Chapter 4

166 16 31
                                    

Friends.

"Anong pinag-uusapan niyo?" taas-kilay na tanong ni Gabo.

Luh chismoso.

"Rule number one, you can only talk to me in case of emergency and if necessary." pang-gagaya ko sa kanya.

"Ahh okay, pack your things. Makakaalis ka na. Inay pahatid na lang po si Adrian sa labas."

"JOKE LANG BOSS!! ETO NAMAN! Kausap ko po sarili ko, Hoy self!! Rule number one ni Boss, you can only talk to him in case of emergency and if necessary!! Okay self, copy."

Wala siyang reaction at nakatitig lang sa akin, mukhang hindi siya natutuwa.

"Hehe Lola Belen, asan po ba yung creamer? kuha lang po ako konti, ang tapang po pala masiyado nitong kape, hindi ko po pala kaya." napakamot na lang ako sa ulo.

"Ah ako na ang kukuha, ikaw ba apo gusto mo rin ba ipagtimpla kita ng kape?" tanong niya kay Gabo.

"Sige po." matipid na sagot niya.

Ayos, naiwan pa talaga kami ni Gabo dito sa terrace nila. It's giving A silent place, ang magsalita tigok. Grabe ang awkward, paano ko naman siya kakausapin ay bawal nga pag hindi necessary.

"After mo magkape, samahan mo ako sa farm sa likod. Ituturo ko sayo kung anong mga gagawin mo. You'll start tomorrow." aniya na bumasag ng katahmikan sa pagitan naming dalawa.

"Okay po boss."

"Don't call me boss."

"Okay Gabo."

'Di maipinta ang mukha niya pagkatapos ko siyang tawaging Gabo. 'DI MAIPINTA?? All this time pala natatawag ko lang siyang Gabo sa isip ko. Hindi ko pa pala siya natatawag ng Gabo face to face gagi, bawal ba?

"Wow, nickname basis?"

"Ayaw mo ba? Adi na lang din itawag mo sakin para di ka na mahirapan sa Adrian."

"Okay fine, para matapos na. You can call me Gabo, I'll call you Adi.

Naks may progress na.

...

"Inay, punta lang po kami ni Adi sa farm." paalam ni Gabo.

Hala, Adi na talaga tawag niya sakin. Sana maging baby naman soon... ha?? hatdog.

...

Sinundan ko si Gabo papunta sa likod ng bahay nila. Dire-diretso kaming naglakad sa madamong daan hanggang sa makarating kami sa palayan.

"Kita mo 'yan? Tutulungan mo 'ko bukas mag-araro kasama si Keito."

"Keito? May kasama pa tayo?" pagta-taka kong tanong.

"Eto, si Keito." sabay akbay sa kalabaw sa tabi niya.

Luh cute ng pet ah kalabaw.

...

Nilibot pa namin ang farm nila, tinuro sa akin ni Gabo kung nasaan ang mga alaga nilang hayop. May mga bibe, itik, manok, kambing, at mga baka. Meron namang ibang mga tauhan dito pero wala yung pinaka parang leader, LEADER?? basta yung parang pinaka may alam ng lahat, kaya kailangan ni Gabo ng katulong. Swerte niya nandito ako.

Meron pa silang ibang tanim dito pero may mga nag-aasikaso na raw non. Sa mga hayop at sa palayan lang daw kami.

Pabalik na kami ni Gabo sa bahay pagkatapos pakainin ang mga alaga nilang hayop. Medyo nakakapagod pero ang therapeutic to be honest. THERAPEUTIC??

'Di kasi ano diba, palaging pagod utak ko sa engineering, halos di na nga ako nakakapag-exercise. Tapos dito nakakakilos buong katawan ko at wala pang math. Sariwa pa ang hangin, ampogi pa ng boss. ha??

Dancing with Midnight ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon