na sakin ayaw na kitang makita pa."


"Please lita pagbigyan mo muna ako, hayaan mokong mag paliwanag."


Mahal na mahal ko si Dex so kahit masakit hinayaan ko pa rin syang mag explain. This is not the first time na ginawa nya toh. Lagi na lang silang magkasama ni Alexis.

" Kaya ko sya niyakap dahil nag papaalam nako sakanya and she's currently facing family probs. She needs someone to talk to and hindi naman pedeng pabayaan ko sya."

"Pano naman ako dex??? Kailangan din kita.. Lagi ka na lang nasa tabi nya habang ako nandito mag isa at nag hihintay sayo."

" Im sorry lita, she also needs me. Babawi ako sayo I  promise. Pero bukas aalis nako, papalipatin ako nina mama ng school dahil sa work ni papa.."

"Kailangan ka nya? Sorry? Babawi? Promise? Dex paulit ulit na lang. Pagod na pagod nakong intindihin ka. Palagi mo na lang yang sinasabi pero hindi mo tinutupad. Tapos ngayon aalis ka? Iiwan mo ko.. alam mo dex mas mabuti pang tapusin na natin kung anong meron tayo. I dont want to have a connection with you anymore. Minahal kita at mahal kita dex pero your actions told me to stop. Ayoko na pagod na pagod nako. Basta kahit gano pa kasakit kakayanin din natin ito. Its for the better na din naman para rin satin ito dex. Thank you for everything, thank you for letting me feel and experice what the real love is.Kahit sa maikling panahon napasaya mo ako. So i guess kailangan nating tupadin ang mga pangarap natin ng di magkasama haha.. I will never forget you but its time for me to let you go.. goodbye dex.."

"I'm sorry Lita.. I promise babalikan kita at pag dumating na ang tamang oras, bagong Dex na ang  makilala mo. I'll improve my self better para sayo at sa future natin. Alam kong madami akong pag kukulang and sorry kung wala akong lakas ng loob para bumawi. I'll be back with the best version of myself. Thank you for the memories and happines that we had been together. Siguro nga hindi ito ang tamang panahon para satin noh? Alagaan mo sarili mo ha, wag kang susuko kaagad. Kilala kita Lita alam kong malayo ang mararating mo, always remember that proud na proud ako sayo okay?? Nandito lang ako sa malayo patuloy kang mamahalin at susuportahan sa mga bagay na nag papasaya sayo. I love you Lita. Paalam.." 

  At sa araw na yon, pinutol na namin ang koneksyon namin sa isa't isa. . Dahil sa mga pangyayari, di na kami tulad ng dati.. I already accepted the fact that he's someone that I love but I can't have.

Until My Next LifeWhere stories live. Discover now