Prologue

539 33 134
                                    

Passed.

Natagpuan ko na naman ang sariling naglalakad nang walang patutunguhan. Tanging mga ilaw lang sa mga poste ang nagsisilbing liwanag sa daan. Ang buwan ay nagtatago sa makakapal na ulap kaya para akong niyayakap ng dilim at ng lamig ng gabi.

Ang sakit na ng ulo ko. Andaming bumabagabag sa isip ko. Kahapon pa kami nagremoval exam pero wala pa rin resulta. Tangina, 2 points na lang pasado na sana ako. Kapag 'di ako pumasa sa removal exam kahapon, madadagdagan pa 'ko ng dalawang taon. Gago delayed na delayed na 'ko. Sino ba kasing nagsabi na mag engineering ako?

"Okay lang yan self, buhay ay di karera sabi ng bini." bulong ko.

Para na 'kong baliw dito na kinakausap ang sarili habang naglalakad sa kawalan. Malilibot ko na ata ang buong campus ng uplb sa paglalakad ko.

"Pero self isipin mo, male-late ka grumaduate, male-late ka magtrabaho, kailangan nyo na makalipat ng bahay."

Alam ko, na hindi ko naman obligasyon i-ahon sa kahirapan ang pamilya ko. Pero desisyon ko 'to. Desisyon kong ibalik sa magulang ko ang mga paghihirap nila para saming magkakapatid. Gusto kong makaalis kami sa maliit na apartment na 'yon.

"Sorry bini, pero kailangan pala ni self mauna sa karera."

Natatawa ako, na naiiyak. Baliw na ba 'ko? gago naman. I mean okay lang naman sana sakin na mahuli ako grumaduate, 'di naman ako prine-pressure ng mga magulang ko. Pero bumaba ang sweldo ni papa ngayong buwan. Parang naging sampal sakin na hindi pala ako pwede mahuli. Ang laki rin ng gastos kung madadagdagan pa 'ko ng dalawang taon sa college. Favorite ko pa naman mula sa nabasa kong libro yung sinabi ng bida na "Hindi ka mahuhuli, at hindi ka nahuhuli." Pero tangina, hindi pala applicable sakin 'yon.

Nakailang mura na ba ko ngayon sa isip ko. Sorry po Lord. Kita mo naman po 'diba? Ang tagal kong nag aral para sa removal exam na 'yon. Halos hindi na po ako kumain at matulog nang dalawang linggo para lang maipasa 'yon. Lord alam ko naman po na parte ng buhay ang mga pagsubok, pero 'wag naman po sanang sabay sabay.

Pero nagtitiwala ako sa plano niya sakin. Alam kong hindi niya ako pababayaan. Pinilit kong pakalmahin ang sarili at alisin lahat ng gumugulo sa isip ko. Parang free therapy na rin sakin 'tong paglalakad sa gabi. Para bang lumulutang ako at sumasabay sa ihip ng hangin. Ang tanging naririnig ay ang pagaspas ng mga dahon at tunog ng mga kuliglig.

...at tunog ng tiyan ko.

'Di nga pala ko nakapagtanghalian. Grabe self, pagod na nga gutom pa.

Pumunta na lang ako sa uncle john's kasi favorite ko ang ice cream doon. Shet, ang tanghalian at hapunan ay ice cream. Ang angas mo Adi.

"Sige self, mag ice cream tayo, hindi natin sila bati." nakangiti kong sabi sa sarili.

Tangina napalakas ata, tinitigan ako nang masama ni kuyang nakablack hoodie at mask, AT SHADES??? SA GABI??? Pigil na pigil 'yung tawa ko please lang.

"Ate isa pong sundae, sa cup"

Thank you Lord. Sa wakas may nangyari na ring maganda ngayong araw. It's me and my vanilla ice cream against the world.

SI KUYA BAKIT NAKATITIG PA RIN?? mas una pa yata akong matutunaw kesa dito sa ice cream eh. Crush ba 'ko nito o naawa siya sakin kase feel niya baliw ako.

Dancing with Midnight ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon